What's new

Help Ano pakiramdam pag sanay ka na sa lungkot

Peash00ter

Forum Guru
Elite
Trinopa na talaga ako nang kalungkutan.
Normal lang siguro di ka na maiyak lalo kung sanay ka na maging malungkot😔
Gusto ko ilabas nararamdaman at humagulgol sa iyak, kaso di na lang masasayang lang din pagod ko.
Wla din naman mangyayari kung iiyak na lang, ganun pa din naman ang nararamdaman, ganun pa din kataas ang kalungkutan. Di ko mawari ang nararamdaman ko. Pag iniisip ko lang lalo ako naiistressed samahan pa ng mga problema.
Siguro nasanay na lang talaga sa sakit at lungkot.
Walang araw na di dumadapo ang lungkot sakin at pakiramdam ko eto na lang tlaga at wala nang hangganan, wala na katapusan, higit sa lahat nakakapagod
 
Last edited:

Ano pakiramdam pag sanay ka na sa lungkot?
wala na!. parang wala kana halos maramdaman. wala ka ng pakealam. prang wala ka ng gana na makiramdam.. balot n balot ka ng kalungkutan o may kinikimkim kang bigat, sa poot mo..kung hndi mo nmn kase ilalabas yan paps ganun din,.. pag gising mo ganun pa din. tatakas ka, ganun pa dn.. kaya dapt nyan paps, ilabas mo na. kesa sa tatakas-takasan o kikimkimin mo lng. mag isa ka lng. hanggang sa wala ka na magandang maisip kundi puro negatibo lang..​

ako naman po pakiramdam ko im suffering from mild depression kasi parang di ok na nararnasan maging masaya .. Yun mga bagay nag nagbibibgay saya sa ibang tao , parang di ko magawang maging masaya..

Samahan nyu po ng dasal .. Naiiisip ko din na ayuku maging malungkot habang buhay ... Ayoko sayangin ang buhay ko sa lungkot kaya gumagawa ako mga bagay na mag bibigay sakiin ng fullfilment. Hobby.. learning new things ..

Kaya nyu po yan , basta samahan nyu po ng prayers palagi . . Ako bawat biyahe ko , pag momotor papunta opisina nag pe pray ako na maging safe palagi po. Basta sa tuwing aalis may kasamang panalangin
 
hindi rin po masamang umiyak .. nakakabawas po yan sa lungkot na nararamdaman nyu po .. basta let it flow lang po . ibuhos nyu po lahat,
Pakiramdam ko pag umiyak ako, napaka hina kong tao, kase hanggang iyak na lang ang magagaa ko. Kaya nasanay na lang akong may kinikimkim sa lungkot sa sarili. Ewan ko ba pakiramdam ko parte na sya ng buhay ko:<
 
ako naman po pakiramdam ko im suffering from mild depression kasi parang di ok na nararnasan maging masaya .. Yun mga bagay nag nagbibibgay saya sa ibang tao , parang di ko magawang maging masaya..

Samahan nyu po ng dasal .. Naiiisip ko din na ayuku maging malungkot habang buhay ... Ayoko sayangin ang buhay ko sa lungkot kaya gumagawa ako mga bagay na mag bibigay sakiin ng fullfilment. Hobby.. learning new things ..

Kaya nyu po yan , basta samahan nyu po ng prayers palagi . . Ako bawat biyahe ko , pag momotor papunta opisina nag pe pray ako na maging safe palagi po. Basta sa tuwing aalis may kasamang panalangin
Salamat po lods, may mga karamay pala ako dito. Ang hirap maging malungkot, kinakain buong araw ko. Pakiramdam ko gusto ko na lang magmukmok at sobrang nakakatamsd pag malungkot
 
Pakiramdam ko pag umiyak ako, napaka hina kong tao, kase hanggang iyak na lang ang magagaa ko. Kaya nasanay na lang akong may kinikimkim sa lungkot sa sarili. Ewan ko ba pakiramdam ko parte na sya ng buhay ko:<
pitikin kita jan eh!!
ako sobrang lungkot ko ngayun. kung wala nag babantay saken baka sumuko na ako.

ano ka ba , try mo nga mag sulat ng something na sa tingin mo mapapakinabangan mo after 5 years
pasayahin mo sarili mo jusko to, paluin kita eh!
 
Ano pakiramdam pag sanay ka na sa lungkot?​

wala na!. parang wala kana halos maramdaman. wala ka ng pakealam. prang wala ka ng gana na makiramdam.. balot n balot ka ng kalungkutan o may kinikimkim kang bigat, sa poot mo..kung hndi mo nmn kase ilalabas yan paps ganun din,.. pag gising mo ganun pa din. tatakas ka, ganun pa dn.. kaya dapt nyan paps, ilabas mo na. kesa sa tatakas-takasan o kikimkimin mo lng. mag isa ka lng. hanggang sa wala ka na magandang maisip kundi puro negatibo lang..​

Salamat lods, ang hirap sobra may poot akong nararamdaman sa araw araw, ang hirap ilet go kasi wala din mangyayari. Ganun pa din naman mararamdaman ko ulit, andaming dahilan kung bakit ako nslulungkot andaming nag tritrigger, mga problema, hinanakit, panghihinayang, di mawala wala ss aking isipan
 
ay teka... hmmm anu ba yan!!!
 
pitikin kita jan eh!!
ako sobrang lungkot ko ngayun. kung wala nag babantay saken baka sumuko na ako.

ano ka ba , try mo nga mag sulat ng something na sa tingin mo mapapakinabangan mo after 5 years
pasayahin mo sarili mo jusko to, paluin kita eh!
Haha masiyahin akong tao paps, positive kung makipag kapwa at positive kung makipag usap sa iba. Pero sa kaloob looban ko ang nag aalburotong sakit at lungkot na nararamdaman kong ang hirap ilabas, kahit anong pagpapaangat ang gawin ko, hinihila ako ng kalungkutan ko. Di ko alam kung bakit nanatili na ko sa gantong sitwasyon, di naman ako ganto dati. Andami kong gustong gawin pero nangingibabaw lungkot ko kaya ni isa wala akong nagagawa, hirap mag focus lalo kung wala kang karamay kundi sarili mo lang.
 
sir, nararamdaman ko din po yan kalungkutan .. pero sabi ko sa sarili ko ayoko mabuhay sa lungkot .. sayang yung buhay ko . ayoko sayangin .. Madami pa din dapat ipag pasalamat.
Still nakakaramdam pa din ako ng lungkot pero di na ganun ka grabeh , i mean gumagawa ako ng mga bagay na mag papaalis sakin sa lungkot na yan .. Mahirap .. Pero ayoko sayangin yung buhay ko sa lungkot talga sir . Sayang ...

Ngayon nag aaral ako ng mga tutorial tungkol sa networking, tapos my hobby ako gundam modeling.. Basta kahit anong bagay ng pag natapos ko eh , mag bibigay sakin ng kasiyahan at fullfilment.
Malungkot din ako pero ayoko mag patalo sa lungkot .. Hahanapin ko yung mga bagay na magbibigay sakin ng kasiyahan .

másáráp sa utak yung masaya . Yung parang pakiramdam mo may naalis na maitim na ulap sa utak mo . Ganun yung naramdaman ko nun. másáráp sa pakiramdam. másáráp sa utak.
Basta ganyan po naramdaman ko nung nung parang pagaling na ko sa depression ko nun. Nasa church kasi ako nun nag pe pray. at minsan umiiyak din po kasi di ko kaya.. BAsta pag di ko kaya pumupunta po ako sa simbahan.
 
pitikin kita jan eh!!
ako sobrang lungkot ko ngayun. kung wala nag babantay saken baka sumuko na ako.

ano ka ba , try mo nga mag sulat ng something na sa tingin mo mapapakinabangan mo after 5 years
pasayahin mo sarili mo jusko to, paluin kita eh!
Ito rin ang isang mahalaga, yung may karamay ka at nagbabantay sa iyo. Yung mapagsasabihan mo ng saloobin mo at makikinig sayo, para mailabas mo rin ang bigat na nararamdaman mo.
 
Minsan din ganyan din ako umiiyak malungkot lalot may problema,di natin maiiwasan yan lalot namatayan ako ng bunso kung kapatid..kahit di kami mag ka sundo noon mahal na mahal ko yun.
Pero thank u kay GOD Dahil binigyan nya ako ng magandang skill Sa pamamagitan ng pag gugupit at pag kukumpuni ng mga cellphone at appliances..Hinahanap ko pa nga sarili ko kung saan ba talaga ako sasaya.Lalot wala akong jowa..minsan napapa isip nalang ako na di na siguro ako makakpag asawa nito kasi ang hirap magkaroon ng jowa ngayon..Pero Anjan naman pamilya ko..Pag bubutihin ko nalang trabaho ko ng matapos na tong bahay namin..Lord Sana wag nyo kami pababayaan hawiin nyo po mga kalungkutan na nararamdam ng bawat isa sa mundo..
 
Sa dami ng problema natin ngayon, mula sa pandemic, hirap ng trabaho, lockdown, mataas na bilihin, toxicity sa paligid maliban pa sa mga personal na problema ng kanya kanya, di ko masisi yung iba na para bang susuko na. Ako nga eh this yr. I was so depressed but still I have to continue moving forward. :( Pakatatag lang po tayong lahat.
 
Back
Top