What's new

Help Ano kaya pwede ikaso sa pag accuse sakin na di naman totoo?

ThePirateBay

Forum Guru
a pleasant day everyone ask lang po ako if ano pwede ikaso ganito po kasi nangyari umutang kasi ang anak niyang 5 to 7 years old ata sa tindahan namin tapos sinabihan ko na umuwi na kasi baka mabasag ang itlog. then 5 minutes after pumunta sa bahay namin ang nanay na minura ko daw ang anak niya tapos kung ano-ano na sinasabi against me the problem is nagsisinungaling ang bata at talong-talo ako kasi mas papaniwalaan nila ang bata kesa sakin.

kasi di ba sa pilipinas mostly thought na ang bata ay hindi nagsisinungaling.

ano ba dapat kung gawin mga sir?
 
any witness? cctv? malalaman NAMAN sa reaction ng BATA if may cctv kung natakot or what at kung normal na act lang na walang nangyari talagang pananakot at PAGMUMURA mo.
 
Baka sa tono ng boses mo TS nagkatalo? Pero kung ako sayo ts makipag ayos na lang kahit sila pa may kasalanan. Kailangan humingi din ng tawad yung nanay nya sayo. Parehong panig dapat magpakumbaba. Kausapin nyo sila sa pribadong usapan yung may mga kasama kayong nakakatanda at kailangan pag naguusap na kayo mahinahon lang ang boses kapag di parin maayos sa Barangay na kayo magpunta. Kailangan maayos na agad yan baka mas lumala pa sitwasyon.

TS baka stress lng nanay nya at yung mga bata ngayon iba na ugali sa kakagadget din siguro. May pamangkin ako 5 yrs old pag nakagawa ng kasalanan iba yung tinuturu nya dahil takot mapagalitan. Eto lng napansin ko marunong din magsinungaling yung mga bata pag takot mapagalitin. Sa kaso mo ts takot siguro yung bata dahil wala syang naiuwing itlog, dahil takot mapagalitan sa nanay kaya nagsinungaling.
 
Libel tapos file moral damages depende kung ano ang binebentang o sinasabi instant magka pera kung mag demand ka sa kasong moral damages.pero simpleng away lang yan lodi mostly totoo ang sinabi sa taas☝️ hanggang baranggay lang yan maayos na yan. Pero kung gusto mu talaga kasohan malaki na gastos/abala sa both parties, kukuha ka pa nang abogado sayang lang kung hahantong dun. Pa summon mu na lang sa baranggay para maayos at magka usap lodi
 
Uhmmn sino po kakasuhan yung nanay or bata 😅. Anyways libel only applies if may written publication ei pinagsabi sa iba sa fb. Kung chinismis ka sa iba that's slander. Pero kung kayo lang nag away that's not a criminal offense I think.


Edit: if you just find that person annoying ala naman sakitan physical naganap but gusto mo talaga kasuhan then go for unjust vexation. 😅
 
Last edited:
yun nga napansin ko sobrang spoiled ng bata as in. na shock nga ako na biglang may allegations sakin na ganon maganda naman approach ko kanina sa bata and first of all ayuko ng nasasaktan na bata kaya nga sobrang sakit sa ****** ko na biglang may allegation na ganon kung ano-ano na sinabe ng nanay ang nasabi ko nlang is napaka unprofessional ko naman kung papatulan at mumurahin ko ang bata and yet sobrang dehado ko if gagawin ko yun kasi I know the law about child abuse kasi mostly sa pinas ang paniniwala na ang mga bata ay hindi marunung magsinungaling.
 
papatawarin ko nalang siguro kahit wala naman akong sinabe na ganon sobrang sakit kasi sa ****** ang ganda ganda ng approach ko tapos gaganonin ako. kaya minsan ang mga bata ngayon sobrang sasama na ng ugali dahil kahit mali na ang anak nila kakampiham pa.
 
pasok yan sa libel lods sa kasong simple oral defamation sa pagkakaalam ko kulong yun sa 1 taon ata or 2 years kaso kailangan muna idaan sa barangay as a mandatory conciliation sa ilalim ng Local Government at need mo din ng mag stand sau as witness kasi pag wala ts mahirap yan unless na ang ginawa is grave oral defamation ito ung point na minumura kana oh pinapasagihan ka on social medias pwede mo na ito i screen shot at gamiting ebidensiya sa kasalanan nya ito ung pwede mo ng iderecta sa husgado na di na need na barangay conciliation dont worry pa wala kng budget sa atty. may pao tayo yan ts ang pwede mong ikaso but i recommend na makipagayos ka muna if ayaw tsaka ka mag hain ng reklamo sa barangay o sa korte

ps. dinanas ko na kasi yan ts sa canteen ng work namin kaya umabot sa korte
 
yun nga eh na shock ako kanina I cant imagine na at the very young age ganon na sinasabi ng bata ehh ang ganda ganda ng approach ko sa bata then kung ano-ano na sinabi ng nanay against sakin na di ko naman ginawa na sobrang linis ng anak niya.
 
pag ganyan ban na agad sila sa aking tindahan, tignan ko lang kung hindi sila mahirapan kapag sa kabilang baranggay pa sila kailangan bumili ng simpleng bagay, hindi mo magiging regret yan iha, magiging regret yan ng mismong bata (kung totoong nagsisinungaling talaga sya) pati nung nanay nya,
 
yun nga ang mahirap eh di namin kayang tiisin na pautangin sila. kahit ganon ginagawa ng nanay ang iniisip namin ang bata at the end of the day naawa parin kami para sa mga bata.
 

Similar threads

Back
Top