What's new

Ano Kaya ang Tamang Paraan ng Pagsamba sa Diyos?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Iba-iba ang paniniwala ng mga tao pagdating sa tamang paraan ng pagsamba. Pero mahalaga ba sa Diyos ang paraan ng pagsamba natin sa kaniya? Ang sagot ay oo. Dapat na ang pagsamba natin ay kaayon ng mga paraang itinakda niya. Tandaan, ang pagsamba ay parang terno ng damit at short, hindi mo puwedeng paghiwalayin ang dalawang magkaterno dahil lang sa hindi mo gusto ang isa sa kanila. Sa katulad na paraan, sa pagsamba sa Diyos, hindi puwedeng susundin lang natin yung pagsamba na fit sa atin, wika nga, at sa isang banda ay hindi na susundin ang iba pang kahilingan niya dahil lang sa hindi natin ito gusto. Hindi mo puwedeng paghiwalayin ang mga bagay na hinihiling ng Diyos sa atin. Ngayon ang tanong, paano kaya natin malalaman kung ang pagsamba natin ay kaayon ng paraang itinakda ng Diyos?

Sinasagot ng Bibliya ang tanong na iyan. Puwede mong bisitahin ang website na j w . o r g / t l para sa higit pang impormasyon. Puwede mo rin akong kausapin sa conversation kung accessible na ito sa profile ko or profile mo.
 

Attachments

Screenshot_20210409-200922_1.jpg


Screenshot_20210408-004235_1.jpg


Screenshot_20210407-212535_1.jpg


Screenshot_20210321-201104_1_1_1.jpg


Screenshot_20210321-212650_1.jpg
 

Attachments

Ang tamang pagsamba po ay nasa biblia..marami pong bahagi ang pagsamba sa Dios eh..

Yun lang pong pagyukod at pagluhod, pananalangin eh pagsamba na sa Dios yun eh.. basahin po natin sa nobentay sinko sais ng awit..

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Awit 95:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pagsamba po sa pangalan niya kagaya nun sabi ni david..

Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.

Awit 138:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Pangalan lang ng Dios masasamba mo na yun eh..pag ginagalang mo..yung hindi mo ikinakapit sa mga walang kabuluhang bagay..pagrespeto sa pangalan niya..pagsamba yun..

At eto naman sinasabi sa roma..basahin po natin sa dose uno..

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

Roma 12:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po sabi ni apostol pablo yung pag aalay ng sarili na isang haing buhay at banal pagsamba sa Dios yun.. eh pano mo iaalay sarili mo? Ganito po sabi sa aklat parin po ng roma sa sais trese..

At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.

Roma 6:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun sabi ni apostol pablo ang paghahandog po ng ating sarili sa Dios eh yung maging kasangkapan tayo sa kanyang katwiran..
Halimbawa po may tumatawid na matanda sa kalye tapos inalalayan mo, naging kasangkapan ka ng Dios para makatawid ng maayos yung matanda.. yun may nakita kang pulubi na namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa gutom, pagkatapos nakita mo at pinakain mo, ayun naging kasangkapan ka na naman ng Dios sa kanyang katwiran..pag samba po sa Dios yun..lahat po ng gawang mabuti na tinuro at inuutos ng Dios, pagtinatalima po natin, pagsamba po yun..

At ang pagsamba po sa Dios ay araw-araw..hindi linggo lang, hindi sabado lang.. basahin po natin sa gawa ng mga apostol..

At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.

Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.

Gawa 2:46-47
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po araw-araw ngang nagkakatipon mga unang kristiyano eh.. ang paglilingkod po sa Dios mula linggo gang sabado, araw-araw po dapat ang paggawa ng mabuti..

Samahan at ingatan po kayo ng Dios..

To God be the Glory!

Salamat sa Dios..
 

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 3K
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
angelo cruz

Online statistics

Members online
1,262
Guests online
2,447
Total visitors
3,709
Back
Top