What's new

Ano ang uunahin Anak o rush kasal?

teeyow

Honorary Poster
Established
Joined
Apr 6, 2017
Posts
447
Reaction
129
Points
167
What if buntis yung jowa mo at 3 months nalang manganganak na sya pero ang gusto nang magulang nya ay makasal kayo sa simbahan. pero ang pero ang pera nyo lang is para lang sa anak kase dun kayo naka focus. alam nyo naman pareho na mag partner na mahalaga ang kasal pero gusto nang isang magulang yun ipush at naguguluhan na kayo sa takot sa parents ng isa. ano ang gagawin mo?
 
Mas importante yung kailangan ng anak TS. Kasal nga kayo pero yung anak niyo hindi kompleto gamit at mga kailangan, mas mahirap yun.
 
yun nga e kahit kaming magpartner anak talaga kase pati savings namin para sa anak kaso ang parents nya ayaw nang hindi kasal ayaw din ng civil gusto traditional kasal ang mahirap pa dun probinsya magastos ang kasal sa probinsya given yun
 
Sana maisip din nila yung magiging apo nila TS kasi siya din mahihirapan, ganun talaga minsan mga magulang.

Try niyo nalang ulit kausapin TS, ipaliwanag yung sitwasyon.
 
Obviously, anak ang uunahin dahil buhay ang pinaguusapan natin.

Pero bago ka tumutol sa parents, check mo muna baka mag aambag naman sila sa gastos ng kasal. If so, take advantage mo na siguro para you take that out of the way. Malaking gastos din yun. Maraming benefits ang kasal ka sa partner mo, way more than you think. Pero kung hindi ka sure sa jowa mo... Well.. youre fugged.
 
Lol, hinde naman importante ang wedding kahit christian ka pa or kung ano pa ang religion mo.

Weddings are basically just Funerals with cakes. 👌
not until makatapat ka nang parents na masyadong makaluma haha. buti pa side ko masyadong maunawain alam nila priorities namin magpartner kaya andaming suggestions para ma save kami.

Obviously, anak ang uunahin dahil buhay ang pinaguusapan natin.

Pero bago ka tumutol sa parents, check mo muna baka mag aambag naman sila sa gastos ng kasal. If so, take advantage mo na siguro para you take that out of the way. Malaking gastos din yun. Maraming benefits ang kasal ka sa partner mo, way more than you think. Pero kung hindi ka sure sa jowa mo... Well.. youre fugged.
yun nga isa pang problema shoulder lang lahat nang side namin, demanding kumbaga yung side nila pero ayaw sana sundin nang side namin kase may mas better silang suggestions which is after na manganak kase ayaw din nang partner ko na ikakasal syang malaki tyan nya. once in a lifetime yun e kaya syempre maraming preparations in the making talaga yun kaso pati civil wedding muna sana ayaw din nang kabilang side kaya sobrang nakaka stress hehe

Hirap naman magdesisyon
mas mahirap sa partner kong buntis kase yung stress mas malala impact sakanya kaya pati yun napapaisip ako parang walang consideration para anak nilang buntis

Sana maisip din nila yung magiging apo nila TS kasi siya din mahihirapan, ganun talaga minsan mga magulang.

Try niyo nalang ulit kausapin TS, ipaliwanag yung sitwasyon.
e hindi valid reason sakanila ang walang budget. mga close minded na tao kaya ang hirap
 
Last edited:
anong religion nyo bro??
yun nga e kahit kaming magpartner anak talaga kase pati savings namin para sa anak kaso ang parents nya ayaw nang hindi kasal ayaw din ng civil gusto traditional kasal ang mahirap pa dun probinsya magastos ang kasal sa probinsya given yun
 
Hahaha kwento mo yan ts e.
Btw sa sitwasyon nyo anak na muna walang magagawa parents nyo kung un gusto nyo priority, ngaun lang naman yan sa inyo magagalit, lilipas din yan pag pinanganak na yung bata hahaha. Critical ang babae kung 1st baby lalot may history ng bleeding o lahat ng bawal kinakain ng soon to be wife mo. Bili n kyo ng mga gamit ng bata lalo hygiene ng baby ang usapan. Good luck and God bless .
 
may solution dyan repa.. itakbo mo yung anak nila lumayo muna kayo then bumalik kayo pag ready na kayo mag pakasal sa simbahan. for now, intindihin nyo muna yung pag bubuntis ng partner mo. hayaan mo silang magalit. yung magiging asawa mo naman ang pakikisamahan mo hindi nman yung family nyang parang di nag iisip.
 
mas importante ma sustain needs ng magiging anak niyo importante din ma meet mo yung gusto ng parents niya mahirap kapag hindi kayu magkasundo goodluck nalang sayo problema niyu yan
 
Hahaha kwento mo yan ts e.
Btw sa sitwasyon nyo anak na muna walang magagawa parents nyo kung un gusto nyo priority, ngaun lang naman yan sa inyo magagalit, lilipas din yan pag pinanganak na yung bata hahaha. Critical ang babae kung 1st baby lalot may history ng bleeding o lahat ng bawal kinakain ng soon to be wife mo. Bili n kyo ng mga gamit ng bata lalo hygiene ng baby ang usapan. Good luck and God bless .
yun talaga priority namin ang baby, nawala na sa isip namin yung kasal kaya nagulat kami kasi big deal sa magulang nya hinala ko image ng family nya ang iniisip nya kaya ganun.

may solution dyan repa.. itakbo mo yung anak nila lumayo muna kayo then bumalik kayo pag ready na kayo mag pakasal sa simbahan. for now, intindihin nyo muna yung pag bubuntis ng partner mo. hayaan mo silang magalit. yung magiging asawa mo naman ang pakikisamahan mo hindi nman yung family nyang parang di nag iisip.
madali lang sabihin paps kaso ang affected dyan is yung partner ko kase family nya yun maraming pwedeng maging trigger sa stress nya isa na ang ganyang scenario.
 
Gusto talaga nila simbahan ang kasal? Kasi kung gusto naman nila na kasal lang eh pede naman civil wedding.

Nu yan gusto magarbo?
 
Similar threads

Back
Top