What's new

Ano ang meaning ng "WC" signage sa public bathrooms?

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,166
Solutions
330
Reaction
129,304
Points
22,180
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Ano ang meaning ng "WC" signage sa public bathrooms?© Provided by PEP.ph

Madalas nating makita ang mga letrang WC kapag gagamit tayo ng bathroom sa mga pampublikong lugar.

Gayunpaman, hindi ito masyadong binibigyan ng atensiyon.

Kung lalaki kasi, sa pinto na may Male signage papasok; at sa pinto na may Female signage naman kung babae.


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Bathroom sinages© Provided by PEP.ph

So ano ang ibig sabihin ng WC?

Last April 2, 2023, naging paksa ito sa talakayan sa Quora, isang question-and-answer website and online knowledge market.

Maaaring magbato rito ng mga tanong, at makipagtalakayan sa mga taong nagko-contribute ng unique insights and quality answers.

Ang tunay na kahulugan ng WC sign ay isang pagsulyap sa history ng toilets and sanitation.


Isang history buff ang nagsabing nangangahulugan ito ng "water closet."

Sinimulan itong gamitin noong 19th century.

"Water closet" muna ang ginamit noon na sign sa public bathrooms.

Ito ay para hindi umano mapahiya ang isang inabot ng tawag ng kalikasan na gumamit ng pampublikong palikuran.


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Quora discussion about WC signage© Provided by PEP.ph

Ayon sa paliwanag ni Robert T. Boyter sa Quora, "In the 19th Century, the word toilet was not uttered in polite society, nor were the bodily functions associated with the use of a toilet.

"In order to avoid that, the term 'water closet' was invented to describe the then-new flush lavatory, particularly in public places.

"The acronym WC was seen as being far enough from its function to be uttered, albeit with some embarrassment and reticence."

Maraming netizens ang na-amaze sa paliwanag na ito.

May mga nag-assume naman na ang ibig sabihin ng WC ay "wheelchair."

Ayon sa isang nagkomento, "I can't believe I've been living with a WC sign and had no idea why it was called WC."

Saad naman ng isa pa, "I'm glad someone asked because I've been wondering this for years but never Googled it."


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Old WC signage© Provided by PEP.ph

Batay naman sa plumbing website na Plumbworld, ang pariralang "water closet" ay unang ginamit sa England noong 1870s.

Una umano itong tinawag na "wash-down closet."

Nung naging popular na ang paggamit nito ay naging "water closet" bago nag-evolve sa WC.

Ang 19th century ang panahon kung kailan nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagkakaroon ng mga modernong palikuran.

Naging mas maayos din ang estado ng pampublikong kalusugan at kalinisan sa katawan.

Ayon pa sa Plumbworld, ang WC ay malawakang ginagamit hanggang ngayon bilang toilet signage, "although the majority of the population don’t actually know the derivations of the letters."


FROM: PEP.PH
 
Meanwhile, in another universe ung mga tao sa Europe pinag-uusapan sa isang forum website kung ano ibig sabihin ng "CR" na ginagamit ng mga Filipino.
 

Similar threads

Back
Top