What's new

Trivia Ano ang Magiging tanda ng pagdating ng huling araw

shen mae

Grasshopper
Joined
Apr 26, 2023
Posts
16
Reaction
6
Points
9
Dalawang libong taon na ang nakararaan, tinanong ng mga alagad ng Panginoon si Jesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sumagot ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8).

Sinabi ng Panginoong Jesus:
“Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).

“Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25)

. “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayunma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: … at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating”(Juan 16:12–13)

. “Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ang duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
 
Hindi po nagtutugma ang titulo ng thread sa nilalaman ng unang post. Is that a typo?

May kaibahan po ang "huling araw" sa "mga huling araw".
 
Back
Top