What's new

Closed Ano ang kaligtasan?

Status
Not open for further replies.

KillerCrossover

Eternal Poster
Joined
Dec 16, 2016
Posts
840
Reaction
1,189
Points
376
Ano ang KALIGTASAN?

ANG KALIGTASAN AY:
1. KALOOB NA WALANG BAYAD.

Romans 6:23
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Ephesians 2:8-9
8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

2. KAPATAWARAN NG KASALANAN.

Ephesians 1:7
Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

1John 1:9
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. DAHIL KAY KRISTO.

John 8:34
Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

John 8:36
Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.

4. KAPAG NAGTIWALA O NANALIG KAY HESUS NG LUBUSAN.

John 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Acts 16:30-31
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?

31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

5. KATIYAKAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

1 John 5:11-13
11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.

12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

John 14:16-17
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,

17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

Hebrews 10:14-17
14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.

15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,

16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;

17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

Hebrews 13:5
Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

ANG DIOS AY MAY DALAWANG TAHANAN:
Ang palasyo sa kalangitan at ang puso ng kapakumbabaan

Isaiah 57:15
Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

ANYAYAHAN MO SI HESUS SA IYONG PUSO NGAYON
Panginoon,
Inaamin ko po na ako'y makasalanan. Salamat Panginoon at binayaran mo ang aking kasalanan sa krus ng Kalbaryo. Aking pinagsisisihan ang aking mga kasalanan. Halika pumasok ka sa aking puso at maging aking Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay. Amen.

Ngayon ay pwede mo nang sabihin ang sinabi ni Apostol Pablo:
Galatians 2:20
Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin
 
Secure your salvation for the coming of the Day of wrath of the Lord or what we call "The Judgement Day". Since yan ang araw na pangalawang pagparito ng ating Panginoong Hesukristo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top