What's new

ANO ANG KAHULUGANG NG 666 SA APOCALIPSIS?ASB.

Status
Not open for further replies.
APOCALIPSIS 13:16 - At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;

Makikita pala natin sa mga tao ang tanda nitong 666,sa kanilang mga kamay na larawan ng paggawa o paano sila gumagawa at sa kanilang noo na larawan naman ng kanilang kaisipan o kung papaano sila mag-isip.sino ba to sila?

I TIMOTEO 5:6 - Datapuwa’t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.

Ito po yong mga tao na ang iniisip ay magpakabuyo sa kalayawan o mga gawa ng laman na ayon pa sa biblia bagamat buhay ay patay.ano-ano ang ilan sa mga gawang ito?

GALACIA 5:19 - At hayag ang mga gawa ng laman, samakatuwid ay ang mga ito: pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kalibugan,

GALACIA 5:20 - Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

GALACIA 5:21 - Mga kapanaghilian, mga pagpatay, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisipagsanay ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Pansinin niyo po yong salitang "at ang mga katulad nito"gaano po kaya karami yan,Hindi po mahirap hanapin ang tanda na yan,maluwang po ang pinto diyan at marami ang nagsisipasok.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top