What's new

Ang Lalake Din Ba Marunong Magluto Sa Bahay?

Status
Not open for further replies.
oo naman. pero depende din sa tao. yung iba kasi imbis na magsayang ng oras magluto, ginagamit nalang nila yung time nila para maging productive
 
Minsan pagod ako galing trabaho bumibili ako sa resto o drive thru. Kung may time ako at di pagod madalas sa apartment ako nagluluto.
Yung nanay ko housewife sya so sya nagluluto madalas minsan si erpats. Bale teamwork lang.
Yung mga ganyang stereotype na men and women o traditional basically depende sa dynamics ng mag asawa yan. Adjust adjust lang at personality. Kung ang reason ng babae is may work at yung lalake may work tapos ayaw nyo magluto edi bumili nalang karinderya.
 
Dapat both of you marunong sa kahit anong bagay para incase na bc ang isa sa inyo pwede nyo gawin ang mga bagay lalo na sa pagluluto dahil kelangan yan sa pang araw araw. Ako bilang asawang lalaki madalas ako ang nag luluto dahil mas gusto ko yung panlasang alam ko sa bawat timpla ng mga putahe.
 
Ako nga ee pag ka galing sa work at bago pumasok nag luluto para sa asawa ko. Hindi po ako Babae aa hehe lalaki po ako. Depende naman kasi Yan sa kinalakihang pamilya Ng isang tao Babae man or lalaki. Sa panahon kasi ngayon wala Ng categorisation sa Gawain or trabaho Kung Kaya mo pwede mo Yang gawin Kung available Ka.
 
depende sa lalaki. Sa amin ako ang mas madalas nag luluto. mahilig kasi ako mag explore lasa. minsan may hinahanap akong lasa sa mga nakakain ko sa labas. ginagaya ko tapos binibigyan ko ng onting twist. hahaha
Madalas naman másáráp. tingin ko yun rin naging pundasyon ko kaya nagustuhan ako ng parents nya noon. pag nag luluto kasi ako nagdadala ako sa kanila. pati asot pusa nila nakuha ko rin ang boto. hahaha
 
yes naman, marunong ako magluto, maglaba, magplantya, amgtahi, maghugas ng pinggan, mag-ayos ng bubong, tagas sa gripo, semento, mag ayos ng kuryente, computer, printer laptop, may trabaho ako 9 hours, nag aalaga ng anak namin sa day off ko,

in short, marunong ako magkusa.

oo totoo hindi lahat ng lalaki marunong sa gawing bahay, hindi rin lahat good provider. same as sa mga babae, merong ding hindi marunong sa gawaing bahay at wala ding alam sa trabaho para kumita.

kaya masasabi ko, sa pagpili ng partner sa buhay, hindi sapat ang maganda or gwapo lang, at kung ano man ang kakulaan sa isat isa, pag usapan at gawaan ng paraan at hindi kaylangan magsisihan or magsumbatan. walang perpektong asawa at wala ding perpektong pamilya, pero responsableng pamilya/magulang meron.
 
tingnan mo mga nag vlog about cooking, diba halos lalaki lahat?
karamihan sa mga lalaki na hindi nag loloto sa bahay ay yung mga pilit na pinapakita nila na sila talaga ang superior sa bahay. pero mali, dahil mas astig ang marunong mag loto at mas makikita ang tunay na pagka lalaki.
 
mapa lalaki or babae dapat parehas sila marunong magluto at saka gumawa ng gawaing bahay. iba kasi ang feeling na marunong ka sa mga bagay bagay kesa sa iaaasa mo lang ito sa partner mo.
life skill din kaya yon, parang pagdadrive lang.

kung ikaw ang nagluluto, matututunan mo rin ang mga presyo sa palengke, pano tumawad, at kung maganda ba ang sahog na binibili mo. kumbaga di ka lang matalino by the book, nagiging madiskarte ka rin.
 
ako nkaugalian ko na ako magluto kahit galing sa trabaho khit paglalaba ako rin lahat ng ayaw ng mrs ko ginagawa ko ayaw nya maglaba ako gagawa ayawnya magluto ako gagawa pero kpag ako humiling wala syang krapatan tumanggi
 
if you marry a career woman, expect you are the househusband
if you mary a Housewife, expect to be a career man
married life is full of sacrifice in both ways
wala pa yan Yun pag nagka anak an kayo
 
kahit ilang putahe pa yan, kahit langgam kaya ko lutu-in.

200px-Chef_Boy_Logro2.gif
 
Depende po. Ako di marunong magluto. Saing at prito lang hahahahaha pero yung asawa ko ang nagluluto. Siya na rin namamalengke. Ako na taga hugas :)
 
ako lahat kayako lutuin. yung ex ko kasi dati everytime na may makikita syang luto luto sa fb okaya pagkain na gusto nya. lagi nya pinapaluto sakin. ngayon wala na kami pero alam ko parin lutuin lahat ng pinaluto nya haha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top