What's new

Ang Lalake Din Ba Marunong Magluto Sa Bahay?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,925
Reaction
883
Points
536
Tanong ko lang kung ang lalake ba ay marunong din ba magluto sa bahay? Tinatanong ko dahil kung papaano ang wife nila ay nasa labas ng bahay at hindi pa makauwi o sakaling may trabaho si wife? Anong mangyayari sa kanila? Mamamatay sila sa gutom? Dapat marunong din ang lalake magluto o if ever marunong din gumawa sa bahay at hindi lahat iaasa sa wife o sakasakali hindi sa lahat ay iaasa sa babae sapagkat ang babae ay hindi slave.

Nakita ko sa ibang mother na kung papaano sila hirap na hirap. Tipong mag grogrocery pa at pagkatapos lagi natataranta kapag hindi makauwi dahil kinakailangan pa maghanda ng pagkain para sa husband dahil baka raw magutom. Parang extremely fino-food spoon feed ang husband o parang like a child o baby na need na subuan dahil hindi lang siya marunong magluto.

Ganoon ang traditional gender role. Ako, ayaw ko ng ganoon.

Ang gusto ko ay non-traditional gender role kahit magalit ang mga religious na tao sa akin. Wala ako pakialam. Ika nga, rebelde ako in a harmless way.​
 
Last edited:
depende sa lalake,, kadalasan naman kaseng nasa bahay mga babae kaya sila naoobliga na magluto. pero kung ayaw mo edi bumili kanalng ng luto, tatay ko chef kaya sya talaga nagluluto
 
since pa woke na ngayon, gender equality na. Kung ayaw mo nun edi wag mong pilitin, masama ang pilit. Kung mahal ka ng asawa mo magagawan nyo ng paraan yan, at mag kakaintidihan kayo. Love is not about gender roles, it's about the affection, caring, and willingness to make sacrifices.
tandaan mo, kung mahal ka ng isang tao kaya nyang respetuhin ang mga gusto at ayaw mo. Kaya nyang mag sacrifice at mag bago para sayo. Kung hindi nya kaya yon aba, baka di ka mahal nyan? Hahaha
 
since pa woke na ngayon, gender equality na. Kung ayaw mo nun edi wag mong pilitin, masama ang pilit. Kung mahal ka ng asawa mo magagawan nyo ng paraan yan, at mag kakaintidihan kayo. Love is not about gender roles, it's about the affection, caring, and willingness to make sacrifices.
tandaan mo, kung mahal ka ng isang tao kaya nyang respetuhin ang mga gusto at ayaw mo. Kaya nyang mag sacrifice at mag bago para sayo. Kung hindi nya kaya yon aba, baka di ka mahal nyan? Hahaha
Well said
 
Kmi bata plng tinuruan n kmi mgluto ng magulang namin mapa babae mn o lalaki, strekto kc mga magulang ku dati. tsaka takot aku nun sa walis tingting😁 pru kht n ganun, papasalamat pa rn aku sa mga magulang ku dhl sa knila aku natutung mgluto at ng mga gawaing bahay.
 
Sa palagay ko depende sa kinalakihan at personalidad ng isang tao. Diskarte naman ng mga hindi marunong magluto may nabibilhan sa labas na mga ulam at may fast food din. Di ako marunong at di ko hilig magluto pero sumusubok ako minsan kung paano magluto. Siguro dahil narin sa sobrang lala ng anxiety ko tulad halimbawa kung magluluto o prito ng manok o ng baboy di ko alam kung luto na ba o hindi pa. Madali lang kumain pero kung ikaw na mismo magluluto mahirap..

Pansin nyo may kilala ba kayong sikat na babae na magaling magluto na kasing sikat ni Gordon Ramsay?

Sa atin kasi madalas ang mga lalaki nagtatrabaho buong araw pag uwi pagod na yan at gusto na lang kumain at magpahinga. Nasa tamang diskarte na lang ninyo yan bilang magpartner kailangan tulungan sa bawat isa. Kung may free time kayo pwede mong turuan naman ang partner mo na matuto magluto at bonding narin ninyo yan.
 
Last edited by a moderator:
lahat naman siguro ng lalake marunong magluto pero yung tamad lang siguro ang di alam nyan at yung palamunin :D . .
 
case to case basis yan ts.... kung ang trabaho ng lalaki ay masyadong pisikal na pagud at exposed sa elemento ng init at ulan at uuwi ay babagsak na lang sa higaan ay kailangan rin maintindihan ng partner yun sitwasyon ng lalaki,,, meron rin work ang lalaki na kailangan ng critical thinking na mas matindi kasi pag pagud ang isip ay nadadamay ang katawan kaya ang tanging remedyo ninyo dyan ay bumili na lang ng luto or magpadeliver ka na lang....


pero kung yun partner mo ay supervisor o managerial ang trabaho ay hindi rin pwede kasi late rin yun uuwi,,, kaya kung demand mo talaga na may bagong luto na pagkain ka bago umuwi ay dapat ang jowa mo ay isang chef dahil yan talaga sa buong araw ay puro pagluluto ang kina career
 
As for my side, yung setup kasi namin ng wife ko ngayon is siya ay office work and ako naman wfh. Kaya akong naiiwan sa bahay I do manage all the things na kailangan especially yung pagluluto. Good thing kasi nung binata pa ako naturuan ako ng nanay ko sa house chores and diko kinakahiya yun bilang lalaki, nakakatuwa pa nga at the same time sa tuwing kakain na kami ng wife ko na appreciate nya and she always give thanks sa ganung traits ko. Para sa akin nakakaproud para sa sarili ko kasi hindi lang hanapbuhay ang kaya pati pagaalaga and asikaso. Kaya sa mga kabrad na kagaya ko salute sa inyo, mabuhay tayo!😁🙏🏻
 
Sa bahay ako talga nagluluto,may trabaho man o wala ang wife ko..
Pag dating ko sa hapon galing trabaho magluluto na ako,sabado linggo ako din nagluluto...ako pa mamamalengke...nd na ako nagrereklamo magugutom mga anak ko...10 at 7 pa lang kasi sila
 
mostly rich kid lang naman yung mga lalaking hindi sanay magluto kahit matanda na, ultimo magsaing lang ng bigas e hirap na..

Kaya kung hahanap ka ng asawa na marunong magluto at madiskarte sa lahat ng bagay, ako na yang hinahanap mo 😅😅
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top