What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

ANG HIRAP MAOSPITAL NGAYON 😒😒😒

fluffyminmin

Journeyman
Joined
Sep 8, 2018
Messages
90
Reaction
21
, Last edited:
Let me share to this community kung anong naexperience ko during the time na hinahanap namin si Mama ng hospital na pwede siyang maiadmit.

June 1 nadiagnose si Mama ng liver mass which malaki na yung mass based sa ultrasound. Ang advise ng doctor (clinic lang) kailangan ni Mama magpunta sa malaking hospital para malaman if anong sunod na gagawin. In other words, need ni Mama magpacheck up sa specialist.

Since may pandemiya ngayon and may mga cases na nagpacheckup lang sa ospital, nahawaan na agad ng COVID. With that in mind, sabi ni Mama saka na lang daw siya magpapacheckup. Okay2 pa naman katawan niya e.

Unfortunately, naging worst ang experience ni Mama dahil sa sakit niya.

June 11 napapayag ko si Mama na pumunta ng Pasig City General Hospital. Since yung pagsusuka niya, pananakit ng tyan at sama ng pakiramdam ay di nawawala. Sadly, di siya naadmit given the bad symptom na nararanasan niya. Puno na daw ang hospital. Tho yung hospital na yun ay di pinagdadalhan ng mga COVID cases, puno na daw sila ng mga hospital na may mga ibang cases. Binigyan siya ng reseta na painkiller and binigyan ng form for laboratory. If matapos namin yung laboratory na yun, we need to go sa super health center.

June 13 naging worst yung symptoms. Di na siya nagsusuka pero mas lumala yung sakit ng tyan na nawawala sa pain killer, nagchichills na siya at nilalagnat pero yung lagnat ni Mama nawawalan after niya uminom ng painkiller or after magkaroon ng effect ang painkiller. 😒😒😒
That's the time na dinala ko siya sa East Avenue Medical Center. Which is ang bungad samin ng Doctor sa ER ay, "Okay lang ba na isama ka sa may COVID"?
Di namin maintindihan bakit kailangan siyang isama sa may COVID. Nagsuggest yung doctor na yun na idala na lang namin si Mama sa Quirino Memorial Hospital. Dinala ko si Mama dun hoping na maaadmit na si Mama. Pagkarating namin sa Quirino, same din ang sinabi sa East Ave., but mas naliwanagan kami. Kaya pala mapupunta si Mama sa Suspected COVID Case Ward dahil sa symptom niya. Although ang lagnat ni Mama ay nawawala din after uminom ng painkiller or magkaroon ng effect ang painkiller, suspected pa rin siya. This what the doctor told me:

"Kahit isang symptom lang ang maramdaman ng pasyente, Suspected na agad siya. Kahit hinihingal lang or sipon lang, kapag naadmit siya sa Suspected Case Ward siya mapupunta at doon siya hanggang lumabas ang result ng swab test niya."

Ayaw talaga ni Mama magpaadmit baka mas mamatay daw siya sa COVID kesa sa liver mass niya. 😒😒😒

Fast forward, nakaadmit na si Mama sa PGH kaso nasa PUI ward siya ngayon 😒😒😒
Since nakaexperience si Mama ng Chills and Lagnat, COVID is to be ruled out first. Nandun si Mama until lumabas ang swab test result niya pero kahit nandun siya, namamanage ng mga doctors yung liver mass niya. Never ng nagkachills and lagnat si Mama pero bumaba naman ang BP niya. Bawal ang bisita, thru cellphone lang ang communication sa kanya. Kapag negative ang result ng swab test saka lang siya ililipat sa regular ward na pwede ang bantay at bisita

Summary:
πŸ“Œ Ang hirap magkasakit ngayon. It's either mapupunta ka sa PUI ward or maeexpose ka sa mga ibat ibang tao sa ospital na di mo alam if may COVID na asymptomatic.

πŸ“Œ Ang hirap magkasakit kapag mahirap ka. Sa totoong lang kung mayaman kami at nagpaadmit kami sa mga malalaki at pribadong ospital, 24 hrs. labas na ang swab test result. Kompleto ang mga equipment para maassess ang mass sa liver ni Mama.

πŸ“Œ HEALTH is WEALTH talaga.
Kahit gaano ka kayaman kung pabaya ka sa katawan, darating ang panahon na sisingilin ka ng katawan mo sa mga kapabayaang ginawa mo dito.

πŸ“Œ Invest for a GOOD insurance.
Matagal ko na tong plano para sa akin at para kay Mama. Dapat ngayong taon. Kaso si Mama gusto na daw niyang ipagawa ang bahay kaya ayun yung ipon namin both, napunta sa pagpapagawa ng bahay.

πŸ“Œ EMERGENCY FUND is A MUST!!!
Sabi nga, Kapag may isinuksok may maidudukot.

I hope and pray na your family is strong and healthy. I'm also asking whoever read this to pray for my mother. Sana gumaling na siya para makasama namin siya.


*******
UPDATE:
Ang hirap kapag di mo mabantayan ang mahal mo sa buhay na nakaconfine sa ospital.

Minamanas si Mama as of today. Nagsimula eto ng nagstable ang BP niya. Nakakadurog ng puso na marinig na gusto ng umuwi ni Mama kasi pakiramdam niya mas mamamatay siya sa ospital.

Gusto ko man siyang ilabas, needed talagang antayin ang swab test result at marule out na negative siya sa COVID para mailipat ng ospital or if gusto naming magstay, mailipat siya ng ward.

Sa panahong di natin kontrol ang nangyayari, wala tayong ibang masasandalan kundi ang pananampalataya natin sa Diyos.

Sabi nga, I need not be afraid for I have a father in heaven. So, I will be brave.

Please pray for the my mother's swab test result. Makalabas na siya sa PUI ward at maassess ng tama ang liver mass niya
😒😒😒

Ang dami na ring pumapasok sa isip ko pero kapit lang ako. Sakin na lang din kumukuha ng lakas ng loob si Mama. Please pray for us πŸ™πŸ™πŸ™
 

Chi Toa

Addict
God is Good. I Pray for your mother. :)
 
M
Nakakalungkot naman ng ngyayari sanyo TS... Problema kasi ng mga Pilipino kahit noon pa ang Medical Facilities, ewan ko lang kung napagtutuunan ng pansin talaga ng gobyerno kahit noon pa... Eto ang naging epekto ng korupsyon sa Pinas... Lumalaki ang populasyon natin pero ang mga pasilidad hindi lang sa medical pati na rin sa lahat e ganun pa rin... Tsk! Tsk!
 

RunAwayMuppet

Forum Veteran
Cheer up, Pray lang po. Sana mabilis gumaling si mama mo. Ipaubaya natin lahat kay God (walang impossible sa kanya, need lang natin mag tiwala)
 
1 Comment
F
fluffyminmin
Amen.
Sa time na ganto kahit ang hirap2 kasi napakaunsure at di natin hawak ang mangyayari. Trust talaga kay God ang panghahawakan πŸ™πŸ™πŸ™
 

tricksterz97

Eternal Poster
try mo mag check online YT or ask Dr. Willie Ong ng mga legit way and home remedy para gumaling liver mass ng mama mo
 
1 Comment
F
fluffyminmin
Nung wala pang nararanasan si Mama na chills and di pa ganun kalala ang nararamdaman niyang pain, balak talaga na ihome remedy. Kaso may chills na siya at nilalagnat every night, symptoms na may infection. No choice kundi dalhin siya sa ospital 😒😒😒
 

Hattori Hanzo

Forum Veteran
We ask for strength and God sends us adversities to overcome which makes us strong. He will never send us suffering we cannot survive and overcome.
Chin up Ts.
 
1 Comment
F
fluffyminmin
Thank you po. Damang dama ko eto. This past days umiiyak ako na mag-isa. Umiiyak ako because I feel bad for my mother, sana may competent na lang siyang anak. Sana di gantong pagtitiis ang nararanasan niya.

Lagi ko na lang iniisip na di tayo pababayaan ng Diyos.
 
C

-cynika_

Guest
mahirap talaga pag mahirap ka pa tapos nag ka sakit ka pa kaya kame sobrang thankful wala kameng sakit lahat.
 
1 Comment
F
fluffyminmin
Tama kahit di ganun karangya ang buhay mo basta malusog at masaya ang pamilya kayamanan ng maituturing yun.
 

Tarma

Eternal Poster
shit .
gaano katagal ang hihintayin sa result ? dapat maihiwalay sya dun sa mga may covid eh.
 
1 Comment
F
fluffyminmin
No choice po dahil naadmit po si Mama na may symptom ng COVID. Ang hirap po kasi nakipagsapalaran na lang talaga kami. Kesa mamatay si Mama sa infection...
Praying na negative ang result ng swab test para mailipat na agad siya sa regular ward para mabantay at maasikaso ko na rin.
 

Online statistics

Members online
916
Guests online
601
Total visitors
1,517

Forum statistics

Threads
782,662
Messages
15,478,967
Members
1,419,003
Top