What's new

Closed ANG HIRAP MAOSPITAL NGAYON 😢😢😢

Status
Not open for further replies.

fluffyminmin

Addict
Joined
Sep 8, 2018
Posts
114
Reaction
39
Points
93
Let me share to this community kung anong naexperience ko during the time na hinahanap namin si Mama ng hospital na pwede siyang maiadmit.

June 1 nadiagnose si Mama ng liver mass which malaki na yung mass based sa ultrasound. Ang advise ng doctor (clinic lang) kailangan ni Mama magpunta sa malaking hospital para malaman if anong sunod na gagawin. In other words, need ni Mama magpacheck up sa specialist.

Since may pandemiya ngayon and may mga cases na nagpacheckup lang sa ospital, nahawaan na agad ng COVID. With that in mind, sabi ni Mama saka na lang daw siya magpapacheckup. Okay2 pa naman katawan niya e.

Unfortunately, naging worst ang experience ni Mama dahil sa sakit niya.

June 11 napapayag ko si Mama na pumunta ng Pasig City General Hospital. Since yung pagsusuka niya, pananakit ng tyan at sama ng pakiramdam ay di nawawala. Sadly, di siya naadmit given the bad symptom na nararanasan niya. Puno na daw ang hospital. Tho yung hospital na yun ay di pinagdadalhan ng mga COVID cases, puno na daw sila ng mga hospital na may mga ibang cases. Binigyan siya ng reseta na painkiller and binigyan ng form for laboratory. If matapos namin yung laboratory na yun, we need to go sa super health center.

June 13 naging worst yung symptoms. Di na siya nagsusuka pero mas lumala yung sakit ng tyan na nawawala sa pain killer, nagchichills na siya at nilalagnat pero yung lagnat ni Mama nawawalan after niya uminom ng painkiller or after magkaroon ng effect ang painkiller. 😢😢😢
That's the time na dinala ko siya sa East Avenue Medical Center. Which is ang bungad samin ng Doctor sa ER ay, "Okay lang ba na isama ka sa may COVID"?
Di namin maintindihan bakit kailangan siyang isama sa may COVID. Nagsuggest yung doctor na yun na idala na lang namin si Mama sa Quirino Memorial Hospital. Dinala ko si Mama dun hoping na maaadmit na si Mama. Pagkarating namin sa Quirino, same din ang sinabi sa East Ave., but mas naliwanagan kami. Kaya pala mapupunta si Mama sa Suspected COVID Case Ward dahil sa symptom niya. Although ang lagnat ni Mama ay nawawala din after uminom ng painkiller or magkaroon ng effect ang painkiller, suspected pa rin siya. This what the doctor told me:

"Kahit isang symptom lang ang maramdaman ng pasyente, Suspected na agad siya. Kahit hinihingal lang or sipon lang, kapag naadmit siya sa Suspected Case Ward siya mapupunta at doon siya hanggang lumabas ang result ng swab test niya."

Ayaw talaga ni Mama magpaadmit baka mas mamatay daw siya sa COVID kesa sa liver mass niya. 😢😢😢

Fast forward, nakaadmit na si Mama sa PGH kaso nasa PUI ward siya ngayon 😢😢😢
Since nakaexperience si Mama ng Chills and Lagnat, COVID is to be ruled out first. Nandun si Mama until lumabas ang swab test result niya pero kahit nandun siya, namamanage ng mga doctors yung liver mass niya. Never ng nagkachills and lagnat si Mama pero bumaba naman ang BP niya. Bawal ang bisita, thru cellphone lang ang communication sa kanya. Kapag negative ang result ng swab test saka lang siya ililipat sa regular ward na pwede ang bantay at bisita

Summary:
📌 Ang hirap magkasakit ngayon. It's either mapupunta ka sa PUI ward or maeexpose ka sa mga ibat ibang tao sa ospital na di mo alam if may COVID na asymptomatic.

📌 Ang hirap magkasakit kapag mahirap ka. Sa totoong lang kung mayaman kami at nagpaadmit kami sa mga malalaki at pribadong ospital, 24 hrs. labas na ang swab test result. Kompleto ang mga equipment para maassess ang mass sa liver ni Mama.

📌 HEALTH is WEALTH talaga.
Kahit gaano ka kayaman kung pabaya ka sa katawan, darating ang panahon na sisingilin ka ng katawan mo sa mga kapabayaang ginawa mo dito.

📌 Invest for a GOOD insurance.
Matagal ko na tong plano para sa akin at para kay Mama. Dapat ngayong taon. Kaso si Mama gusto na daw niyang ipagawa ang bahay kaya ayun yung ipon namin both, napunta sa pagpapagawa ng bahay.

📌 EMERGENCY FUND is A MUST!!!
Sabi nga, Kapag may isinuksok may maidudukot.

I hope and pray na your family is strong and healthy. I'm also asking whoever read this to pray for my mother. Sana gumaling na siya para makasama namin siya.


*******
UPDATE:
Ang hirap kapag di mo mabantayan ang mahal mo sa buhay na nakaconfine sa ospital.

Minamanas si Mama as of today. Nagsimula eto ng nagstable ang BP niya. Nakakadurog ng puso na marinig na gusto ng umuwi ni Mama kasi pakiramdam niya mas mamamatay siya sa ospital.

Gusto ko man siyang ilabas, needed talagang antayin ang swab test result at marule out na negative siya sa COVID para mailipat ng ospital or if gusto naming magstay, mailipat siya ng ward.

Sa panahong di natin kontrol ang nangyayari, wala tayong ibang masasandalan kundi ang pananampalataya natin sa Diyos.

Sabi nga, I need not be afraid for I have a father in heaven. So, I will be brave.

Please pray for the my mother's swab test result. Makalabas na siya sa PUI ward at maassess ng tama ang liver mass niya
😢😢😢

Ang dami na ring pumapasok sa isip ko pero kapit lang ako. Sakin na lang din kumukuha ng lakas ng loob si Mama. Please pray for us 🙏🙏🙏
 
Last edited:
We ask for strength and God sends us adversities to overcome which makes us strong. He will never send us suffering we cannot survive and overcome.
Chin up Ts.
 
mahirap talaga pag mahirap ka pa tapos nag ka sakit ka pa kaya kame sobrang thankful wala kameng sakit lahat.
 
Thank you po ❤️❤️❤️
Badly need prayers for my Mother. She was swab tested last June 18. Inantay na maging stable ang BP niya bago siya naiswab test. Then waiting for result sa swab test na lalabas within 5 days (fastest) or more.

Keep safe po. Wag pong papabayaan ang health. God bless 🙏🙏🙏
 
Amen.
Sa time na ganto kahit ang hirap2 kasi napakaunsure at di natin hawak ang mangyayari. Trust talaga kay God ang panghahawakan 🙏🙏🙏
 
Nung wala pang nararanasan si Mama na chills and di pa ganun kalala ang nararamdaman niyang pain, balak talaga na ihome remedy. Kaso may chills na siya at nilalagnat every night, symptoms na may infection. No choice kundi dalhin siya sa ospital 😢😢😢
 
Thank you po. Damang dama ko eto. This past days umiiyak ako na mag-isa. Umiiyak ako because I feel bad for my mother, sana may competent na lang siyang anak. Sana di gantong pagtitiis ang nararanasan niya.

Lagi ko na lang iniisip na di tayo pababayaan ng Diyos.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top