marcoramiro01
Fanatic
Hi guys. May gusto lang po sana akong ishare sa inyo.
Tungkol po ito sa Biblia. Sa mga kristiyanong katulad ko, sino po dito ang naniniwala na ang Diyos ay napopoot, sumusumpa, nagbibigay ng sakit, nagpaparusa at ang pinakamatindi ay pumapatay? Sa Lumang Tipan, mababasa nating ganito ang katangian ng Diyos gaya ng sinasabi ng ibang mga propeta. Ito ba ay masasabi nating katangian ng isang Diyos ng Pag-ibig?
Ipinadala Si Cristo ng Ama sa sanlibutan upang sinumang sumampalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroong ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Ang sabi ng Ama "upang sinumang sumampalataya". Ano ang sasampalatayan natin kay Cristo? Hindi lang ang Kanyang mga salita kundi ang mga gawa rin Niya. Sa mga propeta lang nanggaling ang mga salitang pumapatay daw ang Diyos at ipinalabas nilang sinabi daw ito ng Diyos sa kanila. Bakit ko nasabi ito? Dahil una ko munang ginawang basehan ay ang mga salita at gawa ni Cristo. Ayon kay Cristo walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama at walang nakakilala sa Ama kundi ang Anak at sinumang ibiging pagpahayagan ng Anak (Mateo 11:27). Hindi Siya nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala Siya ni Cristo (Juan 17:25). Ito ang ipinahayag sa akin ni Cristo. Hindi lubos na kilala ng mga propeta ang Ama kaya nasabi nila na pumapatay daw ang Diyos. At sabi ni Cristo Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) dahil lahat ng ginagawa ng Ama ay ginagawa rin Niya (Juan 5:19). Ito ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng mga gawa ni Cristo ay mga bagay na nakikita Niyang ginagawa ng Ama. Kung pumapatay ang Ama masasabi nating pumapatay rin ang Anak dahil nakikita Niyang ginagawa ito ng Ama. Saan sa mga gawa ni Cristo bilang patunay na Siya ay pumapatay? Kaya nga sabi ni Cristo, "Maniwala kayo sa Akin na Ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa Akin: o kungdi kaya'y maniwala kayo sa mga gawa ko (Juan 14:11) dahil ang mga gawa ni Cristo ay isang matibay na patotoo na galing Siya sa Ama at Sila'y iisa at ipakita sa lahat na ito ang mga ginagawa ng Ama bilang Diyos.
Ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay sapat na para sa'kin upang maniwala na hindi pumapatay ang Diyos. Hindi ko sinasabing wag nating paniwalaan ang mga propeta at apostol ngunit kung sabihin nila na pumapatay ang Diyos at pagbabasehan sa mga gawa ni Cristo na mula sa Ama, sino ang mas unang papaniwalaan niyo? Ang mga Propeta ba o ang Bugtong na Anak ng Diyos? Si Cristo ang una dapat nating paniwalaan.