What's new

Ang diyos ba ay pumapatay?

Status
Not open for further replies.
Bakit mo iniisip na masama ang pagpatay ng dios sa mga tao noon ? Lahat ng mga ginagawa ng dios ay may dahilan sa likod niyaon, dahil siya ay God of Reasons ,hindi siya kumikilos ng walang dahilan

Talagang masama ang pumatay dahil ang diablo lang ang gumagawa nun at hindi ang Diyos. Sana wag nating itulad ang Diyos sa diablo. Ang gawain ng diablo ay hindi gawain ng Diyos. "Juan 8:44" sabi ng Panginoong Jesus ang Diablo ay mamamatay-tao buhat pa ng pasimula. Hindi naman niya sinabing mas mamamatay-tao ang diablo kaysa sa Diyos. "Juan 5:22" sinabi din niya na hindi humahatol ang Ama sa sinuman at ibinigay sa Anak ang lahat ng paghatol. Kung pinatay ng Ama ang isang makasalanan ito ay masasabi nating paghatol. Ang taong yun ay hinatulan ng Diyos ng kamatayan. Kung sinabi ng Panginoong Jesus na hindi humahatol ang Ama kaninuman ngunit pumapatay naman magiging katulad din siya ng diablo na isang sinungaling. Kahit kailan hindi magsisinungaling ang Anak Diyos sa kanyang mga salita.

So alam na nating ibinigay ng Ama sa Anak ang lahat ng paghatol. Ibig sabihin ang Panginoong Jesus ang pumapatay at hindi ang Ama. Ngunit kung titingnan natin, sa tagal niyang namalagi sa sanlibutan wala naman siyang pinatay kahit isa kundi bumuhay lamang ng patay. Yan ba ang sinasabi mong Diyos na pumapatay ng tao? Kung ano ang ipinakita ng Ama sa kanyang Bugtong na Anak ay ganoon din ang ipinakita ng Anak sa sanlibutan upang malaman ng lahat kung anong klase siyang Diyos. "Juan 5:19" ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.
 
Talagang masama ang pumatay dahil ang diablo lang ang gumagawa nun at hindi ang Diyos. Sana wag nating itulad ang Diyos sa diablo. Ang gawain ng diablo ay hindi gawain ng Diyos. Sa Juan 8:44 sabi ng Panginoong Jesus ang Diablo ay mamamatay-tao buhat pa ng pasimula. Hindi naman niya sinabing mas mamamatay-tao ang diablo kaysa sa Diyos. Ang Panginoong Jesus din ang nagsabi sa Juan 5:22 na hindi humahatol ang Ama sa sinuman at ibinigay sa Anak ang lahat ng paghatol. Kung pinatay ng Ama ang isang makasalanan ito ay masasabi nating paghatol. Ang taong yun ay hinatulan ng Diyos ng kamatayan. Kung sinabi ng Panginoong Jesus na hindi humahatol ang Ama kaninuman ngunit pumapatay naman magiging katulad din siya ng diablo na isang sinungaling. Kahit kailan hindi magsisinungaling ang Anak Diyos sa kanyang mga salita.

So alam na nating ibinigay ng Ama sa Anak ang lahat ng paghatol. Ibig sabihin ang Panginoong Jesus ang pumapatay at hindi ang Ama. Ngunit kung titingnan natin, sa tagal niyang namalagi sa sanlibutan wala naman siyang pinatay kahit isa kundi bumuhay lamang ng patay. Yan ba ang sinasabi mong Diyos na pumapatay ng tao? Kung ano ang ipinakita ng Ama sa kanyang Bugtong na Anak ay ganoon din ang ipinakita ng Anak sa sanlibutan upang malaman ng lahat kung anong klase siyang Diyos. Juan 5:19 ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.

simplehan na natin !
may pag huhukom ..
jan iiral ang pag puksa sa
( makasalanan ) ispiritwal
BASIC
 
Ito tanung ko sayo ts?anung motive ni Jesus Cristo bakit siya pumunta Rito?
Iba kasi sinasalaysay mo...
Sa old na kasulatan...pumapatay siya dahil iba ang kanyang motibo..yun ay ang gawing matuwid ang kanyang choosen people...di tayo kasali dun...
Ngayon..dito sa new testament...ginawa na yung love...so every people who believe in him will not perish...so sa madaling salita..pumarito si Jesus hindi ipakita nya kung anung gagawin sa old testament...kundi ipakita sa lahat na siya ang dapat pagkatiwalaan...kung saan saan ka kasi pumupunta...
 
Talagang masama ang pumatay dahil ang diablo lang ang gumagawa nun at hindi ang Diyos. Sana wag nating itulad ang Diyos sa diablo. Ang gawain ng diablo ay hindi gawain ng Diyos. "Juan 8:44" sabi ng Panginoong Jesus ang Diablo ay mamamatay-tao buhat pa ng pasimula. Hindi naman niya sinabing mas mamamatay-tao ang diablo kaysa sa Diyos. "Juan 5:22" sinabi din niya na hindi humahatol ang Ama sa sinuman at ibinigay sa Anak ang lahat ng paghatol. Kung pinatay ng Ama ang isang makasalanan ito ay masasabi nating paghatol. Ang taong yun ay hinatulan ng Diyos ng kamatayan. Kung sinabi ng Panginoong Jesus na hindi humahatol ang Ama kaninuman ngunit pumapatay naman magiging katulad din siya ng diablo na isang sinungaling. Kahit kailan hindi magsisinungaling ang Anak Diyos sa kanyang mga salita.

So alam na nating ibinigay ng Ama sa Anak ang lahat ng paghatol. Ibig sabihin ang Panginoong Jesus ang pumapatay at hindi ang Ama. Ngunit kung titingnan natin, sa tagal niyang namalagi sa sanlibutan wala naman siyang pinatay kahit isa kundi bumuhay lamang ng patay. Yan ba ang sinasabi mong Diyos na pumapatay ng tao? Kung ano ang ipinakita ng Ama sa kanyang Bugtong na Anak ay ganoon din ang ipinakita ng Anak sa sanlibutan upang malaman ng lahat kung anong klase siyang Diyos. "Juan 5:19" ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.
Sabi ko nga sayo may rason siya kung bakit ganun basahin mo sa old kung bakit pinatay ng dios mga masasamang tao noon
 
humahatol nga ang Ama(Diyos) sa pamamagitan ng Anak, parang ganto lang yan halimbawa may Hari at meron siyang executioner, pag napagpasyahan ng council na makasalanan ang isang bihag at nahatulan ng parusang kamatayan, hihintayin ang pasya ng Hari kung ito'y absuwelto o convicted, at kung ibigay ng Hari ang verdict na parusang kamatayan ipapalabas Niya ang decree to execute the person pero hindi Siya ang actual na papatay sa mismong taong yun kundi ang sistema o batas o hustisya na pinaiiral nito.
 
Sabi ko nga sayo may rason siya kung bakit ganun basahin mo sa old kung bakit pinatay ng dios mga masasamang tao noon
Alam ko tungkol sa Noah's ark ang tinutukoy mo kung saan pinatay daw ng Diyos ang lahat ng tao sa baha dahil sobrang sama na. Lahat ba talaga ng tao masama na? Bakit wala bang mga bata nung panahon na iyon para sabihin daw ng Diyos na lahat ay masama na? Bakit pati mga inosenteng bata na wala namang kasalanan idadamay rin ng Diyos? Paano pa siya tatawaging Diyos ng Pag-ibig kung ginawa niya iyan.

Lucas 18:16-17(TLAB) 16Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Diyos. 17Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Diyos na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. (Mateo 19:14)

Yan ang katibayan kung gaano kahalaga ang maliliit na bata para itulad ito na gaya ng kaharian ng Diyos na pag hindi natin sila tinanggap ay di tayo makakapasok sa kanyang kaharian. Ganun kahalaga tapos pinatay lang niya sa baha? Sinong mapagmahal na Diyos ang gagawa niyan? Maniniwala ka pa rin ba sa sinulat ng author na sinabi daw ito ng Diyos sa kanya? 40 days walang tigil na ulan at 5 months babad sa baha? Baka sa lugar lang nila nagbaha. Nangyari na rin ang ganito dati sa Central at Southern California noong December 1861. Mas grabe pa 43 days walang tigil na ulan at 6 months babad sa baha. Namatay ba ang lahat ng tao? Ganun na ba kaunlad ang technology sa panahon ng author ng Genesis para makasigurado siyang nagbaha nga sa buong mundo? Nung nangyari ang ganito sa california alam nilang hindi bumaha sa buong mundo dahil medyo maunlad na ang technology nung panahon na iyon. Maniniwala ka pa rin ba sa sinabi ng author na pinatay daw ng Diyos ang lahat ng tao sa baha?
Ito link ng California Megaflood:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
Alam ko tungkol sa Noah's ark ang tinutukoy mo kung saan pinatay daw ng Diyos ang lahat ng tao sa baha dahil sobrang sama na. Lahat ba talaga ng tao masama na? Bakit wala bang mga bata nung panahon na iyon para sabihin daw ng Diyos na lahat ay masama na? Bakit pati mga inosenteng bata na wala namang kasalanan idadamay rin ng Diyos? Paano pa siya tatawaging Diyos ng Pag-ibig kung ginawa niya iyan.

Lucas 18:16-17(TLAB) 16Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Diyos. 17Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Diyos na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. (Mateo 19:14)

Yan ang katibayan kung gaano kahalaga ang maliliit na bata para itulad ito na gaya ng kaharian ng Diyos na pag hindi tayo tumulad sa kanila ay di tayo makakapasok sa kanyang kaharian. Ganun kahalaga tapos pinatay lang niya sa baha? Sinong mapagmahal na Diyos ang gagawa niyan? Maniniwala ka pa rin ba sa sinulat ng author na sinabi daw ito ng Diyos sa kanya? 40 days walang tigil na ulan at 5 months babad sa baha? Baka sa lugar lang nila nagbaha. Nangyari na rin ang ganito dati sa Central at Southern California noong December 1861. Mas grabe pa 43 days walang tigil na ulan at 6 months babad sa baha. Namatay ba ang lahat ng tao? Ganun na ba kaunlad ang technology sa panahon ng author ng Genesis para makasigurado siyang nagbaha nga sa buong mundo? Nung nangyari ang ganito sa california alam nilang hindi bumaha sa buong mundo dahil medyo maunlad na ang technology nung panahon na iyon. Maniniwala ka pa rin ba sa sinabi ng author na pinatay daw ng Diyos ang lahat ng tao sa baha?
Ito link ng California Megaflood:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Huwag mo ipagsama ang panahon ni Cristo sa panahon ni noah,

Sinong mag aalaga sa mga bata kung ang mga magulang lang nila na masasama ang binaha noon? Diba simpleng tanong at simple din ang sagot?dapat alam mo na ang sagot dyan....

Kahit mamatay ang bata,,sa langit naman sigurado ang punta nila ,,dahil sa kanila nauukol ang kaharian ng Dios
Unawain mo ang binabasa mo sa Bible dude ikaw pa mismo nag latag ng verse ng Mateo 19:14

Mateo 19:14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.

Karkula ko bumabanat ka kagad ng hindi mo lubusang nauunawaan ang mga bagay bagay di mo nakikita at inaanalisa kung bakit nangyari ang mga bagay na iyan sa Bible na ipinalalagay mo kagad na masama, Huwag mo ilagay sa Bible ang standard ng hatol ng tao dahil may mga bagay na hindi lubusang alam ng tao ba ang Dios lamang ang nakakaalam

ang hatol ng tao ay may flaws hindi tulad sa Hatol ng Dios
 
Panahon man ni Cristo o ni Noah hindi natin pwedeng sabihing lahat ay masama na. Ang mga maliliit na bata ay mga inosente pa rin at walang alam sa paggawa ng kasamaan. Masasabi mo bang masama na rin sila at karapat-dapat din silang mamatay? Nilikha ng Diyos ang tao dahil kasiyahan niya ang lumikha ng buhay. Kahit mamatay ang mga bata ay sa langit din naman ang punta nila?
Yan ay isang hindi matuwid na katwiran na galing lang sa'yo at hindi sa Diyos. Para mo na ring sinabi na ok lang sa Diyos ang pumatay ng mga inosenteng bata. Kung gayon ay wala na rin siyang pinagkaiba sa Diablo na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at pumuksa. Kung tayong mga tao nga sobrang kalungkutan ang nararamdaman pag may namamatay na mga bata paano pa kaya ang Diyos.

At ano naman ang masasabi mo sa California megaflood? Hindi ba katulad lang ito ng Noah megaflood. Mas malala pa nga ang nangyari sa California. Alam mo kung ano pinagkaiba ng dalawa? Technology. Sa panahon ni Noah hindi pa maunalad ang technology para makasiguro silang nagbaha nga sa buong mundo kung ikukumpara mo noong 1861 na may telegraph nang nalikha na nagtatransmit ng information over a wire kaya alam nilang hindi nagbaha sa buong mundo. Basahin mo ang tungkol sa California megaflood para maliwanagan ka.
 
Last edited:
simplehan na natin !
may pag huhukom ..
jan iiral ang pag puksa sa
( makasalanan ) ispiritwal
BASIC
Tama ka darating ang wakas ayon kay Cristo. Ngunit ang sinasabi mong pagpuksa sa mga makasalanan na Diyos mismo ang gagawa? Hindi ito gawain ng isang mapagmahal na Diyos. Yan ay gawain lamang ng diablo na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at pumuksa ayon kay Cristo (Juan 10:10). Siya ang tunay na nagpapahirap at magpapahirap sa lahat ng mga makasalanang hindi tinanggap sa kaharian ng Diyos.
 
Last edited:
Tama ka darating ang wakas ayon kay Cristo. Ngunit ang sinasabi mong pagpuksa sa mga makasalanan na Diyos mismo ang gagawa? Hindi ito gawain ng isang mapagmahal na Diyos. Yan ay gawain lamang ng diablo na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at pumuksa (Juan 10:10). Siya ang tunay na nagpapahirap at magpapahirap sa lahat ng mga makasalanang hindi tinanggap sa kaharian ng Diyos. Hindi pa ba malaking kabayaran ng kasalanan ang hindi makapasok sa kaharian ng Ama kung saan meron lamang buhay na walang hanggan at wala ng paghihirap? Alam nating ikinalulungkot ng Ama ang sinumang di makapasok sa kanyang kaharian. At lalong hindi kalooban ng Ama na mapahamak ang isang makasalanan ayon kay Cristo (Mateo 18:14). Hindi pala kalooban ng Ama na mapahamak ngunit pahihirapan niya sa araw ng paghuhukom? Inuulit ko, hindi gawain ng isang mapagmahal na Diyos ang magnakaw, pumatay at pumuksa kundi ang diablo lamang.

kasama na ho yang dyablo na kinakana mu sa mapaparusahang walang hanggan ! haha kaya nga ang PAG HUHUKOM ! tas babatayan mu ng demonyo ang gagawa ?sa pisikal oo dyablo,pero ispirtwal na kataposan dyos ang gagawa nyan
 
Panahon man ni Cristo o ni Noah hindi natin pwedeng sabihing lahat ay masama na. Ang mga maliliit na bata ay mga inosente pa rin at walang alam sa paggawa ng kasamaan. Masasabi mo bang masama na rin sila at karapat-dapat din silang mamatay? Nilikha ng Diyos ang tao dahil kasiyahan niya ang lumikha ng buhay. Kahit mamatay ang mga bata ay sa langit din naman ang punta nila?
Yan ay isang hindi matuwid na katwiran na galing lang sa'yo at hindi sa Diyos. Para mo na ring sinabi na ok lang sa Diyos ang pumatay ng mga inosenteng bata. Kung gayon ay wala na rin siyang pinagkaiba sa Diablo na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at pumuksa. Kung tayong mga tao nga sobrang kalungkutan ang nararamdaman pag may namamatay na mga bata paano pa kaya ang Diyos.

Mateo 18:14 "Gayon din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito." Sino ba ang tinutukoy ng Diyos dito na "ang isa sa maliliit na ito"? Ito ay isang naligaw na isang makasalanan. Si Cristo na mismo nagsabi napakalinaw na hindi kalooban ng Ama na mapahamak ang isang naligaw na makasalanan. Noong panahon ni Noah madaming naligaw na makasalanan at pinatay daw ng Diyos sa baha? Eh hindi naman pala kalooban ng Ama na mapahamak ang mga ito ayon kay Cristo. Ang Bugtong na Anak ng Diyos ang nagsabi ng mga salitang ito na sa Ama niya mismo narinig. Juan 15:15 "Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama." Sa Ama nya pala narinig ang lahat ng mga sinabi nya. Paano mo sasalungatin ang mga salitang sa Ama nya mismo narinig?

At ano naman ang masasabi mo sa California megaflood? Hindi ba katulad lang ito ng Noah megaflood. Mas malala pa nga ang nangyari sa California. Alam mo kung ano pinagkaiba ng dalawa? Technology. Sa panahon ni Noah hindi pa maunalad ang technology para makasiguro silang nagbaha nga sa buong mundo kung ikukumpara mo noong 1861 na may telegraph nang nalikha na nagtatransmit ng information over a wire kaya alam nilang hindi nagbaha sa buong mundo. Basahin mo ang tungkol sa California megaflood para maliwanagan ka.
May rason brad kung bakit pumapatay ang Panginoon hindi mo lang kasi lubusang nauunawaan kaya humahatol ka ng maling paghatol, ang standard na hatol ng tao brad ay may flaws may mga bagay na hindi alam ang tao , kaysa sa Panginoon alam niya ang mga nakakubling bagay kaya matuwid ang hatol niya, kung yon man ang maging kapalaran ng isang nilalang ay matuwid na paghatol ng Dios iyon

Huwag mo ilagay sa standard mo ang nakasulat sa Bibliya kasi tao ka lang may flaws ka may maiisip kang bagay na akala mo tama iyon pala ay mali
Tulad ngayon hinahatulan mo ang gawa ng Dios di mo naman nalalaman ang rason sa likod niyaon

Proverbs 16:25 May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
The LORD killeth, and maketh alive: he bringeth down to the grave, and bringeth up.

ako kase parang ganito lang yan.
ang sabi kase sa bible ang diyos ang may ari satin pwede nga rin siya bumuhay ng patay.

feel ko lang ito ung havesting phase. alam nyo naman ata ung sabi sa bible na ito mundong to tatapusin ng diyos daw sa bible so ung mga papasa sa quality control ng diyos yun ung mapupunta sa heaven at ung mga iba iiwanan ng diyos na mag suffer eternally.

para sakin walang masama dun kase kung tutuusin wala namang masama na pinagagawa sayo ang bible.

ang sabi wag ka papatay
mahalin mo ang diyos
mahalin mo ang iyong kaaway
mahalin mo ang iba tao tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo.
cleaniless is next to godliness
ang mga di naniniwala pakisamahan mo.
etc.

so kung ganun mundo ngayon na tipong sinasaksak ka na yayakapin mo pa o kaya ninanakawan ka na pangangaralan mo lang tapos bibigyan ng pang kabuhayan

pero baka mali ako dun ahaha

pwede rin iwasan mo ung saksak tapos pakainin mo tapos bigyan mo ng counseling kung bakit nya ginagawa un.

sabi nya mahalin mo ung iba tulad ng pagmahal mo sarili mo dipende sa tao rin eh.
 
May rason brad kung bakit pumapatay ang Panginoon hindi mo lang kasi lubusang nauunawaan kaya humahatol ka ng maling paghatol, ang standard na hatol ng tao brad ay may flaws may mga bagay na hindi alam ang tao , kaysa sa Panginoon alam niya ang mga nakakubling bagay kaya matuwid ang hatol niya, kung yon man ang maging kapalaran ng isang nilalang ay matuwid na paghatol ng Dios iyon

Huwag mo ilagay sa standard mo ang nakasulat sa Bibliya kasi tao ka lang may flaws ka may maiisip kang bagay na akala mo tama iyon pala ay mali
Tulad ngayon hinahatulan mo ang gawa ng Dios di mo naman nalalaman ang rason sa likod niyaon

Proverbs 16:25 May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
Gusto ko lang ipaliwanag sa lahat ang maling pagkilala ng mga propeta sa Ama. Pagkat hindi nila lubos na kilala ang Ama ayon kay Cristo. Kaya't napagtanto ko kung bakit nila nasabi na pumapatay ang Diyos dahil hindi nga talaga nila lubos na kilala ito at ipinalabas nilang sinabi ito ng Diyos sa kanila kahit ang totoo na sa kanila lang nanggaling ang mga salitang ito. Bakit ko nasabi ito? Dahil una kong ginawang basehan ay ang mga salita at gawa ni Cristo. Dahil walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at sinumang ibiging pagpahayagan ng Anak (Mateo 11:27). Hindi Siya nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala Siya ni Cristo (Juan 17:25). Ito ang ipinahayag sa akin ni Cristo. Siya lang ang lubos na nakakakilala sa Ama dahil kasama na niya ang Ama bago pa likhain ang sanlibutan. Si Cristo ang matibay na rebelasyon ng katauhan ng Ama dahil ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak (Juan 5:19). Pinatunayan sa akin ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang mga gawa na hindi nga pumapatay ang Diyos at tunay Siyang mapagmahal.

Juan 10:31-32 "31Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. 32Sinagot sila ni Jesus, maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?

Ikaw naman ang aking tatanungin. Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ni Cristo sa sanlibutan. Alin sa mga gawang ito at naniniwala kang pumapatay ang Diyos?
 
Last edited:
Grabe kayo sir mga propeta ng Diyos yang pinararatangan ninyo na as if hindi nila alam ang kalooban ng Ama, at hindi sila dapat pinagkatiwalaan ng Salita at magpahayag ng katotohanan bukod sa Panginoong Hesukristo lamang, lahat pala gawa ng mga author ng mga matatandang manuskrito ay pawang mga walang katuturan sa iyo. Paano na lang yung mga nabuhay bago kay kristo lahat ba sila ay napahamak ng mga propetang ito?

Kung gayon bakit sa pangangaral ng Panginoong Hesukristo, binanggit niya ang mga babala nila propeta Jonas, propeta Daniel at propeta Noe, tungkol sa paghuhukom ng Diyos,

di nga ba't si Hesus ay isang propeta rin bilang Anak ng Tao, bago pa siya naging Kristo nang mabautismohan sa ilog Jordan?

Nabanggit din nga ng Panginoon ang bahang tumangay sa sangkatauhan, na ang mga tao noo'y nagsisikain, nagsisiinom, nagsisipag-asawa, hanggang sa silang lahat ay tangayin ng baha,

sabihin na nating local flood lang lahat ng nangyari sa panahon ni Noe, kaawa awa nga talaga ang mga batang biktima rin ng baha, bakit hindi iniligtas ni Noe ang mga sanggol sa Arko kung gayon? Hinatulan niya rin bang mamatay ang mga sanggol at musmos na kamag anak niyang nadamay sa local flood?

Pag sinabi nating baka naman nilikas niya ito sa ibang lugar, sinungaling nga ang author sa pagsasabing wawalo lamang ang naligtas sa global flood diumano.
 
Sabi mo brad wala akong mababasa na ang Dios ay pumapatay? Merong mababasa hindi mo lang nakita. Ito hanapin mo sa Biblia sinabi ito ng Panginoon " dalhin nyo sila dito at inyo silang Pagpapatayin " siguro ang alam mo lang sa salitang pagpatay ay isang kahulugan lang..... Dyan nagkakamali yung nagturo sayo.. Isang pangahas at walang alam sa Biblia yun... At magtigil ka nga brad sa mga style mo.. Akala mo kung sinong pantas ka sa Biblia,,,e mali naman pinagsasasabi mo... Okey lang sana kung tama mga pinagdadadaldal mo dyan e.. Pumapatay ang Dios sa anong sentido bakit sya pumapatay? Yun ang alamin mo... Tandaan mo kapag ang Dios ang gumawa matuwid yun.. Banal yun.. Hindi mo lang siguro naiintindihan salamat at magandang araw sayo kaibigan
 
nang lalangin ng Diyos ang unang tao, ipinagkatiwala Niya rito ang kapamahalaan sa lahat ng nilalang sa sandaigdigan, na kahit alam Niyang maaaring malinlang ito ng kasamaan paminsan minsan, makakaya nitong iwaksi ito dahil nagtitiwala ang Diyos sa kanyang sannilikha at binigyan Niya ito ng pagkaunawa, nasasa tao na kung magtitiwala ito sa Diyos ng lubusan o tuluyang tatalikod sa Lumikha.

In short alam nga ng Diyos na may kapahamakang ngang nakaamba sa tao bago pa Niya lalangin ito, pero nagtitiwala ang Diyos na may sapat na kakayahan ito na maging matuwid dahil nilikha Niya ito ng may kaisipan at sariling pagpapasya tulad Niya at may kakayahang kumilala ng makabubuti at makakasama sa kanyang sannilikha.
 
Last edited:
Grabe kayo sir mga propeta ng Diyos yang pinararatangan ninyo na as if hindi nila alam ang kalooban ng Ama, at hindi sila dapat pinagkatiwalaan ng Salita at magpahayag ng katotohanan bukod sa Panginoong Hesukristo lamang, lahat pala gawa ng mga author ng mga matatandang manuskrito ay pawang mga walang katuturan sa iyo. Paano na lang yung mga nabuhay bago kay kristo lahat ba sila ay napahamak ng mga propetang ito?

Kung gayon bakit sa pangangaral ng Panginoong Hesukristo, binanggit niya ang mga babala nila propeta Jonas, propeta Daniel at propeta Noe, tungkol sa paghuhukom ng Diyos,

di nga ba't si Hesus ay isang propeta rin bilang Anak ng Tao, bago pa siya naging Kristo nang mabautismohan sa ilog Jordan?

Nabanggit din nga ng Panginoon ang bahang tumangay sa sangkatauhan, na ang mga tao noo'y nagsisikain, nagsisiinom, nagsisipag-asawa, hanggang sa silang lahat ay tangayin ng baha,

sabihin na nating local flood lang lahat ng nangyari sa panahon ni Noe, kaawa awa nga talaga ang mga batang biktima rin ng baha, bakit hindi iniligtas ni Noe ang mga sanggol sa Arko kung gayon? Hinatulan niya rin bang mamatay ang mga sanggol at musmos na kamag anak niyang nadamay sa local flood?

Pag sinabi nating baka naman nilikas niya ito sa ibang lugar, sinungaling nga ang author sa pagsasabing wawalo lamang ang naligtas sa global flood diumano.
Sinabi ni Cristo na ang isang alagad ng Diyos ay tulad ng puno ng sambahayan na naglalabas ng kanyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma (Mateo 13:52). Dito sinasabi Niya na pwede tayong kumuha ng mga aral at salita sa bagong tipan gayundin sa lumang tipan. Kaya may mga aral at salita rin Siyang kinuha sa lumang tipan. At sinabi sa bagong tipan, suriin ang lahat ng mga bagay, ingatan ang mabuti at layuan ang bawat anyo ng masama (1 Tesalonica 5:21-22). At sinuri ko ang mga bagay sa bago at lumang tipan. Maraming mabubuting aral at salita sa bago at lumang tipan na aking iniingatan ngunit may mga aral at salita rin na hindi ko pinaniniwalaan bilang kristiyano.

Exodo 20:7 "Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan."
Daniel 3:17 "Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari."
- Sa Exodo 20:7 itinuturo sa atin na huwag gamitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan dahil sinumang gumagawa nito ay nagkakasala sa Kanya. At sa Daniel 3:17, itinuturo sa atin na laging magtiwala na tayo'y ililigtas ng Diyos kahit anong mangyari. Ilan lang ito sa magagandang aral at salita sa lumang tipan na dapat nating sundin at pagtiwalaan at alam kong marami pa.

Deuteronomio 7:10 "At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga namumuhi sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa namumuhi sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha."
- Dito sinasabi na pinaghihigantihan ng Diyos ang lahat ng mga namumuhi sa Kanya. Sinong mapagmahal na Diyos ang gagawa niyan? Nung panahon ni Cristo madami ang namumuhi at galit sa Kanya ngunit sa napakaraming mabubuting gawa na mula sa Ama na ipinakita Niya, nasaan ang paghihiganti? Pinalitan pa nga niya ang utos sa lumang tipan na nagsasabing kamuhian ang kaaway at iniutos Niyang ibigin ang ating mga kaaway. At marami pang mga aral at salita ang mababasa sa Biblia na ginagawang masama ang Diyos na hindi dapat paniwalaan.

Juan 14:11 "Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa ko."
- Dito sinabi ni Cristo na maniwala tayo na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Kanya. Dahil Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30). Bakit sila iisa? Dahil ang lahat ng ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak (Juan 5:19). Kaya't sinabi ni Cristo sa kanila na kung ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi Niya ay maniwala ang mga ito sa Kanyang mga gawa na mula sa Ama bilang patotoo na Siya ay galing sa Ama at Sila'y iisa.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top