- Joined
- Oct 19, 2020
- Posts
- 3,005
- Reaction
- 1,292
- Points
- 1,012
Kung naranasan mo na ang pakiramdam ng kumati ang dila at lalamunan matapos kumain ng pinya, hayaan mong ipaliwanag ko sayo kung paano ito nangyayari.
Una, kung sisilipin sa isang microscope ang laman ng pinya, mapapansin meron itong maliliit ng mga tinik na hugis karayom, kung tawagin ay raphide crystals na gawa sa calcium oxalate.
Kilala ang bagay na ito na nakaka irita sa bibig at matatagpaun din sa ibang prutas gaya ng kiwi at mga halaman gaya ng gabi. Ito ang dahilan kung bakit kailangan patuyuin ang dahon ng gabi bago gawing laing.
Ikalawa ay meron itong enzyme na Bromelain na tumutunaw sa protina na bumubuo lining ng bibig. Kilala ang pineapple juice na sangkap na ginagamit sa pagpapalambot ng karne dahil sa enzyme na ito.
Sa madaling sabi, pinipinsala ng pinya ang lining bibig natin. Ngunit hindi kailangan mabahala, dahil sa pagnguya at paglunok natin dito, nasasapawan na ito ng sarili natin enzymes sa ating panunaw, at mabilis na makakarecover ang mga pinsala na natamasa ng bibig natin dito. Ngunit gaya nga ng laging payo "kahit anong sobra makakasama." Sa sobrang kain ng fresh na pinya, posible magkaroon ng diarrhea at singaw sa bibig.
Upang maiwasan ang ganitong karanasan, maaaring lutuin ang pinya o ibabad sa asin. Sa ganitong paraan mababago ang straktura ng mga raphides at ang kemikal na anyo ng mga enzyme.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: