What's new

Closed Alamin: ano ang national id system

Status
Not open for further replies.
051017_id.jpg
Sa kasalukuyan, maraming ID o identification card ang kinakailangan para sa mga serbisyo ng gobyerno.

Ngunit magbabago na umano ito kapag naisabatas ang panukalang national identification system sa bansa, ayon sa isang abogado.

"Simple lang 'yung gustong gawin ng batas na ito, magbigay ng isang ID o isang pagkakakilalan para sa lahat ng mamamayan," sinabi ni Atty. Noel del Prado sa programang 'Usapang de Campanilla' nitong Huwebes.

Sa pamamagitan aniya ng ID na ito, maaari nang makuha ang serbisyo ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno.

"Ipinapanukala itong batas na ito para 'yung nag-iisang unified, multi-agency, at multi-purpose ID ay sapat na para sa lahat ng ahensiya ng gobyerno," ani Del Prado.

Bukod sa mas madaling pagkuha ng serbisyo ng gobyerno, makakatulong din aniya ang national ID sa bansa lalo na kapag may kalamidad.

"Halimbawa, di ba lagi tayong binabagyo, at karaniwang reklamo 'yung mga kumukuha ng relief goods, minsan 'di mo na alam, nadodoble ka ng bigay sa mga tao. Kung merong national ID, maiiwasan 'yang pagdodoble-doble," sinabi ng abogado.

Mas masisiguro rin aniya ang pagiging inosente ng isang tao sa krimen dahil mayroong sariling common reference number at biometrics ang national ID.

"Kasi yung national ID, kasama 'yung biometrics, walang dalawang taong magkapareho ng thumb print, imprenta ng mata, itsura, o lahat ng detalye ng pagkatao," paliwanag ni Del Prado.

Ngunit may mga tutol din umano sa panukalang ito.

"Isa din 'yan sa takot dito, kasi 'yung ID na 'yan, maituturing na susi sa maraming bagay... kung ma-häçk o manakaw 'yung ID, ibig sabihin, 'yung benepisyo na para sa 'yo ay mananakaw," ani Del Prado.

May mga batas naman aniya na naglalayong mapangalagaan ang mga personal at sensitibong impormasyon tulad ng Data Privacy Act.

Sa ngayon ay lusot na sa Kamara at Senado ang panukalang national ID.

Ayon kay Del Prado, maaari nang magpulong ang dalawang kapulungan para matalakay ang nakasalang na batas.

Source: news.abs-cbn.com
 

Attachments

Ang nakikita negative po dito ay ang pag violate sa peoples rights of privacy.

Sa bagong id system ang Philippines Statistic Authority ang hahawak ng lahat ng data ng isang tao na sa ngayon ay kontrolado ng US based firm called Unisys.
Alam naman natin na hindi maganda ang kasaysayan ng US at CIA nito para maniktik sa ibang bansa magudyok at magsimula ng gyera para makontrol ito. Kung paano ang ginawa ng US sa mga bansang Latin- America, ganon din sa middle east.

Ang CIA kung paano sila bumuo ng terorista para magkaroon ng gulo sa isang bansa para magkaroon ng passes na pasukin ito..

Hawak na nga nila ang ekonomiya natin pati ba pagkatao natin ay gusto rin nila kontrolin?
 
kakatuwa naman na madaming natatakot sa id system na ito dahil sa issue ng privacy...pero kung makapag post sa fb wagas...pati yung iuulam na lng eh...kung san pupunta khit sa palengke lng nman naka post p...saya saya naman tlga...mabuhay ang pilipinas
 
Tamang hinala- Yan ang malimit gawin ng mga taong mahilig mag-isip ng mga bagay-bagay para mabigyan ng malinaw na eksplanasyon ang bawat pangyayari ...
- abanteng pagiisip upang hindi ka magkamali pag dumating ang araw na ito.
Halimbawa bago pa isabatas ang TRAIN Law at Compress Work Week. Isama pa ang mga dating isinabatas tulad ng kontraktwalisasyon, wage rationalization. Bago pa isabatas ito ay binabatikos na ito ng mga pogresibong grupo na kung ano ang magiging epekto nito bago pa maisabatas ito.. Ngunit marami parin taong walang pakialam at nagtitiwala sa mga ginagawang batas ng mga congressman, senador at pangulo. Dahil sa mahina lang ang bilang ng mamamayan tumututol dito itinuloy isa batas ito. Kaya ngayon huli na ang pagsisisi ng mamamayan..

Ganito rin ang tinitingnan natin sa national id system na ito.. Himayin ang hindi magandang epekto nito bago pa mahuli at naisabatas ito.. Dahil tayo ang makikinabang nito at hindi lang gumawa na batas na ito..

Tama na maging tamang hinala.
 
Paano naging violate of peoples rights ang flaw nito?

Bakit ilalagay mo ba sa id nayan ang bank account mo Pati face book ?
At cp number mo magagamit ba ng USA?
Pagkakakilanlan lang naman ilalagay mo dyan
Ang flaw lang dyan ay yong sinabi nila tungkol sa benifits na mapupunta sa iba sakaling ma hâck yan id mo

Hindi ka rin nagiisip tutol ka ng tutol
May maitutol lang cancer talaga kayo sa lipunan

Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil din sa inyo tutol kayo ng tutol sa mga plano ng gobyerno upang mapaunlad ang pilipinas mga bugok!!!
 
Walang progresibo na group dito sa Pinas, yung palagi kumukontra sa mga progressive na mga batas ay mga backwards thinker na leftist.... Imagine mo yung Jeepney modernization project, kinontra nang mga peste. Baka sabihin nila pakana na naman nang CIA yung PUV modernization program.
 
Bakit hindi kokontrahin lahat ng proyekto ng gobyerno. Sino ba ang higit na nakikinabang? mas higit pa nakikinabang ang mga dayuhan at mga local private corporation kesa gobyerno at hindi para sa mamamayan. Pag unlad ito ng mga pribadong namumuhunan at hindi ng pilipinas.
Hindi nyo yata alam ang ibig sabihin ng totoong pagunlad.
Walang progresibo na group dito sa Pinas, yung palagi kumukontra sa mga progressive na mga batas ay mga backwards thinker na leftist.... Imagine mo yung Jeepney modernization project, kinontra nang mga peste. Baka sabihin nila pakana na naman nang CIA yung PUV modernization program.
Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil din sa inyo tutol kayo ng tutol sa mga plano ng gobyerno upang mapaunlad ang pilipinas mga bugok!!!
 
Progressive groups sa pinas halos hindi nag exist, yung dominant critics ay nasa extreme left. Kumbaga magkasalungat yung politics dito sa atin yung mga leftist yung mga conservatives.
 
Yong makakaliwa pinapatakbo ng mga bigtime karamihan mga oligarch na gusto hawakan sa leeg ang nasa gobyerno
Front lng nila yan mga tutol tutol upang magkaroon ng usapin
Na hindi na nama dapat pang pagusapan kasi nakakaunlad naman sa bansa ang mga panukala
 
Yong makakaliwa pinapatakbo ng mga bigtime karamihan mga oligarch na gusto hawakan sa leeg ang nasa gobyerno
Front lng nila yan mga tutol tutol upang magkaroon ng usapin
Na hindi na nama dapat pang pagusapan kasi nakakaunlad naman sa bansa ang mga panukala
dyan ka naman po mali.. Walang nagpapatakbo sa kanila na mga oligarch at walang humahawak sa kanila. Ang pondo nila ay nanggagaling din sa mga myembro nila at sa mga unyon ng manggagawa..

Ang mga leftist o red ay iba sa mga pinapakilos ng dilawan. Ang mga hawak ng dilawan ay Sila ang may malalaking pondo na galing sa mga liberal na may hawak sa kanila.
Progressive groups sa pinas halos hindi nag exist, yung dominant critics ay nasa extreme left. Kumbaga magkasalungat yung politics dito sa atin yung mga leftist yung mga conservatives.
bakit mo na sabi na hindi nagexist ang progressive.

Ang pagiging progresibo ay nakabatay kung anong social system ang dinadala na magpapagalaw ng pampulitika at ekonomiya sistema..
Ang lipunan natin sa ilalim ng gobyerno ay may sistemang feudalism at capitalism na pinapatakbo ng mga panginoon may lupa, oligarch at dayuhan.
Ang sistemang dinadala ng leftist ay tungo sa socialism na pinapatakbo ng mga nakakaraming uri sa lipunan at hindi ng iilan.. Ang bansang pinapatakbo ng kanyang lahi at hindi ng dayuhan. Ang pagsasapubliko ng lahat ng sariling pag aaari tungo sa pag aari ng lahat..

Sino po ang hindi natin masasabi na progresibo?
Sino po sa kanila ang naghahanap ng pagbabago?
 
Last edited:
Progressive Extortion

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — The New People’s Army earned Php 1.4 billion from extortion activities in 2017.

This is according to the Eastern Mindanao Command’s Lt. Gen. Benjamin Madrigal.

According to Madrigal, the money was extorted from agricultural and mining companies in Mindanao.

Madrigal said the amount can buy over 23,000 AK-47 rifles and 31 million ammunition.

Cost of damage caused by NPA attacks amount to Php1.2 billion, the official said.

The NPA, the armed group of the Communist Party of the Philippines, has been declared a terrorist group by President Rodrigo Duterte.

Duterte officially terminated peace talks with the communists, citing what he said were their extortion activities, and their killing of soldiers even when a ceasefire was in place.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Recently may sinunog na 10 heavy equipment ang mga NPA dito sa Davao. Kadalasan mga bus company ang ineextort nila, kapag hindi nag-agree susunogin ang mga bus kung hindi naman babatuhin kapag bumabyahe sa gabi.

Since yung family namin is from the Municipal of Bansalan in Mindanao, may nakakasalamuha kaming NPA dito, kadalasan sa mga leftist sila yung mga convicted criminals na puga.

Isa sa hindi makakalimutang nangyari na may kinalaman sa mga NPA ay yung "Digos Massacre". Nangyari eto habang nagmamass, mostly sa namatay ay mga bata yung pastor pinugutan. Ang rason kung bakit ginawa? Dahil hindi nakipagcooperate sa ang leader sa mga NPA.

Spoiler contents are visible only to Established Members.

Ngayon kung hindi mo pa matatawag na salot yan, ewan ko na lang kung ano matatawag sa kanila.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top