Nananatili sa kahapon Mga ala-alang hindi maitatapon Sana lang ay maibalik Sapagkat ako'y patuloy pang nasasabik.
Lahat ay aking baon Umaasang madurugtungan sa kasalukuyang panahon Tanong ko lamang, ito na ba ang hangganan? Na matagal nang nagtapos sa taong nagdaan.
Alam ko na bawat araw tayo ay magbabago Nais ko muling makita ang dating ako Maramdaman muli ang saya ng may tayo Sa bawat pagdaan ng araw, hindi lamang sa isip ko.
Gusto kong umusad Pwede mo ba akong samahan maglakad? Maglakad sa kawalan Wala sa anino ninuman.
Nawa'y sa pag-usad ng panahon Ala-ala'y huwag mabaon Bagkus madagdagan pa yaong mga naipon Na siyang magpapasaya sa akin pagdating ng dapit-hapon.
Pahiram ng tula mo baby msstar gagawin kung kanta at gagagwan ko ng chords.. medyo mahirap lang dto ang pag tuno ng kanta pero sanay na ako gumawa ng sarili kung mga lyrics at mag tuno (//_^)
Pahiram ng tula mo baby msstar gagawin kung kanta at gagagwan ko ng chords.. medyo mahirap lang dto ang pag tuno ng kanta pero sanay na ako gumawa ng sarili kung mga lyrics at mag tuno (//_^)