What's new

Advice po, sobrang sakit sa puso e

Just pray and let it flow. Hindi natin hawak ang isip at puso ng bawat isa. Kung bata pa kayo, make priorities muna sa future nyo, give time and space muna. Kung talagang nagmamahalan kayo, hindi mawawala yun love, kayo din magkakatuluyan sa huli. Wag masyadong i istress ang sarili, minsan yun taong mahal natin, need natin i let go para malaman natin kung sya nga ang para sa atin. Wag i stress ang sarili. Madami pang bagay na pwedeng gawin, wag i limit ang sarili sa mundo ng iba. God, respect, love should be the core of your relationship.
 
[XX='4reulyin_, c: 1314416, m: 1820599'][/XX] mahirap kasi pag hindi kayo nagkikita tapos panay pa away. Naging ganyan din ako sa ex ko dati, LDR kami mga 12hrs layo namin sa isa't isa, pero sia pa din pumupunta sakin dati. 😅 Sabi nga eh kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.
 
[XX='4reulyin_, c: 1314460, m: 1820599'][/XX] nasa sainyong dalawa lang ang desisyon kung ano talaga ang mas makaka buti sainyong dalawa
 
toxic relationship needs to be stopped..

bago pa lang kayong mag on tapos puro away na kaagad, new pa lang kayo tas ganyan na? walang patutunguhang maganda yan...

try mo na lang evaluate relationship nyo ilista mo positive and negative whichever wins then make that as the bases of your decision to continue or let go.
 
napag uusapan nman yan lods...sa mahinahon n sitwasyon..palamig muna ang isat isa ikaw n maunang mag approach kase kmi mga lalaki ay ma pride d kmi mauuna mag salita kahit mali nmin promise hehehe
tanungin mo kung ok n ba kayong mag usap simulan mo sa sorry, then wag nyu n pag usapan kung anu man ung pinag awayan nyu tpos..magsasalita nman yan nahihiya lng hahaha
 
katulad nung advice ko sayo sa ts dun sa isang topic mo na referring to him pa din, move on na. dont waste your time and energy sknya, lalo na kung affected na ung emotional state mo. very stressing yan pag ganyan.
 
Alam mo, kung hindi nakakabuti sayo tigilan mo na. Hindi siya deserving para sayo, mas marami pang magmamahal sayo in the future.
 
Ang relationship nyo dapat mutual,give and take,di pwedeng kaw puro give siya naman puro take Lang,walang nagtatagal na ganyang relasyon,wag mong panghinayang mawala Ang isang taong di marunong magpahalaga sa isang tulad mo.isipin mong Isa kang mamahaling ginto tapos sa junk shop Lang bagsak mo,ikikilo na parang kalawanging bakal Lang?
 
Parang alam ko na kung san hahantong to
"Nagtikiman pero di tinadhana" 🤣
piz, wala eh di kasi kayo magkasundo sundo 🤭
 
Dito natin makikita na Hindi sapat na mahal ka niya at mahal mo rin siya para lang matawag kayung mag jowa or mag asawa na .Love isn't enough eka nga nila .well totoo yun . dapat may respeto, pang unawa, tiwala at pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa itaas. ang pag-ibig kasi parang eroplano, may mga parang malaking pakpak na yan ay ginawa para support nba makalipad ang isang eroplano at yan ay 100% na balanse .at kung ang isa sa dalawang pakpak na yan ay gagaan or bibigat talagang hindi magiging maayus ang paglipad at posible pa na bumagsak pag lumama. same lng din yan sa love.. at very important thing eha . hindi masamang bumitaw paminsan minsan lalo na kung sa tingin mo ay lahat na nang paraan ay ginawa niyo at same lang din yung resulta . e dapat di mo din baliwain ang mga posibilidad na baka hindi kayo para sa isat isa .minsan pag mahal natin ang isang tao kinakailangan din natin silang palayain .
 
hayyyst mahirap ang LDR marami sa LDR ang nag prepretend diko naman nilalahat

bakit kayo laging nag aaway? kung gusto mong maayos yan at ayaw niya pwedeng hindi ka talaga niya mahal o mataas ang pride niya at maaarin ding mayroon siyang iba bukod sayo kilala mo na ba talaga siya

wait?

kung LDR kayo paanong LDR ba yan? nagkasama muna kayo bago maging LDR or LDR na talaga since noon pa

kung since noon pa LDR kayo mahirap yan kasi hindi mo alam tunay na ginagawa niyan pwedeng sabihin niya sayo na ganito ang ginagawa niya pero hindi naman talaga

at kung gusto niya na maayos kayo at kung mahal ka niya hindi ka niya hahayaang umiyak at kung mahal ka talaga niya gagawa din siya ng way para magkausap kayo

sa isang relasyon dapat parehas kayong nag papatakbo hindi pwedeng isa lang sa inyo kumbaga sa isang kotse kung wala namang gasulina syempre magpapakahirap kang iitulak? para lang umahon o humaba pa yung patutungohan mali yun

isa pang mali wag mo masyadong mairalin yung emosyon lalo na sa LDR mahirap yan alam mo pag nalunod kana sa emosyon mo wala ka ng ibang nalalaman kundi mahalin yung partner mo

basta para sa akin kung mahal nyo ang isat isa parehas kayong gagawa ng paraan para magkaayos.
 
Iha, ilang taon ka na at yung lalaki? Naalala ko, ganyan kami ng ex ko HAHAHAHA. Mga nasa 18-17 ata ako non, tas jowa ko 15-14? Yes, immature kami non lalo na ko. Ganyan na ganyan kami, habang tumatagal away ng away, hanggang sa natitiis yung isa't isa. Kapag may problema, uunahin yung pride hanggang sa di maayos, hanggang sa masanay na lang at tuluyang mag hiwalay. Tas hanap ulit ng iba tas ganun ulit. Since nagsawa ako sa ganong set up. Nagpray ako, humiling ako ng di ko ideal girl, pero nasa kanya yung mga gusto ko then ayun na dumating. 4 years na kami at counting pa. Oo nga pala, sa ex ko wala sa kanyabyung problem. Nasa sakin, kaya madalas kami mag away non. Yung sa inyo nga pala, sa lalaki ang may problema. Getting to know each other muna sana kayo bago mo sya sinagot or what. Ang mga lalaki di marunong makontento yan, nasa dugo na namin kung magiging stck to one. May iba matino, maasahan at hindi cheater. Yung iba may josa na, nagkakagusto pa sa iba. Ayun yung pangit don. Kilalanin mo muna jowa mo, lalo na ugali. Wag mo sanayin sya ying nasusunod. Dapat sya yung takot sayo, kung mahal ka nya dapat susunid yan dahil ang mga babae talagang alam nila kung ano makakabuti sa jowa nilang lalaki. Yung ganyang klaseng lalaki, mahirap pakisamahan yan. Minsan kukunin pa ******ity ng babae makuha lang yung nais. Advice ko sayo, mag pray ka, humiling ka ng signs kay Lord. Ayoko kasi kayong pangunagan eh, relasyon nyo yan. Dapat kayo nag aayos nyan. Kung mag hiwalay kayo, edi maghiaalay kayo kung ayun yung mas makakabuti sa inyo. Mag cool off kung mag cool-off. Magpalamig muna kayo, gaawin nyo mga gusto nyong gawin sa buhay. Masaya yun, piliin nyo lagi maging masaya. Alam nyo naman yung kasabihan na "Pinagtagpo, ngunit hindi tinadha". Masakit pakinggan pero totoo. Pray po ate.

Ps. Pinaiksi ko na lang kwento namin ng bebe ko, wala lang. Madamot ako eh, samin lang yun. Kikilig pa rin ako kapag naaalala ko mga nangyari samin. Btw, 4years na kami. 22 ako, 18 sya. Ako nagdadala sa relasyon namin at syempre support sya. Ganun ang pag ibig. Nasa bible kasi yung "Ang asawang babae ay dapat sumunod sa asawang lalaki". Btw, papakasalan ko sya pero magtatapos muna kami pag-aaral. Tatayo ng bahay at sabay na rutuparin yung mga pangarap.
 
Nagpapakumbaba na ako. Inapakan ko na pride ko. Di ko na nga nararanasan yung nararanasan ng ibang babae sa isang relasyon..
 

Similar threads

Back
Top