What's new

Advice po, sobrang sakit sa puso e

Ganun dapat tol para peace relationship. No To War!!! Let's give more value LOVE rather than flesh.
 
Hirap kase sa LDR need mo talaga ng trust and patience dapat talaga mahaba habang patience para mag work. Cons rin na hindi mo malaman ano ang tunay na ugali ng dyowa mo kase nga LDR kayo eh. Kaya karamihan eh di nag wo work.
Dapat talaga both parties eh nag co cooperate jan para mag work yang LDR thing. Kung isa lang ang nag wo work out talagang di tatagal ang relationship nyo.
Na stre stress ka na nga ng malayo kayo sa isat isa paano pa kaya pag malapit na? Dun mo pa malalaman na ganito pala sya, ganun lasinggero, nag yo yosi, bastos, walang respeto etc.
Well na try ko naman manligaw ng malayo sa isat isa. Actually sinagot ako. Pero alam mo yung feeling empty ka. Masaya sa simula pero later parang wala lang. Minsan nang gho ghost nalang bigla and i cant remember later on na niligawan ko pala sya sa social media hahaaha.
Basta t.s pag maraming iyakan kesa masaya hiwalayan mo na. Theres no point of staying. Nasa relationship stage pa kayo eh.LDR naman you didn't know ano ang tunay na pagkatao nya. Accept ka narin ng mga manliligaw sa tabi tabi. Baka jan ang destiny mo. Promise mas makilala mo pa ang lalake kapag mas malapit kesa malayuan. Or takot ka lang sa physical relationship? Depende nalang yan sayo.
Good day miss.
 
Last edited:
Pag usapan nio mabuti yan. Sabi mo nga LDR kayo, pero tanong ko lang kung nagkita na kayo?

Kung oo sagot mo, maayos ba unang pagkikita nio? Anong unang reaksyon nia nung nagkita kayo? Kasi kung sa unang pagkikita nio is maganda reaksyon nia sayo at medyo nahihiya sia, meaning gusto ka nia talaga. Pero kung hindi naman maganda, what I mean is cold sia nung nagkita kayo, well alam mo na ibig sabihin, nagustuhan ka lang nia in game.

Sabihin na nating di pa kayo nagkikita, at dapat kelangan kayo magkita at pag usapan kung ano man ang dapat pag usapan. Gaya ng sabi ko sa una, pag nagkita kayo at cold pa rin sia sayo, wag ka na magpakapagod, iwan mo na (as in break). Mahihirapan ka lang kasi ganyan na pakikitungo nia sayo kahit kelan. Ikaw na lang lumalaban sa inio, lalo na pag nag away kayo tapos di ka sinusuyo (kasi ako kahit di ko kasalanan, ako yung nagpapakumbaba, ako yung nanunuyo).

Pero at the end of the day, nasayo pa rin ang desisyon. Payo ko lang po sayo, magkita kayo at pag usapan, kung ayaw nia makipagkita, hiwalayan mo na. That's all. Thank you 😁
 
for months po na naging kayo,..
is there a big changes po ba when you two are stiLL dating??
 
bago palang pala kayong dalawa eh, so ibig sabihin di nyo pa talaga alam ang ugali ng bawat isa kasi kamakailan mo lang sya sinagot, maliban lang kung matagal mo na syang kilala,

mag usap kayong dalawa ng maayos ng walang taasan ng boses at pride sa isa't isa,
 
to be honest and real talk, ang dami ng Redflags, first mga linyahang walang pake kung masasaktan ka, madalas na away na parang (ano hindi ka pa gigive up pls naman),yung one sided n walang sorry at the end of the discussion (maybe), yung mas pinapahalagahan nya na ang sarili nya (i assume), yung mas nagiging kampante nalang sya kapag nag update ka sa knya or whatevs, for you miss ang mainam mo gawin is give him ultimatum and change your self from low value to high value one, the more na nararamdaman nya na nandyan ka lng lumalaki ulo nya and by that maiisip nya n hindi sya kawalan sa gngwa mong improvement for yourself.
change yourself
be more attentive sa feelings mo
give him ultimatum (eg. let me now if this relation must go on or we'll put an end-nga lang need mo pag isipan kasi minsan oo nlng sya (minsan yan nlng inaantay nya) or kapag natahimik or dakdak ng dakdak it means confuse sya ,kaya next mo itanong kung need ka ba nya sa buhay mo o kpaag may kailangan ka lang o comfort lng dahil naiintindihan mo sya)
mahaba na pm nlng if you want more (experience and realtalk)
 
Kung ganun lang po sana kadali. Malayo po kami sa isa't isa. Halos siyam na oras yung layo namin sa isa't isa..
 
Nagkaroon lang naman po ng big changes nung naging madalas na po pag-aaway namin. May mga binago siya na ayoko sanang baguhin pero pinipilit niyang para sa ikabubuti raw po namin. Hanggang ngayon pa rin po, naguguluhan ako
 
Nag-usap na po kami ng masinsinan, pero yun na nga po, wala pa ring pagbabago, gusto niya pa ring i-pursue yung pagbabagong makakabuti kuno sa amin. Hinayaan ko nalang po
 
Kung ganun lang po sana kadali. Mahal na mahal ko po yung tukmol na to e. Gusto kong maging matatag para sa amin. Sana ganun rin mindset niya..
 
Marami na nga pong red flags e. Pero at the end of the day, hihingi siya ng tawad. Nagtanong na rin po ako ng ilang beses kung susuko na ba siya. Kaso gaya nga po ng sabi mo, puro siya oo. Ngayon, gumagawa siya ng desisyon na para daw sa ikabubuti namin. One time kasi po, nahuli ko siyang may tinitingnan. Ilang beses ko na siyang nahuhuling ganun. Pakiramdam ko lang po nadidisrespect ako.. Dun nagsimulang tumaas yung insecurities ko, doubts ko, anxiety.. Siya may kasalanan, pero ba't parang...siya pa may ganang magalit? Ngayon naman po, okay na kami, humingi ako ng tawad sa mga mali ko. Pero yun na nga po, nag-set siya ng isang pagbabago. He told me na di ako allowed mangealam sa isang parte sa buhay niya. I asked him why, he told me na makakabuti samin yun. Pero di niya alam, mas binibigyan niya ako lalo ng anxiety. Hinayaan ko nalang kasi yun daw makakabuti samin e...
 
Gusto ko nga pong magbago yung relasyon namin. Nakakasawa na po kasi yung puro away. Pag inalis niya po sana yung toxic traits niya, wala sana kami dito
 
Yun ata problema namin. Masyadong ma-pride yung isa samin minsan. Ang ending, nagkakasakitan kami.. Ngayon, nagbabago na ako, pero siya, di ko mapoint out kung nagbabago ba siya in a good way..
 
We boys are immature in nature, try mo makipag hiwalay para matauhan, hintayin mo kung ano gagawin nyang resolution.
 
Baka nga sakal na sakal sya miss kaya nag ka ganun? Tanong ko lang sayo masaya ka ba sa kanya or nakaka stress? Kase miss nakaka awa ka eh. Kasalanan patawad kasalanan again patawad naman hays. And tanong ko lang anong yung mangielam? Tina try mo ba sya baguhin or whatever? Parang nagiging therapist na ang datingan mo hahaha.
Nasa sayo naman yan eh. Kumbaga tanggalin mo lang ang blindfold at tumingin sa realidad. Pero sa tingin ko ayaw mo talaga tanggalin eh. Nabubuhay ka parin sa delusion at happy ever after. RED FLAGS are toxic.
 

Similar threads

Back
Top