airforce123
Honorary Poster
- Joined
- Feb 21, 2017
- Posts
- 759
- Reaction
- 136
- Points
- 254
Post kayo paps ng mga personal experiences ninyo.
Personal experienced ko bata pa ako noon mga 6 years old ako. Sa Zambales kami nakatira noon, sa malamig at mabundok na lugar kung saan yun Acoje mines. Minero kasi father ko dun. Naaalala ko mga hapon nun naglalaro ako sa may sagingan, pinapatayo ko mga lata tapos babatuhin ko ng bato,ganun lang. Kinabukasan paggising ko hindi ko matanggal yun kumot sa paa ko,dumikit yun tela sa paa ko. Pagkatanggal ng kumot sobrang laking sugat sa binti ko yun bang namamasa masa,samantalang wala naman akong kasugat sugat bago matulog. Kahit anong gamot hindi gumagaling kahit pinadoktor na ako ng father ko, wala pa rin epekto. Sobrang sakit na noon hindi na ako makalakad until may nagsuggest sa father ko na magsaboy ng isang gatang na bigas sa may sagingan. Ginawa naman ng father ko sabay paghingi ng pasensiya sa kung ano man hindi nakikitang naroon. After nun, kinabukasan paggising ko, wala na yun malaking sugat maski marka ng sugat wala. Yun itsurang hindi ako nagkaroon ng sugat sa paa. Yan po personal experience ko. Salamat sa mga nagbasa kahit sobrang haba ng kwento.