What's new

Closed KUNG oras mo na, oras mo na! Iniwan na ni NBA superstar Kobe Bryant ang mundong malupit.

Status
Not open for further replies.

Virgie 2000

Addict
Joined
Jan 30, 2020
Posts
48
Reaction
7
Points
90
Age
45
Ang katotohanan ay papunta nga si Kobe sa isang basketball camp na kung saan ay kasali ang kanyang anak at coach nito si Kobe bago bumagsak ang helicopter sa hindi pa malamang dahilan.Mas malaki pa sa basketbol si Kobe at marami pa siyang magagawa upang kahit papaano ay patuloy na magkaroon ng pag-asa ang mundong balot sa kahirapan, trahedya, hindi pagkakaunawaan dala ng kawalan ng respeto sa isa’t-isa at ang hindi pagtanggap ng pagkakamali.
Minahal natin si Kobe dahil sa kanyang walang kapantay na pagiging agresibo, ang kanyang pambihirang work ethics na nagsisilbing challenge sa kanyang mga kasangga at mga katunggali. Hindi natin makalilimutan si Kobe sapagkat isa siyang ehemplo ng pagiging tunay na sportsman. May kaastigan ngunit may kababaang-loob si Kobe at handa rin siyang bigyan papuri ang mga kalaban na sa tingin niya ay tunay na mandirigma on and off the court.
‘’I’m sick right now’’ tweet ni Shaquille O’Neal na matagal nakatambal ni Kobe sa Lakers.
Sa mga eksperto ng basketball, hindi naman lihim na may nabuong alitan o rivalry sa pagitan ng dalawang superstars na ito ngunit hindi ito naging hadlang upang magkamit ng mga kampeonato ang Lakers. Dito mo makikita ang tunay na kahulugan ng pagiging propesyonal na alam naman nating hindi natin masasabi sa ibang manlalarong Pinoy.


Paalam, Black Mamba
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top