What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Help Mayroon pa ba ditong android game programmer?

nhidz13

Enthusiast
Established
Joined
Jan 23, 2017
Messages
192
Reaction score
98
Hello po mga lodi, gusto ko lang sanang humingi ng opinyon jan kung meron pong game developer dito. Sa dami ng big time companies at publishers ng android games, worth it pa ba magdevelop ng game for android ngayon lalo na kung indie dev ka lang?
 
aa1012

Addict
Native app dev here. Yeah that is my question upon diving into android mobile dev. kasi sobrang dami ng big cos na lalamon sayo kung individual dev ka lang e kaso hobby ko lang mag dev sa android kaya pinursue ko parin. native nga lang kasi di pa ako nag aaral ng hybrid tools at language like reactnative at flutter using dart.
 
mrHazan

Eternal Poster
, Last edited:
I think mas preferable na sideline ang game dev or hobby lang.
Its a job na walang kasiguraduhan lalo na kung indie.

Make your own living tapos gawa ka ng game. Get ideas from other games, implement new things ipost mo. Sa simula baka nasa 0-100 lang users mo. Then aralin mo paano ka kikita through games, pwede ads, pwede through in-game currency and lastly yung may kunting price yung game mismo.
SAka mo na gawing full time ang game dev kapag confident ka na sa mga games mo saka maganda performance like dami ng naglalaro etc.
Recommended to have a team. Hirap magsolo sa game development.
 
fireclouu

Addict
yup, worth it, kaso it takes too much time, saka kung ibig mo sabihin sa 'worth it' eh 'for career' , medyo alanganin kasi hindi pa malaki ang industry sa Pilipinas na gamedev talaga ang focus. pero kung passion mo talaga, tuloy mo lang :) karamihan sa mga sumisikat ngayong games eh indie devs gumawa, for example yung matagal nang "cave story" isang tao lang gumawa niyan, kaso almost 5yrs kasi almost all aspects ng game siya gumawa haha nakakainspire.
 
nhidz13

Enthusiast
Actually po may dinidevelop akong top down old school rpg, tagal na 'tong project na to, di ko lang nafu-fulltime na gawin. Sa tingin nyo po may chance pa ba ang ganitong klaseng game ngayon? hirap na kasing sumugal na tapusin to very time consuming, nakapanghihinayang nga lang. Ano sa tingin nyo po mga paps? sensya po SS lang ako meron.
 
Attachments

Sa totoo lang okay naman kahit ano.
Mapa RPG, tactics, sidescroll, 3D, 2D...Malalaman mo lang kapag pinalaro mo na sa mga users mo tapos nagbigay sila ng feedback. Make it short, let's say chapter 1 muna ganun.
Kapag maganda gameplay, maganda story, your users will demand for chapter 2. continuation. Kapag wala, move on sa ibang games. Be practical.
Mas maganda to have games para sa portfolio mo para kung plano mo na gawing full-time at mag apply ka sa companies marami kang mapakita. If gagawa ka ng sariling team, still to have games na pwede gawing reference, ang dali nalang gumawa ng new games, iimprove lang graphics, ittiweak lang yung codes.
 
Anong gamit mong framework dito? Hirap sumugal sa gantong tema ng game. Better switch sa mga short arcade games na magugustuhan ng mga users for a short time gaming. yung pampalipas oras na game lang kung baga.
 
aa1012

Addict
Also, if you really love developing in Android, maybe you want to stick to productivity apps development na lang kasi yan ang maraming demand. Lumalaki ang demand nyan ngayon sa market dito sa pinas. Look at LinkedIn and Jobstreet, ang daming vacancies for Android dev. both native and hybrid.
 
nhidz13

Enthusiast
Anong gamit mong framework dito? Hirap sumugal sa gantong tema ng game. Better switch sa mga short arcade games na magugustuhan ng mga users for a short time gaming. yung pampalipas oras na game lang kung baga.
Gamit ko libgdx Jan paps, Yun din nga naisip ko Na gumawa ng casual game lang Muna. Kaya sinantabi ko Muna Yan at may dinivelop akong casual game, less than a month ko ata ginawa at kakapublish ko lang ngayon sa play store. Ang kaso walang promotion Kaya Hanggang ngayon 0 install palang . Naisip ko tuloy na Malabo pag madalian lang ginawa :ROFLMAO:.
 
nhidz13

Enthusiast
Sa totoo lang okay naman kahit ano.
Mapa RPG, tactics, sidescroll, 3D, 2D...Malalaman mo lang kapag pinalaro mo na sa mga users mo tapos nagbigay sila ng feedback. Make it short, let's say chapter 1 muna ganun.
Kapag maganda gameplay, maganda story, your users will demand for chapter 2. continuation. Kapag wala, move on sa ibang games. Be practical.
Mas maganda to have games para sa portfolio mo para kung plano mo na gawing full-time at mag apply ka sa companies marami kang mapakita. If gagawa ka ng sariling team, still to have games na pwede gawing reference, ang dali nalang gumawa ng new games, iimprove lang graphics, ittiweak lang yung codes.
Ganyan din vision ko sa game yan, bale by chapters sya. Tulad ng sabi mo hindi na masyadong mahirap iimprove pag may release version na. Kaso sa tingin ko kahit beta nyan di ko mapapublish ngayong taon lalo na wala masyadong time magcode. Inaalala ko lang ang laki ng sacrifice kung sakaling tinuloy at nag fail.
 
aa1012

Addict
Gamit ko libgdx Jan paps, Yun din nga naisip ko Na gumawa ng casual game lang Muna. Kaya sinantabi ko Muna Yan at may dinivelop akong casual game, less than a month ko ata ginawa at kakapublish ko lang ngayon sa play store. Ang kaso walang promotion Kaya Hanggang ngayon 0 install palang . Naisip ko tuloy na Malabo pag madalian lang ginawa :ROFLMAO:.
What is your published game sir? pwede ko itry baka may ma feedback ako for the improvement.
 
nhidz13

Enthusiast
What is your published game sir? pwede ko itry baka may ma feedback ako for the improvement.
Sensya na paps nagkaproblema ung last update ko sa google play, try ko dinownload nagcrush sa cp ko. Inaayos ko pa atm. Search mo lang po datsgud sa playStore , di kasi lumalabas pag title ang i-search. Title nya "Shooting Marbles".
 
awing

Addict
Sinukuan ko na haha. May games nga akong katulad ng wordscape ala rin kinita sa play store. Buti pa sa licenses at game portals may kinita rin naman. Ginamitan ko yon ng phaser.js, may game din ako gawa sa unity.

Mahirap pag wala kang pang promote na pera.

Buti na lang monetised na ko sa YôùTùbé. Kahit kunti kumikita naman.
 
haha, tama ka. Naisip ko tuloy na ang game dev pampalipas oras lang talaga or hobby lang. Nasa play store pa ba yung gawa mo? pwede humingi ng link paps?
 
awing

Addict
Eto paps sa crazygames ko iniupload. May revenue share din diyan. Wag na sa playstore baka ma clickbomb haha. Pareplace nalang ng emoji ng period. Gusto ko pa nga sanang gumawa ng mga gusto ko don ako masaya kaso kelangan din kumita kaya sa yt muna ako.

https://www.crazygames:cool:com/game/crossword-connect

Edit:
Sa totoo lang mas malaki kinita ng game na yan dyan sa crazygames kesa sa playstore haha.
 
nhidz13

Enthusiast
thnx sa link paps. Dami mo nang naupload ah, team ba kayong gumagawa o solo lang? pa try ako ha, try ko rin leave ng ratings.
 
aa1012

Addict
Mas kikita ka talaga sa android kung productivity apps or company dev ka talaga. at hindi biro ang sahod ng android developer. mapa native or hybrid dev ka. pero solowista na game dev? nako, malabo. sa dami ng games ngayon e.
 
godwars777

Leecher
mahirap mag develop ng game/app pag mag isa kalng kasi ikaw lahat from concept, design, algo etc.
kahit sbhin natin magaling knang programmer time consuming parin pag mag isa kalng mag develop ng game(s) or app.

Kaya dapat pag isipan mo mabuti kung ung concept na e ddevelop mo is pasok or papatok sa panahon ngaun kc kung hindi masasyang lang ung time & effort na ggawin mo sa pag ddevelop, much better kung hhanap ka nalng ng Company hehe.
 
Online statistics

Members online
1,311
Guests online
1,542
Total visitors
2,853

Forum statistics

Threads
847,188
Messages
15,008,285
Members
1,367,782
Top