What's new

Closed Gitna/Middle

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,734
"GITNA"

Nandito ako
Nakatayo, nakatingin
Sa mga bituin na itinuro mo sakin
Mga bituin na nagbigay tuwa satin

Ngunit ako'y nabahala
Dahil pagtingin ko sa aking likuran
Ay may kulog at kidlat
Na tila ba nais akong saktan

Tiningnan ko ang aking lugar
Kung ako ba ay nasa tama
Ngunit ako'y nahinto
Dahil ako'y nasa gitna

Gitna ng Ulan at Bituin
Gitna ng saya at kalungkutan
Tama pa ba?
Na tingnan ko ang aking likuran?
O hayaan ko nalang na akoy matuwa
Sa aking nasa harapan

Ngunit aking napansin
Na unti-unti na rin,
Unti-unting nawawala ang bituin,
Unti-unting nawawala ang kasiyahan,
Na tinuro mo sakin

Kaya aking napagtanto
Na baka tinuro mo lang sakin ang mga bituin
Upang akoy sumaya panandalian
Ngayon ko lang din nalaman,
Na ako na lang pala ang naiwan
Sa lugar kung san mo tinuro ang kasiyahan
Salamat ngunit kailangan ko na ring iwan
Ang lugar kung san mo ko iniwan

Dahil ayoko ng maabutan pa
Ang bagyo na nasa aking likuran
Na nais akong saktan dahil wala ka na,
Dahil iniwan mo na akong mag-isa.



Inspired by Her😍😄

-Sorry walang magawa eh haha
 
Uwian ma may nanalo na eh, Congrats gwapo💯👏
Pansin ko lang laging may lambong ng bitterness ang rhyme mo gwapz,,,hmmmm?
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top