What's new

Closed Buti na lang

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
Sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala pero minsan ayoko maniwala sa ganong kasabihan kasi minsan parang hindi totoo…parang lang naman. Mas naniniwala ako sa kutob sa totoo lang, bakit ko nasabi? Simple lang ang sagot tungkol dyan hayaan niyong ikwento ko ang karanasan ko sa isang bagay na nangyari ng hindi inaasahan.

Nangyari ang sinasabi ko last October lang pagkatapos ng fiesta dito samin, ganito yan may nakilala akong bagong kaibigan na pinakilala sakin ng kaibigan ko nung time na pumunta kami sa bahay ng bagong nakilala niya, bago pa dumating ang fiesta eh nagimbita na siya na pumunta kaming dalawa ng kaibigan ko, di na ko nagdalawang-isip agad ayun oo na lang ang sagot ko hindi dahil may food trip, gusto ko lang umalis sa bahay dahil sigurado madaming dadayo sa bahay para maki-fiesta buti na lang nagsabi agad ako na walang handa kaya nga-nga lahat ng kaibigan ko hehehe…

Bago pa ko makapunta sa bahay ng nagimbita sakin eh may nangyari na hindi inaasahan, biglang nagpasama sakin yung pinsan ko na pumunta sa ospital para ihatid ang biyenan niya dahil sa blood transfusion dahil bumaba ang hemoglobin kaya kailangang i-admit, ilang oras din akong naghintay para makarating sa kwarto na tutuluyan ng biyenan ng pinsan ko, ilang beses ko narin pinipigilan ang pwet ko dahil talagang kanina pa gustong magkaron ng gera sa tiyan ko dahil nagkaron ako ng diarrhea dahil napainom ako nung bisperas ng fiesta hahaha….alas 5 na kami nakauwi ng pinsan ko kaya nung nakauwi ako sa bahay ay nagmadali akong lumabas at dumiretso sa bahay ng bagong nakilalang tao dahil kanina pa nila ko hinihintay pero nagtext naman ako sa kaibigan ko na male-late ako ng dating dahil nasa ospital pa ko kaya ayun late nga ko nakarating, nung saktong andon na ko sa bahay nung nagimbita sakin ay pumunta agad kami sa kusina para kumuha ng pagkain syempre self-service kaya ayun namili ako ng pagkain pero di ko dinamihan kasi baka magkaron na naman ng gera sa tyan ko, nagulat yung kakilala ko kung bakit konti yung kinuha ko ang sabi ko lang hindi na ko nakain ng marami saka sinabi ko na busog pa ko para hindi na ko kulitin ulit pero ang totoo eh nagdahilan lang talaga ko.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain sa sala ay dumiretso agad kami sa kwarto niya at alam kong andon yung kaibigan ko at may nakita pa kong isang bisita nung nagpapunta sakin pero alam ko na yun kasi nung nasa ospital palang ako eh ka-text ko na yung kaibigan ko at sinabing may naghihintay sakin, cess ang pangalangan ang reply ko lang “weh di nga?”

Okay balik na ulit sa kwento, nung andon na ko sa loob ng kwarto at bago pa ko makaupo eh pinakilala agad ako ng kaibigan ko kay cess, ngiti lang ginawa ko na kunwari shy type na may kasamang kaway pa, maya-maya umupo na ko sa couch saka kumain pero mabagal ang kain kasi baka isipin nila na patay-gutom ako, kapag nagtatanong si cess at yung nag-invite sakin napapahinto ang kain ko syempre kabastusan na kapag di ako huminto buti na lang madali lang yung tinatanong nila sakin kasi too much familiarity, nabanggit nila na nag-enroll pala silang dalawa sa boxing gym na pinanggalingan ko kaya nakwento ko yung mga naranasan kong torture dati kaya tawa sila ng tawa sakin, kwentuhan, tawanan at may picture taking pa saan ka pa. Nabanggit ng kaibigan ko kay cess at sa nagimbita samin sa fiesta na natakbo ko kaya nagulat silang dalawa.



Itutuloy...
 
“tuwing anong oras ka natakbo?” si cess
“depende eh pero madalas sa hapon para di mainit pero minsan sa umaga kaso kailangan maaga akong tatakbo para hindi gaanong mainit”

“ah ganon ba? Eh bukas tatakbo ka” si cess
“oo, sa umaga ulit para matunaw yung kinain ko”

“bukas ng umaga nasa gym kami, daan ka don ha?” si cess
“mga anong oras ba?”

“mga 8 or 9 ng umaga andon na kami” si cess
“ganon ba? sige daan ako tapos na ko tumakbo ng 8 panigurado”

Medyo lumalalim na ang gabi kaya nagpaalam narin si cess sa naginvite sakin kaya nagpaalam narin kaming dalawa ng kaibigan ko kaya sabay kaming tatlong umalis sa bahay, habang naglalakad tinanong ko kung saan siya nauwi, sinabi naman niya kung saan maya-maya humirit yung kaibigan ko.

“hatid ka dawn ni mandy cess”

Pareho kaming napatingin ni cess sa sinabi ng kaibigan ko, si cess parang napaisip ng konti sa sinabi ng kaibigan ko, tinanong ko siya agad kung may pupuntahan pa siya, ang sabi niya wala kaya.

“kung okay lang sayo, hatid na kita”

Pumayag naman siya kaya sumakay na kami agad ng tricycle, akala ko hanggang sa labasan lang pero sinabi niya na idiretso na sa bahay nila kaya napaisip ako, sigurado mas mataas ang singil ng driver kasi special trip na yun kaya nag-suggest agad ako.

“hati na lang tayo sa pamasahe para makatipid ka”
“hindi okay lang”

“sure ka?”
“oo naman”

Pagkatapos nun di na ko umangal pero nakakahiya, biro mo babae pa nanlibre sakin ng pamasahe. Bago pa kami makarating sa kanila eh pinara na agad niya yung tricycle at kami’y bumaba na, nagbayad siya pagkatapos ay umalis na agad yung sinakyan naming tricycle, tinuro niya kung saan ang bahay niya, maya-maya.

“uy paano, una na ko inaantok narin ako” si cess
“sige text text na lang kaso di ko alam number mo”

Pagkatapos nun nilabas ko agad yung phone ko, nagpatawa pa ko ng konti ewan ko lang kung natawa nga siya.
“okay ano number? Okay lang di naman makukuha tong phone ko” sabay ngisi

Maya-maya’y sinabi niya agad yung number niya, buti na lang mabilis ako magtype pero syempre double check muna para sigurado mahirap na at baka magkamali ako hehehe….maya-maya’y nagpaalam na siya syempre ganon din ako, habang naglalakad pauwi papunta sa sakayan ng jeep ay bigla akong nagtext sa kanya.

“salamat sa time”

After two minutes

“thanks sa paghatid, see you tomorrow”

After ko mabasa ang reply niya sumakay na agad ako ng jeep pauwi sa bahay, akala ko maaga ako makakatulog pero nagkamali ako, kasi nawili ako sa mga kausap ko thru online, sabihin na natin na sa forum world kaya madalas akong puyat pero 2 am natulog na ko at nag-set ng 6 am sa alarm para makatakbo ako sa umaga, kahit alam kong bawal tumakbo ng kulang sa tulog pero balewala sakin basta sa ngalan ng pag-ibig gagawin ko ang lahat hehehe…

Kaya kahit tinatamad pa bumangon parin ako para makatakbo kaso 6:20 na ko natakbo kasi naghilamos pa ko tapos nag-stretching sa bahay para hindi pulikatin habang natakbo, habang natakbo ay wala akong iniisip kundi matapos ang pagtakbo ko ng maaga para hindi ako abutan ng init dahil nung huling takbo ko ay halos sumakit ang ulo ko dahil sa init kasi naman quarter to 9 na ko natapos kaya ayun sobrang init.

Okay balik sa kwento, maaga akong natapos sa pagtakbo habang naglalakad ako pabalik ay tinignan ko agad yung phone ko sakto may text pala ko at dali-dali kong binasa agad yung message, text galing kay cess.

“good morning, andito na kami sa gym natuloy ka sa jog mo?”
“sakto ang text mo, kakatapos ko lang tumakbo naglalakad na ko pabalik”

“okay, daan ka dito sa gym”
"sige daan ako dyan maya-maya”

Pagkatapos kong mag-reply ay nagmadali akong naglakad papuntang 7-11 dahil talagang nauuhaw ako, pagkapasok ko palang sa 7-11 tinignan ko agad yung oras, quarter to 8 palang kaya nagulat ako kasi akala ko mahigit dalawang oras yung jogging ko yun pala’y hindi pero okay lang ang mahalaga nakapaglabas ako ng pawis kahit papano hehehe….nang nalaman ko na yung oras ay dali-dali akong pumunta sa beverage section para bumili ng tubig dahil talagang uhaw na uhaw ako pagkatapos ay dumiretso sa cashier para magbayad pagkatapos ay umalis na.

Itutuloy...
 
Habang naglalakad papuntang gym ay ramdam na ramdam ko ang bawat lagok ko ng tubig dahil sa sobrang uhaw at walang hinto ang pagpatak ng pawis dahil sa init buti na lang may suot akong sweat shirt na makapal pero mainit parin, sakto nung naubos ko na yung tubig na binili ko eh nasa tapat na ko ng gym at dali-daling umakyat, nung malapit na ko sa pinto saktong andon yung kabigan ni cess at nag hi sakin, ako syempre ngiti lang ang ginanti ko at nagkamustahan saglit, sakto andon din yung dating trainer ko kasama yung kabigan ni cess at nagpapahinga sila saglit dahil kakatapos lang ng circuit training sa loob ng gym, kakaakyat ko palang eh tinanong na agad ako nung kaibigan ni cess.

“Tapos ka na tumakbo?”
“Oo, tapos na ko tumakbo nung nagtext si cess kaya dumiretso agad ako dito akala ko hindi ako maabutan ng sobrang init eh naabutan ako kaya ang sakit ng ulo ko”

“Bakit, anong oras ka ba tumakbo kanina?”
“Mga 6:30 kaso naabutan parin ako ng init eh kailangan talaga mga 5:30 palang tumakbo na ko kaso madilim pa yun eh”

“Andyan si cess sa loob”
“Ah ganon ba?”

Nung sumilip ako sa loob ng gym sakto nakita ko si cess naglalabas din ng pawis sa circuit training at nakita niya ko agad kaya.

“Hi”
“Hello, kaya pa ba?”

“Oo kaya pa”
“Sa una lang mahirap yan pero pag nasanay ka na, wala na yan”

“Oo nga, sabi nga nila, kanina ka pa?”
“Hindi, kakarating ko palang”

“Okay”

Pagkatapos ay lumabas saglit si cess kung saan andon ako pati yung kaibigan niya at yung isang dati kong trainer para magpahinga at makipag-kwentuhan saglit pero bago dumating sa ganong tagpo ay tinext ko agad yung kabigan ko, nung bago pa lumabas si cess para magpahinga ay andon na yung kaibgan ko kaya apat kaming nasa labas ng gym malapit sa pinto at naguusap, tinanong agad ako ni cess tungkol sa nangyari bago ako pumunta ng gym.

“Uy kamusta ang jogging mo?”
“Eto pawis at masakit ang ulo”

“Hala bakit naman?”
“Naabutan kasi ko ng sobrang init eh maaga naman ako gumising kanina kaso 6:30 na ko nakatakbo kasi nag-stretching pa ko sa bahay para hindi ako pulikatin”

“Saka tunaw na lahat nung kinain ko nung fiesta hehehe…nailabas ko na kanina lang” sabay ngisi

Natawa na lang si cess pati yung kaibigan niya dahil sa sinabi ko, nagpakatotoo lang talaga ko sa totoo lang eh anong magagawa ko eh ganon talaga ko kung makipagusap sa tao.

Bigla kong tinanong si cess at yung kaibigan niya habang andon kami sa labas ng gym kasama yung dating trainer at yung kaibigan ko pero sila yung magkausap nung tagpong yun.

“Anong oras kayo pumunta? Kasi nung napadaan ako kanina habang natakbo sarado pa yung gym eh”
“Mga 7:30 kami dumating, kaya nung nagbukas yung gym eh umakyat kami agad”
“Ah halos magkasunod lang pala tayo kasi quarter to 8 tapos na ko tumakbo kanina hehehe…”

“Oo nga eh”
“Hehehe…”

“Teka, balik na ko sa loob para matapos na agad yung circuit training”
“Sige”

Habang naglalabas ng pawis si cess sa loob ay kausap ko yung dating trainer ko pati yung kaibigan ko, as usual walang humpay na kwentuhan at tawanan, isama mo pa ang asaran.

Matapos ang ilang oras na pagpapalabas ng pawis ni cess ay nag-ready na siya para umuwi, nagualt ako dahil hindi na siya nagpalit ng damit pati yung kaibigan niya ganon din ang ginawa kaya lumabas na agad siya, yung kaibigan ko naiwan sa gym kaya nagpaalam narin ako para umuwi dahil ramdam ko yung pagod at amoy pawis narin ako.

Sinamahan ko si cess at yung kaibigan niya na maghanap ng tricycle na sasakyan nila, sinabi ko na sasabay ako kaya sa back ride ako sumakay, habang tinatahak ang daan papuntang labasan at tinanong ako ng kaibigan ni cess.

“Saan ka pala bababa?”
“Sa labasan narin magbabayad pa ko ng bill”

“Ay ganon ba? ikaw bahala”

Maya-maya ng madaanan yung isang kanto.

“Diyan ako banda”
“Ah malapit ka lang pala”

“Oo, kaya nga sa bandang southwoods ako natakbo para may challenge ng konti hehehe….”
“Buti sanay ka na”

“Nung una hindi eh pero unti-unti yung ginawa ko kaya ayun kaya ko na ngayon”
“Sabagay mahirap naman talaga sa una”

Maya-maya pa’y pinara saglit ng kaibigan ni cess sa kanto yung tricycle at nagpaalam na saming dalawa kaya lumipat ako ng pwesto at umupo sa loob kaya katabi ko si cess, as usual tinanong na naman ulit ako.

“Saan ka pa pupunta?”
“Sa labasan magbabayad ng bill pero may pupuntahan muna ko saglit”

Akala ko sa mismong babaan ng tricycle lang hihinto yung sinakyan namin pero sinabi ni cess na idiretso ng driver sa shopwise, nang andon na kami sa shopwise ay nagbayad na si cess na ikinagulat niya.

“Manong kulang yung sukli mo”
“Pag diretsong labasan special na kahit tatlo lang kayo, dose ang isa”

Hindi na nagsalita pa si cess pagkatapos ay umalis na kami, habang naglalakad.

“Yaan mo na, may mga ganon talagang tao”
“Oo nga eh madaming magulang pagdating sa pera”

“Kaya nga pag ganon hindi iniiwasan ko na lang kasi ayokong mapa-away”
“Huh? Bakit ka naman naiwas”

“Kasi nung high school ako lagi akong napapa-away sa tricycle driver dahil sa pamasahe, waste of time lang kung makipagtalo pa ko sa kanila kaya naiwas na lang ako”
“Sabagay”

Habang nag-aabang kami ng jeep at sakto may huminto.

“Saan ka ba?”
“Wala, sasabay sayo hatid muna kita saglit”

“Okay” sabay abot ng bayad pero pinigilan ko
“Ako na, para mabaryahan yung pera ko”

“Okay, thank you”

Maya-maya’y nagbayad na ko sa driver, habang nasa biyahe tuloy ang kwentuhan naming dalawa kahit yung ibang pinaguusapan namin eh wala na sa talagang pinaguusapan namin, maya-maya pa ay bumaba na kami pero nauna siya sakin kaya bumaba agad ako, nung saktong tatawid na kaming dalawa malayo palang sumenyas na ko sa paparating na sasakyan kaya nagsalita na naman si cess.

“Ang layo pa nung sasakyan sinesenyasan mo na” sabay ngiti
“Mabuti na rin yun para hindi siya humarurot bigla saka para alam din niyang may tatawid”

Nang nakatawid na kaming dalawa ay naglakad kami papunta sa kanila, walang kibuan dahil baka mabangga pa kami ng mga dumadaang sasakyan, siya yung nauunang naglalakad samantalang ako nasa likuran niya, nang malapit na kami sa bahay nila.

“Uy paano pasok na ko sa bahay”
“Sige, text text na lang”

Pagkatapos ay bigla na siyang pumasok sa gate nila, hinintay ko siyang makapasok sa gate nila pagkatapos ay umalis narin ako, habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep narinig kong may nagtext sakin pero hindi ko agad binasa dahil wala lang, tamad lang ako magbasa ng text minsan hehehe…

Nang nakarating na ko sa bahay saka ko lang nalaman kung sino yung nagtext sakin.



Itutuloy...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top