What's new

Closed Ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa pasko?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
502013126_univ_lsr_xl.jpg

Ang sagot ng Bibliya
Hindi sinasabi ng Bibliya ang petsa kung kailan ipinanganak si Jesus, at hindi rin nito iniuutos na ipagdiwang natin ang kaniyang kaarawan. Sinasabi ng Cyclopedia nina McClintock at Strong: “Ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi iniutos ng Diyos, ni nagmula ito sa BT [Bagong Tipan].”

Kung susuriin natin ang pinagmulan ng Pasko, malalaman nating nag-ugat ito sa paganong mga ritwal. Ipinakikita ng Bibliya na nagagalit ang Diyos kapag sinasamba natin siya sa paraang hindi niya sinasang-ayunan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang pinagmulan ng mga kaugalian sa Pasko
  1. Pagdiriwang ng kaarawan ni Jesus: “Hindi ipinagdiwang ng sinaunang mga Kristiyano ang kapanganakan [ni Jesus] sapagkat itinuturing nila na ang selebrasyon ng kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano.”—The World Book Encyclopedia.

  2. Disyembre 25: Walang katibayan na sa petsang ito ipinanganak si Jesus. Malamang na pinili ito ng mga lider ng simbahan para tumapat sa paganong mga kapistahan na ipinagdiriwang sa panahon ng winter solstice.

  3. Pagbibigayan ng regalo, handaan, party: Sinasabi ng The Encyclopedia Americana: “Ang Saturnalia, isang kapistahang Romano na ipinagdiriwang sa kalagitnaan ng Disyembre, ay nagsilbing parisan ng maraming kaugalian ng pagsasaya sa Pasko. Halimbawa, hinango mula sa pagdiriwang na ito ang magarbong pagpipista, ang pagbibigayan ng mga regalo, at ang pagsisindi ng mga kandila.” Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na tuwing Saturnalia, “inihihinto ang lahat ng trabaho at negosyo.”

  4. Christmas light: Ayon sa The Encyclopedia of Religion, dinedekorasyunan ng mga taga-Europa ang kanilang bahay “ng mga ilaw at iba’t ibang uri ng evergreen” para ipagdiwang ang winter solstice at itaboy ang masasamang espiritu.

  5. Mistletoe, holly: “Naniniwala ang mga Druid na may kapangyarihan ang mistletoe. Sinasamba ang evergreen na holly sa pag-asang babalik ang araw.”—The Encyclopedia Americana.

  6. Christmas tree: “Ang pagsamba sa puno ay karaniwan sa mga paganong Europeo at nagpatuloy kahit noong nakumberte na sila sa Kristiyanismo.” Halimbawa, kaugalian pa rin nila na “maglagay ng Yule tree sa pasukan o sa loob ng bahay sa panahon ng mga kapistahan sa taglamig.”—Encyclopædia Britannica.
 

Attachments

Haha sabi na yun magiging komentong iba. Dahil wala naman pakialam ang tao sa dios haha kung ano magpapasaya aa kanya yun ginagawa nya. Haha
 
Haha sabi na yun magiging komentong iba. Dahil wala naman pakialam ang tao sa dios haha kung ano magpapasaya aa kanya yun ginagawa nya. Haha
anong wala? as long as wala kang ginagawang masama. yun ba ang walang pakialam o takot sa diyos? ayokong makipag debate o argumento dahil talo ako dyan at konti lang alam ko sa bibliya pero eto lang masasabi ko sayo isa ka ring maruming tao
 
anong wala? as long as wala kang ginagawang masama. yun ba ang walang pakialam o takot sa diyos? ayokong makipag debate o argumento dahil talo ako dyan at konti lang alam ko sa bibliya pero eto lang masasabi ko sayo isa ka ring maruming tao
yan ng problema eh. magkomento kalang na di sang ayun sa paniniwala nila. maling mali kana. maling aral na religion mo.. nakakatawa lang sila.
 
Hayaan mo silang magsuri ts , kung silay naghahanap talaga ng totoo makakasumpong sila,
Hindi ako naniniwala sa pasko ts dahil binabase ko sa bible ang totoong kapanganakan ng Panginoon pero Ok din naman ang pasko ts ang mga tao nagbibigayan tapos may mga bunos pa sa trabaho hehe
Malaki din impluwensya ng pasko na e indulge ang mga tao sa paggawa ng mga bagay nakakapagpasaya sa kanilang kapuwa kahit magkaiba ng paniniwala ang involve sa okasyong ito sabay lang sa agos ts pero dapat matalino kang makisama

Ganito lang yan ts GO WITH THE FLOW
Ibigay ang hilig para walang ligalig.. pero ts ang turo ng Panginoon sa mga tunay na Kristyano ay ganito

Mateo 10:16 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.

Makisama ka ng maayos sa iyong kapuwa ts kung ikaw sa paniwala mo nasa tunay kang pananampalataya, mahihikayat mo sila siguro sa iyong pananampalataya kung marunong kang makisama sa kanila , hindi natin sila kalaban ts dapat nga pakitaan natin sila ng pananampalatayang itinuro sa atin ng mga salita ng Dios sa Biblia
 
Last edited:
Sumasang-ayon ang ilan na ang mga kapistahang gaya ng Pasko ay may paganong pinagmulan, ngunit nadarama pa rin nila na hindi naman maling ipagdiwang ang mga ito. Sa katunayan, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa huwad na pagsamba kapag ipinagdiriwang nila ang mga kapistahan. Ang mga okasyong ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga pamilya na magsama-sama. Ganiyan din ba ang nadarama mo? Kung oo, malamang na pag-ibig sa pamilya at hindi pag-ibig sa huwad na relihiyon ang waring nagpapahirap sa iyo na manindigan para sa tunay na pagsamba. Makaaasa ka na nais ng Diyos, ang isa na nagpasimula ng pamilya, na magkaroon ka ng mabuting kaugnayan sa iyong mga kamag-anak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ngunit maaari mong patibayin ang gayong mga buklod sa mga paraang sinasang-ayunan ng Diyos. May kaugnayan sa bagay na dapat maging pangunahin sa atin, sumulat si apostol Pablo: “Patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

1102005146_univ_cnt_2_md.jpg
Kakainin mo ba ang isang kendi na napulot sa kanal?

Maaaring nadarama mo na ang pinagmulan ng mga kapistahan ay wala namang kaugnayan sa paraan ng pagdiriwang sa mga ito sa ngayon. Talaga bang mahalaga kung saan nagmula ang mga kapistahan? Oo! Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na nakakita ka ng isang kendi sa kanal. Pupulutin mo ba ang kending iyon at kakainin ito? Siyempre hindi! Marumi ang kending iyon. Tulad ng kending iyon, ang mga kapistahan ay waring kanais-nais, ngunit napulot ang mga ito sa maruruming lugar. Upang makapanindigan para sa tunay na pagsamba, kailangan nating magkaroon ng pangmalas na kagaya ng kay propeta Isaias, na nagsabi sa tunay na mga mananamba: “Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Yan ang masama sa masyading matalino
Masyado umaasa sa kaalaman ng iba
Imbis na unawin nyu ang Encyclopedia
Bat kaya hnd nyu nlang unawin ang iba.. .

Kung may naglagay ng puno sa pintuan
At sinabi nyang pagsamba yun sa puno
At ginawa ko din na maglagay ng puno sa
Pintuan ay ibig sabihin magkaparehas na ng
Kahulugan.. .
Hindi ba pwedeng nagtatanim lang.. .
 
Ang mga saksi ni jehova ay hindi naniniwala sa Pasko, pero pag ang kapit bahay maraming handa, nakikikain naman sila. mga abnormal.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 39
    Replies
  • 4K
    Views
  • 20
    Participants
Last reply from:
onoka

Online statistics

Members online
1,212
Guests online
5,488
Total visitors
6,700
Back
Top