What's new

Closed Dear jarred raymond perez

Status
Not open for further replies.

yzelglen

Forum Veteran
Joined
Jan 9, 2016
Posts
1,646
Reaction
2,367
Points
631
Halos isang taon din nung huli tayong nagkita.
Halos isang taon nung huli tayong nagkasama.
Magkatabi sa higaan, nag-usap ng harapan.
Halos isang taon din nung huli kong nakitang tumatawa ka.

Napakaganda nung gabing iyon.
Naghaharutan kayo ng anak mo.
Pinapanood kitang patulugin siya kahit di mo alam kung paano.
Kayo lang dalawa, kahit nakikipag-inuman ka.

Nung natutulog na kayo, pasikreto kong ginigising ang anak natin.
Gusto kong malaman kung paano mo siya asikasuhin.
Kinuha mo siya, tinatapik ang pwet.
Nakadapa siya sa ****** mo habang tulog kayo.

Pagkagising ng anak mo ako naman nag-asikaso.
Pinabayaan kitang matulog kahit ako naman talaga ang di nakatulog.
Nung gabing yun tinitignan ko lang kayo.
Sa wakas pagkatapos ng isang taon magkasama ulit kayo.

Nag-iisip ako nung gabing iyon.
Paano kung hindi tayo nagkaganito?
Isa tayong buong pamilya.
Siguro mas masaya, magkasama kayo araw-araw.

Pero napagtanto ko, may iba ka na pala.
May anak din siya, babae pa.
Kaya siguro pinili mo siya dahil babae ang gusto mong anak.
At parehas kayo ng bisyo, siguradong magkakasundo kayo.

Nung pauwi na kami, hinatid mo kami.
Bumili ka ng gatas ng anak mo para pambawi mo.
Ikaw bumuhat sa kanya para di ako mahirapan.
Ikaw din ang bumili ng pagkain niya para sa byahe.

Nauna akong naglakad dahil ayaw kong makita mo akong naiiyak.
Gusto ko din makita mo kung gaano na ako kapayat.
Na sana maisip mong itong babaeng ito ang nahihirapan na.
Na kailangan ka niya hindi lang para sa anak kundi para sa kanya.

Pero sino nga ba ako?
Isa lang akong di hamak na na-anakan.
Walang plano, walang patutunguhan.
Pilit na binabangon ang sarili sa kasalanan.

Kasalanan na parati kong nakikita.
Panghihinayang na parati kong nararamdaman.
Sakit ng puso na hindi maintindihan.
At isang buhay na hindi ko maiwan.

Pagkasakay namin, nagpaalam ka na.
Hinalikan mo siya sa noo at yinakap.
Umalis ka kaagad ng walang pag-aalinlangan.
Hindi mo man lang ako tinignan, o kahit konting ngiti man lang.

Pauwi nanaman kami at pabalik tayo sa dati.
Di mo nanaman ako kakausapin o kahit kamustahin.
Kahit tawagan mo lang ang anak mo, pakinggan ang kanyang boses.
Dahil nga ibang boses na ang gusto mong pakinggan.

Ito nanaman ako, nalilito.
Akala ko nakalimot na ako pero mukhang nagbabalik muli.
Ang aking pag-ibig sayo na pilit kong linalabanan.
Pero tuwing nakakasama kita lahat ng ito nagsisibalikan.

Ang sakit at tamis ng pagmamahal.
Ang mga ngiti at iyak na aking naranasan.
Lahat ng masasaya at mapapait ng nakaraan.
Na hindi ko na mararanasan dahil mayroon ka nang iba.

Sana sa susunod na ating pagsasama,
Iba naman ang magaganap.
Hindi lang ang anak mo ang iyong bibigyang pansin.
Sana ako din.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top