What's new

Help 277 per day ang sahod sa isang Local Government

War-War

Eternal Poster
Worth it kaya yung 277 na sahod sa isang LGU dito samin? bali iba kase ang rate pag sa Job Order 500 pesos pag contractual ata tawag dun 277 or 6000 sa isang buwan.
Inimagine ko yung pamasahe ko is mga 50 sa isang araw tas bili ako ng ulam mga 20 pesos so 200 nalang per day. Tapos ang trabaho ko pa is mag aayos ng PC mag aasist ng tao sa pag gamit ng computer , mag nenetwork pa , mag dedesign pa ng tarpaulin, mag mamaping pa (parang google map, ARC Gis gamit) at marami pang gagawin tas yung magiging kasamahan ko is 500 ang rate parang lugi naman ata ako.

Update kinuha ko na yung trabaho sa LGU namin 277 a day eh wala eh. Pero Good news under probation ako as a Virtual Assistant at WFH setup din Technical support ako saka baka magiging programmer din in the future . 2 weeks probation ako day 1 ko ngayon sana maka pasok at makapag resign na sa LGU
 
Last edited:
eto yung reyalidad sir. ganyan talaga dito sa pinas. aabusuhin ka sa trabaho pero kakarampot ang sweldo. kung may tumanggap man nyan no choice na yun at gusto lang maging practical. mas okay nga naman yan kesa wala. hehe.
 
Yan talaga mahirap pag local government ang baba, sali mo pa contributions okay nga sa benefits pero halos wala ng matitira sayo kaya nga di ako nagpatuloy sa pagtuturo. Buti nalang ngayun kumikita akong 1k per day. God is good and generous all the time for giving me what I have today.
 
akin na lang ts kung ayaw mo sa trabajo mo. 😂 ✌️ ako dating nag wwork sa LGU.di lang narenew plantilla ko last year. hanggang ngayon tengga. hirap na din makabalik sa LGU namiun kasi walang budjet. ilang beses na rin akong napakag usap na mga tauhan at mga kakilala, pero wala parin. dream job ko panaman yang ginagawa mo..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
luging lugi, :( ibased mo skills mo sa rate, tingin mo 277 pesos ka lang? ganun dapat ang isip, saka wala na tayong magagawa sa mga rate ng mga lgu dahil yun na based nila since nag simula sila, hindi mayaman sa pera ang bansa natin, sa utang oo.
 
Mag apply ka sa mga magandang company, programmer ka kamo di ba? Ang rate ng mga programmer nag rarange between 15k to 30k a month. Gamitin mo yang pinag aralan mo as a programmer wag kang papaluko sa mga corrupt na LGU, sila ang mga nangunguna sa corruption.
 
Back
Top