Tingin ko di super helpful ng 12:12 fasting agad.
SKL Mataba din ako dati (90+ kg) ngayon around 70 nalang ako, 7 month progress.
Nag start ako nung april, di ako totally nag cut ng rice since mahirap. Ginawa ko paunti unting bawas sa rice since umaga, tanghali gabi kanin kinakain ko. Hanggang sa naging 2 rice per day nalang vege salad/hard boil egg sa gabi or umaga -> 1 rice per day (lunch) nalang.
Di din naman ako strictly nag monitor ng calorie intake. Ang tinganggal ko lang talaga sa mga madalas ko kinakain is; Sugary drinks and foods like softdrinks and candies, junk foods, and fried/processed foods.
Exercise kahit 10-30mins a day, Drink LOTS of water throughout the day, and disiplina lang sa pagkain.
Also okay din kung may cheat day ka per week. And BE CONSISTENT kung may meal/diet plan ka.