What's new

Poll Your stand about vaccine?

Ayos lang sakin ung vaccine pero ayoko pa magpaturok, hintay muna ako ng mga ilang taon para masabi kong safe,Ang ayaw kulang ung no vaccine no ride dami kasing kawawa😭
 
Last edited:
Pareho.. nagkakaroon lang naman kasi ng pagtatalo dahil sa hindi tamang pagbibigay ng mga karapatang pantao ng Gobyerno. Gumagawa sila ng mga restrictions na pabor lng sa kanila at ang nagiging kawawa ang mga hindi bakunado. Mapipilitan ka na lang magpabakuna ngayon dahil sa trabaho ganyan ang resulta sa ginawa nilang restrictions..

Bakit nga ba gusto ng Gobyerno na mapabilis ang pagbabakuna? Para daw sa kaligtasan ng lahat? Hindi.. minamadali na ng Gobyerno ang pagpapabakuna para makabangon na muli ang ekonomiya at para maaabot ang HERD immunity.. na malabong maging immune tayong lahat sa virus.. Yan lng pinanghahawakan ng gobyerno ang bakuna sa ngayon..

Restrictions ibig sabihin nyan sapilitan.. yung mga pabor sa bakuna huwag na kayo makisawsaw pa sa mga maling hakbang ng Gobyerno.. relax na lng kayo i-enjoy nyo na lang ang special treatment sa inyo..😅

All we need is LOVE? Ang kailangan natin ngayon unawa sa isa't isa at kaalaman. Unawa para maiwasan ang pagtatalo. Kaalaman na hindi sagot ang bakuna para magwakas ang pandemyang ito.
 
Ayos lang sakin ung vaccine pero ayoko pa magpaturok, hintay muna ako ng mga ilang taon para masabi kong safe,Ang ayaw kulang ung no vaccine no ride dami kasing kawawa😭
Maging ako naghihintay ng ilan years. Mas ok na un safe kesa sorry. Short term pa nga lang may adverse effects na eh.
 
Magpabakuna. Di lang para sayo kundi para rin sa ibang tao. Wag maniwala sa mga conspiracy dahil di niyo yan kinatalino.
 
Magpabakuna. Di lang para sayo kundi para rin sa ibang tao. Wag maniwala sa mga conspiracy dahil di niyo yan kinatalino.
mawalang galang pero hindi tayo pare-pareho ng response ng katawan sa bakuna, buti sayo walang negatibong epekto, pero marami na ang nagkaron ng hindi magandang epekto sa katawan, ung iba kinamatay pa. sa tingin mo conspiracy pa yun? nalaman mo ng may namatay sa bakuna, tuloy ka pa rin sa pagpapaturok? willing ka naman sumugal at magpaturok ng EXPERIMENTAL VACCINE(sinabi na sa simula pa), choice mo yun. Minsan kasi kelangan din palawakin ang pag iisip, hindi yung porket may conspiracy, yun lang pagbabatayan.
 
Pabor. naka pag booster dose (3 times vaccinated) na ako. masasabi ko na may mga negative effect sya talaga. sumama pakiramdam ko na parang tatrangkasohin ako pero inum lang talaga ng paracetamol before and after. base lang to sa experience ko. kasi sa totoo lang. iba iba talaga epekto ng vaccine sa bawat tao. naranasan ko mag positive sa covid pero hindi sya ganun kalala na need iospital. kaya masasabi ko kahit na sakitin ako, tumaas ang resistensya ko laban sa covid.

anyway, regarding naman sa pinas. mali talaga yung pwersahan. sana binigyan nila ang tao ng karapatan na mamili.
ingat at goodluck sa ating lahat
 
Ayos lang sakin ung vaccine pero ayoko pa magpaturok, hintay muna ako ng mga ilang taon para masabi kong safe,Ang ayaw kulang ung no vaccine no ride dami kasing kawawa😭
Sa science alam Ng karamihan satin unless ung mga natutulog s klase nun bout "scientific method" ..process of proving hypothesis is by means of experiments..then we are those specimen to be experimented before making a conclusion if its success or failed..pwede din controlin ang data n lumalabas depende s sitwasyun
 
Back
Top