- Joined
- Feb 26, 2019
- Posts
- 261
- Reaction
- 7,758
- Points
- 940
Napapagod na ako sa mga nangyayari sa akin. Sa totoo lang, napapagod na ako sa trabaho ko. Hindi lang sa trabaho mismo, kundi pati na rin sa mga kasama ko dito. Papasok ako nang masaya, pero uuwi ako nang ayaw ko na. Hindi ko naman gustong iwanan yung trabahong to' dahil bukod sa maganda, marami ring benepisyo at malapit pa ito sa pamilya ko. Kaso talagang napapagod na ako at nawawalan na ako ng gana. Tapos, may mga taong sasabihin pa sa akin na walking red flag ako kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Hindi ko alam kung ang dahilan ng pagkawala ko ng gana ay ang trabaho mismo o ang kultura dito sa trabaho.