What's new

Cheat Why I stopped using FakeCez Mod for Mobile Legends and why you should stop too

juanmagdalo

Enthusiast
Joined
May 1, 2022
Posts
115
Reaction
45
Points
39
Don't get me wrong po, I'm not saying FakeCez is bad or useless. It's one of the best mod menus out there especially for a game na napakasikat. Saludo po ako sa mga coders ng app na yan. But I stopped using it just a few days ago after more than a year of playing ML with it. I reached Mythic Glory 3x with it and ni isang beses di pa na detect and di pa rin na ban ang main account ko. Below are my reasons why I stopped using it:



1. Napaka hassle na gamitin kasi palagi nang nag uupdate si Moonton and known na nila yang mod that's why palagi nang black screen after ML's new updates. Permanent mods aren't true kasi naaapektuhan na ang mod menu after ML implements new patches or updates.



2. Hassles na hassle na ang proseso sa pagkuha ng keys para maactivate ang mod menu and keys usually last for an hour or less if you exit the game. Back to finding keys na naman if login failed na. The FakeCez site has more ads and redirects than before the implementation of mod keys. Key gen apps last for only a few days kasi bina block agad ng FakeCez team ang scripts/codes ng unofficial key gen.



3. The implementation of FakeCez VIPs goes against the original purpose of FakeCez which is to provide a free assistance app for all players para mas madali lahat makapag rank up. Siguro napilitan lang ang FakeCez team kasi maraming nagbebenta ng app na free naman talaga. Alam na rin ni Moonton ang existence ng mod menu kasi sikat na sikat na ito. Makakagamit pa rin naman ang mga non-VIPs pero mas maraming hassle silang madadaanan compared sa mga VIPs bago makapag enjoy sa mod menu.



4. Napakarami nang gumagamit ng FakeCez mod menus at iba pang variants nito. Napaka obvious ng moves nila lalo na pag di sila dumadaan sa bushes na andun kami, or lumiliko kahit patungo sana sa amin. Using a mod menu to gain advantage isn't applicable anymore kasi marami nang gumagamit ng mod menu kagaya sayo.



5. Naging mas magaling ako sa ML dahil sa FakeCez mod. Using it for a long time gave me the ability to predict enemy paths and moves. Lagi kasi akong nag observe sa actions nila dahil Hilda main ako, laging nasa jungle/bushes lang at nang aambush. I've been playing without using any mod menus and malapit na uli ako sa Mythic Glory.



Mas na enjoy ko na ngayon ang ML na wala nang hassle sa kakadownload ng new FakeCez version or keys kada update ng game. I also have a team of like-minded people na nagha hunt ng cheaters at marami na kaming napa ban. Lately lang binigyan kami ni Moonton ng epic skins sa main heroes as thank you dahil isang dosenang players na napa ban namin. Lalo tuloy kaming na inspire na manghunt pa ng ibang cheaters kasi nag promise si Moonton na magbibigay pa sila ng rewards sa efforts namin. Siguro po kami nakapagpa ban sa ibang ka-PH natin dito. Sorry po. 😁✌️



Advise ko lang po is wag na kayong umasa sa mod menu para mag rank up kasi kaya niyo rin pong maging magaling sa laro without any unfair assistance, baka rin po ma-ban kayo. Watch how pro players play and iapply niyo playstyle nila, you'll see na gagaling talaga kayo. Observe carefully din po sa paths and moves ng kalaban para mas makagawa kayo ng counter-moves.



Malaki lang din pasalamat ko dahil di talaga na ban ang main account ko na more than 1 year ko talaga ginamit sa FakeCez. Yan rin po account ko ngayon na gamit ko pang hunt ng cheaters.



Maraming salamat po sa mga bumasa nito. Enjoy lang po sa ML but don't let it consume your life.



Stay safe mga dakilang ka-PH 👍😁👍
 
i wonder if this is true.

sana nga tama intentions mo.

by the way i stop playing ml 4 season na . well, still playing brawl for literal past time. iwas stress . libangan lang talaga

rank ko ngayon gm3 na lang 😅 bababa pa next season . and i dont care. libangan na lang eh
 
It is true po idol ketx. Kaka delete ko lang ng ML sa cp ko kasi nagfo focus na ako sa programming, iwas distraction na muna. My account is being used by my friend na nag eenjoy din maghunt ng cheaters.

Para po sa'min tama po intentions namin. Pero para sa mga gumagamit ng mods ay bad guys po talaga kami. Gusto lang namin fair ang ML para sa lahat although it is impossible for an online game, but at least we're trying to achieve it in a manner na enjoyable din po para sa'min.
 
Last edited:
Gumamit din ako dati ng MH dati sa main account dati pa yun nung di pa masiyado sikat ang MH. at true lumawak knowledge ko about sa movements ng kalaban at malalaman mo kung naka MH o hindi. sa kasamaang palad na ban ako ng 60 days so hindi ko na inulit atleast alam ko na nagbaban talaga si moonton at kung di man agad ma ban matsatsambahan parin yan.
 
Gumagamit din ako nyan pero for skin lang lods di ako gumagamit MH para tumaas ranggo hirap na kasi sabihan sa rg lang malakas sa mga mini tournaments hindi hehe
 
Share ur app sir plss. Drone view lang ginagamit ko nag hahanap ako ng maphäçk na legit eh hehe ty po
FakeCez Mod po. Meron niyan dito sa phcorner

Tumigil na po kami sa ML mga lodz. Diablo Immortal na trip namin ngayon. Pay to win na laro pero enjoyable naman kahit di kami gumagastos.
 
Ayaw mo lang malamangan kaya nanghihikayat ka ngayon , na tumigil na yung iba sa pag gamit ng cheat.

Napagtanto mo na mas másáráp maglaro ng walang gamit na cheat.
Kaso nga ayaw mo palamang sa ibang nakacheat.

Dami nyo sinirang laro sa pandurugas nyo.
Yung ibang player batak talaga sa pagpa-practice , kayo batak sa pandurugas.
Alam mo na ngayon feeling ng dinadaya.
May tawag dyan eh , wait lang...
 
Nadale mo lods, maphäçk dati gamit ko, sa una maganda pero pag tumagal hindi na! Kumbaga sa una nakakatamad maglaro ng ml na walang cheat pero pag nagsawa ka na sa cheat at naglaro ka ng patas mas maeenjoy mo na ang paglalaro!
 
Ayaw mo lang malamangan kaya nanghihikayat ka ngayon , na tumigil na yung iba sa pag gamit ng cheat.

Napagtanto mo na mas másáráp maglaro ng walang gamit na cheat.
Kaso nga ayaw mo palamang sa ibang nakacheat.

Dami nyo sinirang laro sa pandurugas nyo.
Yung ibang player batak talaga sa pagpa-practice , kayo batak sa pandurugas.
Alam mo na ngayon feeling ng dinadaya.
May tawag dyan eh , wait lang...
On the contrary po di ako nag aim ng high rank sa ML. Katuwaan lang po talaga paglalaro ko. Napilitan lang po ako mag cheat dahil ang dami po mod users. Pero tumigil na po ako ngayon sa ML completely. Di na po nakakaaliw na lalo nang dumarami ang cheaters. Nakakasawa na mag hunt ng mga mod users.

Hehe
Ayaw mo lang malamangan kaya nanghihikayat ka ngayon , na tumigil na yung iba sa pag gamit ng cheat.

Napagtanto mo na mas másáráp maglaro ng walang gamit na cheat.
Kaso nga ayaw mo palamang sa ibang nakacheat.

Dami nyo sinirang laro sa pandurugas nyo.
Yung ibang player batak talaga sa pagpa-practice , kayo batak sa pandurugas.
Alam mo na ngayon feeling ng dinadaya.
May tawag dyan eh , wait lang...
No offense po, pero dun po kayo mag sermon sa mga gumawa at nagpapalaganap ng FakeCez mods 😁✌️. Inevitable po talaga ang cheats sa kahit anong online game.
 

Similar threads

Back
Top