Help, mga paps. Pasensya na, problem ko dapat ito pero hindi ko na kasi alam kung ano pa ba ang tama kaya sa inyo na ako magtatanong. What should I do when someone didn't keep his/her words? Andami niya na kasing binitawang salita pero palagi niyang hindi nasusunod. At ngayon, natuto na rin magtago ng kung ano sa'kin 'gaya ng pasekretong pag-uusap nila nung lalaking pinakaseselosan ko sa lahat sa kanyang ibang account (which is 'di ko hawak). Mas maraming oras na rin nagugugol niya sa lalaking yun and everytime na magsalamuha sila habang meron ako, parang ako yung kaibigan at sila yung magkasintahan. Nagbago din ang way ng pag-usap niya sa'kin. Kapag sa'kin parang matamlay pero pag doon, ang hyper niya. Sa gabi na lang din akoo kinakausap, wala pang gana sa'kin na parang hindi interesado. Araw-araw, buong araw sa lalaki ang oras niya, hindi na rin gaya ng dati na mawala lang akoo ng ilang minuto, puro na siya "I miss you" sa'kin. Wala naman akong pagkukulang sa kanya, Wala nga akong binabawal sa kanya kaya imposibleng masakal yun. Ang hirap kasi, lagii ko nafi-feel na parang ako lang may nararamdaman sa'ming dalawa. By the way, Bestfriend niya pala yung lalaking yun.