What's new

Closed What actions to take

Status
Not open for further replies.

Princess Jung

Eternal Poster
Hihingi lang po sana ako ng maayos na advice. May kapitbahay kami, ding ding lang pagitan namin kasi row house. Nasa 60 plus na siguro edad nya. Araw araw, as in, walang araw na hindi sya nag tatatalak, wala din syang pinipiling oras. Lagi syang nagpapa rinig ng kung ano anong bagay na hindi ko alam kung san nya kinukuha. 1st year Highschool palang ako ganun na sya pero hindi ko pinapansin kasi matanda lang naman sya at lagi naman ako nasa skul kaya ndi ko rin sya naririnig magsalita. Pero habang tumatagal lalo syang lumalala. 1 year na ko sa trabaho ko hindi pa rin sya tumitigil. 8 years na kong nagtitimpi. Yung mga salita nya nakaka apekto na mentally kasi kahit sang parte ka ng bahay, sa lakas ng bunganga nya maririnig mo talaga sinasabi nya. Tapos nadagdagan pa nung bumili ako ng shihtzu. Natural naman sa shihtzu ang tumahol lalo na kung may tao sa bahay nyo pero kada tatahol aso namin pinupukpok nya yung pader ng sobrang lakas hanggat hindi tumitigil yung aso. Wala syang pakialam kahit natutulog ka. Sobra sobra sobra na kong nagtitimpi. Kahit kelan ndi kami gumaganti. Sina nanay gusting gusto na syang sagutin pero pinipigilan ko lang. Ako yung klase ng tao na hanggat alam kong kaya ko pang tiisin titiisin ko talaga. Hindi din ako pikon na tao kahit sobrang below the belt na mga sinasabi nya. Pero ngayong araw lumabas kami ng nanay ko ng bahay kasi tahol ng tahol yung aso namin. paglabas namin nakita namin sya nasa may hagdanan namin may hawak na cellphone vnvideohan yung aso namin at isusumbong daw nya dahil maingay. Sobrang galit na galit ako dahil ang lakas ng loob nyang tumungtong sa pamamahay namin. Ang ginawa ko binuksan ko pinto pero hindi sya umalis. Sabi nya "Sige, sige anong gagawin mo" hindi na ko nakatiis sinabunutan ko sya, sinabunutan din sya ni nanay. Pumasok pa ko sa loob ng bahay para kumuha ng pamukpok kasi nagdilim na paningin ko wala na kong pakialam kung makulong ako. Pero buti nalang paglabas ko hawak na sya ng asawa nya at nakatayo sya pero nagsisisigaw parin ng kung ano ano. Yung asawa nya masama ang tingin. Ngayon hindi ko alam ang gagawin kong aksyon para tumigil na sila. Sya nga pala, nangungupahan lang sila at kami, sa amin na talaga yubg bahay na tinitirhan namin pero sobrang lakas ng loob nya. Maaappreciate ko po yung mga seryosong advice kahit sa message. Matanda na lola at nanay ko para kung ano ano pa sabihin at gawin nya, hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol sila kahit ano pa magawa ko. Kung bawal po yung ganitong post pasensya na iddelete ko nalang po. Salamat po.
 
hindi pa pwedeng pagusapan nyo yan kasama yung pinuno ng homeowners or kaya sa barangay para kung may mangyari man eh alam ng lahat yung reason at di sila makapag alibi ng kung ano ano.
pina bar

pina baranggay na namin sila dati. tumgil ng ilang araw pero bumalik lang sa dati. pagdating sa barangay bigla syang bumabait at kung sino sinong santo lagi binabanggit. hindi ko na talaga alam gagawin sa kanya sobrang lala na nya. ndi ko alam bakit sobrang tapang nya. yung iba sa ganung edad takot na takot na mapano pero sya kabaligtaran.
maganda nyan may pirmahan eh para kung sino di sumunod sa kasunduan eh ikulong or ibarangay
 
Una, congrats kasi nakapag timpi ka ng ganun katagal.

Mag verbal muna tayo, diretsuhin niyo na kapag hindi sila tumigil ipapabaranggay na sila.
Second, kausapin niyo yung asawa na ganun nga ipapabaranggay na sila kapag hindi tumino.
Third, kausapin yung may ari ng bahay.
pag wala talaga, diretso ulit sa baranggay.

kapag walang wala na talaga, kausapin ng masinsinan kung bakit sila nagkakaganun, dalhan ng ulam, palitan mo ng kabaitan, para ma-touch yung heart niya.
baka kasi may sama siya ng loob sa kung kanino o sa inyo kaya sa inyo nabubuhos yung sama ng loob, baka may problema sa mga anak o etc.

My main point, gantihan ng kabutihan :)
 
Kapag kaibigan mo yung sumasabi sayo nang masama diba di ka affected diba? Kaibiganin mo sya, kausapin mo lang nang mga nonsense hanggang magka vibes kayo, share ka nang mga pagkain, offer help kung minsan. Cleary nanghihinigi lang yan nang friendship o makausap yung kapitbahay mo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top