Wow, malupit pa nun binanggit "Phcorner" (nakakahiya haha). Siyempre sa simula't sapul nabanggit na yan sa Terms of Service (TOS). Talamak na lang kasi talaga dito sa PHC ang pagshe-share ng ehi/hpi dahil nga sa kaignorantehan sa hindi pagbasa at katigasan ng ulo ng mga pinoy. Nasimulan na rin kasi ng ilan at yan tuloy-tuloy na. Sa mga tutorial (na nabanggit ang paggawa ng account sa tcpvpn.com) sa paggawa ng ehi/hpi, parang hindi naman yata nabanggit na ishare mo yung ginawa mo. Bawat aksyon natin tinitingnan din natin, kita naman sa paggawa ng account kahit hindi sa TOS page.
Respetuhin na lang please at wag na ngang magshare ng account/ehi/hpi (na tcpvpn ang account), magpapahassle pa kasi pag nablock pa dito sa Pilipinas pero kung talagang samaritano ka pwede naman sigurong sa iba ka na lang gumawa ng account. Hindi ko naman sinasabing kademonyohan ang pagsheshare ng mga ehi/hpi pero pwede naman sigurong i-encourage na lang na maggawa na lang ng kanilang mga sariling mga account/ehi/hpi sa paglilink sa mga tutorial threads o pagpopost nito kung nakukulangan ka sa mga nakikita mo. Dun sa traffic na nga lang kasi kumikita yung tcpvpn.com eh tapos ishe-share mo pa yung account, edi hindi na kumita yun, malulugi sila at kita mong libre kanilang serbisyo at paisa-isa/padalawa-dalawa lang mga ads sa tcpvpn.com at di ka naman binobomba dun ng mga ads kaya kaawaan niyo din naman at free service nga lang.
Opinyon ko lang (nasabi ko yun pero pag minsan ako nagdadownload ng torrent na hindi sa VPN torrenting account hahaha).