Gusto ko lang magbigay ng warning kung isa rin kayo sa mga na-trap or na-enganyo ng mga nagpopost nito na kumita sila ng 1k sa isang araw lang tas magbibigay ng referral link at proofs. Wag nyo na subukan itong app na ito Phoenix ******** game kasi masasayang lang pera nyo. Napakadugas ng developer nito. Di ko parin matanggap na nanakaw sakin 400 pesos Gcash ko. Sinunod ko lahat ng tricks at ginamitan ko ng diskarte, di rin ako naging greedy. Ilang oras ko sinubukan palaguin 400 pesos Gcash pero ang kalaban mo dito eh bot player na naka-program na talaga para sa huli talo ka at matatangay nila pera mo. Saklap talaga naisahan ako sa mga proofs na pinapakita, habol lang pala referral commission tas wala na pakielam kung mawalan ng pera mga naglalaro nito. Sana pala sa online ****** ko nalang ginamit 400 GCash ko atlis patas pa kung talo talaga kita mo yung manok hindi tulad dito sunod sunod tiger ang lumabas para ubusin pera mo, kahit saan ka tumaya siguradong talo.
![Screenshot_20210807-230251_Phoenix.jpg Screenshot_20210807-230251_Phoenix.jpg](https://phcorner.net/data/attachments/8144/8144708-6be05428522a1302015ada76cfff2af9.jpg)
![Screenshot_20210807-230251_Phoenix.jpg Screenshot_20210807-230251_Phoenix.jpg](https://phcorner.net/data/attachments/8144/8144708-6be05428522a1302015ada76cfff2af9.jpg)
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.