What's new

Wala na akong panlasa at pang-amoy

Frustrated Burger

Forum Expert
Elite
Joined
Jul 22, 2017
Posts
11,711
Solutions
3
Reaction
6,686
Points
3,303
September 13,14,15 tinamaan ako ng malakas na trankaso hilong hilo, pananakit ng katawan , panlasa na parang medicine na mapait, baradong ilong dahil sa sipon, manaka-nakang pag-ubo na may makapal na plema puwera lang makating lalamunan, at mabigat na pakiramdam, ginawa ko binanatan ko ng kain nissin cup noodles(kasi ang super malasa kasi) tas puro bahaw bahog , tas kape 3 n 1, tas ininuman ko ng biogesic at alaxan tas itinulog nagising akong pawis na pawis at medyo gumaan ang pakiramdam, hanggang sa nawala na yong mabigat na pakiramdam ko panay nagpapawis kasi kada magigising sa pagkakatulog, ngayon september 16 , wala na akong pang-amoy at panlasa na medyo may kaunting ubo na ordinaryong pag-ubo nalang, ewan kung gagamutin ko pa itong solmux , alaxan ,bioflu o ng biogesic... Ingat kayo mga kaibigan matindi ang sakit na covid nararanasan ko ngayon mga kaibigan kaya ingat, nandito lang ako sa kwarto simula nung trinangkaso ako hanggang ngayon
 
Last edited:
on and off ba yung lagnat mo paps or deretso??
 
pagaling ka paps, inom ka ng mga vitamins at mag suob ka ng lemon, luya at sibuyas, pakuluin mo at mag suob ka
 
Ganyan ako before nagka trangkaso sobrang bigat ng katawan ko at nawala pang amoy at linagnat din ng pabalik balik 1 week ata yun bago ako gumaling then another week bago bumalik na pang amoy ko tsaka kami buong pamilya nagka sakit una yung bunso next mama ko lastly ako. Tine take ko lang eh biogesic tas calamansi tapos pina toob I mean yung pinakuluang ininit na linagyan na asin at yung singaw nun pa iinitin katawan mo parang ganun HAHAHA basta hirap explain. Magaling naman kaming lahat kaso napapa isip din ako minsan na yung sakit na dumapo sa amin pamilya normal lang kaya yun?
 
Experience ko din una nilagnat tapos sinundan na ng sipon at ubo. Nawalan din ako panlasa saka pang amoy. Sa kakapuyat ko siguro. Fortunately, hindi na ko inuubo at nilalagnat. Paunti unti nadin bumabalik panlasa ko.

Lahat kami tinamaan sa bahay pero magaling na. Pati kapitbahay tinamaan e pero magaling naman na parang dumaan lang talaga sa lugar namin haha
 
Hindi solusyon ang instant noodles para dyan bumili ka ng vitamins kumain ka ng prutas gaya ng orange o dalandan saging yan ang solusyon. Tapos pag iinom ka ng tubig dapat maligamgam may halong ginger hindi solusyon ang kape para dyan hindi ka gagaling dyan. Gawin mo yan everyday siguro mga 1 week gagaling ka kumain ka ng gulay at mga prutas yan ang solusyon dyan kasi naranasan ko na yan.
 
observe mo muna bka trangkaso yan. wag kalimutan uminom ng paracetamol or biogesic samahan mo rin ng vitamins.. pagaling ka lng.
inom ka maligamgam na tubig. unti unti lng. at samahan mo ng mga prutas.
kain ka rin beef soup high in nutrients at proteins.
 
Yes, paps nung nag umpisa nako makaramdam ng pagsama ng pakiramdam , sinabihan ko na kagaad mga kasama ko sa bahay , naging maagap naman sila na ina isolate ako kahit hindi pa tukoy kung na covid ba ko o hindi
sa bahay ka ba or sa facility??
 
Yes, paps nung nag umpisa nako makaramdam ng pagsama ng pakiramdam , sinabihan ko na kagaad mga kasama ko sa bahay , naging maagap naman sila na ina isolate ako kahit hindi pa tukoy kung na covid ba ko o hindi
dapat isolate muna kahit sa kwarto lng. di ksi natin alam anong tumama sayo keep safe lng mga kasama mo sa bahay.
 
uso ngaun yan. ako so far tinamaan din ng trangkaso. pero di nman ako nawalan ng pang lasa. medyo ok nman nako now
 
Back
Top