What's new

Closed "wala ka na. wala na din dahilan para manatili pa." warning: wag babasahin

Status
Not open for further replies.

Cobain420

Eternal Poster
Joined
Dec 14, 2017
Posts
1,345
Reaction
538
Points
460
Age
58
"Wala ka na. Wala na din dahilan para manatili pa."

Bago ang lahat, nais ko malaman mo to. Habang ang mundo ko umiikot sayo minahal kita ng higit pa sa inaasahan mo. Subalit, hindi pa siguro naging sapat sayo.

Minahal kita sa ilalim ng pag-ibig, sin lalim yun ng dagat sa ating daigdig. Walang ibang pangalan tinitibok ng ******, pangalan mo lang yung tumatakbo sa aking pag-iisip.

Kay daming segundo yung naging samahan, Sin dami yun ng bawat minuto ng mga ating karanasan. Di mabilang na oras, araw, buwan, taon ang satin na dumaan. Ilang mga pagkakataon pa ang atin nakaligtaan.

Lumipas nga yung mga buwan, tayo nga ay nagtagal. Ubod ng saya ang sandali kahit pa nasasakal. Kay dami ng pwede pero mas marami yung bawal, patakaran mo yung sinunod wag mo lang akong iwanan.

Ibinigay ko yung lahat sa paraang alam ko, pinagsilbihan kita kahit literal na alila mo. Pinalagpas bawat panahon tuwing kasama yung mga barkada mo. At sinasabi mong kailan lang na naging tayo.

Minsan napapaisip ako sa dami ng taon, magkasama nga tayo pero parang ako din ay patapon. Masakit lang sa ****** yung mga sinasabi mo kapag kaharap mo sila, na minsan sinasabi na hindi tayo.

Bilang pa lang yung taon na meron satin, Subalit yung bilang na taon na yun matagal na para sakin. Dahil ilang segundo pa lang na di kita nakakasama katumbas na yun ng taon tuwing mananabik yung nadarama.

Hindi lang yung isip ko ang laging nakakakita ng lahat ng sayo, kahit yung mata ko nakikita kang tumatakbo palayo. Hindi lang mga balat ko yung nakakaramdam ng paglamig. Kahit yung puso ko ramdam na yung panlalamig mo.

Pero salamat din dumating ka sa buhay ko. Ang daming tama na naging kamalian ko, minsan yung mga maling yun ay hindi ko na naitama dahil sayo lahat yung tama, sobrang malabo nang makita pa.

Alam mo ba kung anu-ano yung mga maling nagawa ko? Ayun yung iniwan ko lahat maging yung pangarap ko. Nagtrabaho ng maaga kesa mag-aral pa, makapag ipon lang ng singsing para satin dalawa.

Yung mga pag-iwas ko sakin barakada, ou minsan din naman nakabuti satin dalawa. Yung mga pagsuway ko sa mga magulang ko para lang makasama ka, kahit na parang may kulang na.

Hindi ako lumingon sakin pinanggalingan. Mas ninais ko pa na sila ay akin iwanan, dahil namili ako kung sino ang kabilang. Mas pinili kita kahit pa sabihin nila na ako daw ay hibang.

Ayun ba ang ibig mo sabihin kaya nagawa mo to sakin? Na akala mo kasalanan ko lahat, kung bakit ako ganito? Na inakala ko din minahal mo ako ng labis at totoo? Na inakala ko tama yung akala kong meron ngang walang hanggang tayo?

Pero salamat at ikaw ay nagpaalam na. Isa itong katibayan na hindi ka para sakin nakatadhana. Dahil sa mga pangyayari na to satin dalawa, mas natuto ako, nakabangon at ngayon ay masaya.

Masaya ka din, na naging malaya ka na, masaya ka sa piling ng iba. Itinama lahat ng sakin na akala kong tama pero mali pala. Yung nararamdaman ko ay hanggang dito nalang at pinuputol na.

Akala mo siguro hindi ko makakaya. Panahon, lang yung katuwang ko upang kalimutan ka. Kung yung mga nakaraan nga nakalimutan ko na, ikaw pa kayang nanakit sakin at nangaliwa.


Bye.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top