What's new

Utang na LOOB? Hanggang kelan ba dapat bayaran?

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Anong take nyo dito? Na experience mo na ba yung isa sa mga culture ng mga pinoy na kapag may nagawa ang isang tao sayo, naitulong o nagawan ng pabor nagiging parang matagal na utang na loob mo yun sa kanya.

Ito yung isang mabigat na sample na alam ko madaming makakarelate, yung tipong nakapag abroad ka kasi tunulungan ka ng kamag anak mo. Andun na tayo sa utang na loob mo naman talaga yun sa taong yun at thankful ka. Pinapakitunguhan mo ng mabuti yung tao pero minsan parang laging ipinapamukha sayo na sya ang dahilan kung bakit ka nasa lugar mo kung asan ka ngayon.

Or kapag susweldo o gagala laging babanggitin na sagot mo, libre mo, wag kuripot, kahit na alam nyang di malaki sweldo at mejo nagtitipid ka kasi madaming ka pang binabayaran na utang. Yes ok lang naman nga na manlibre paminsan minsan pero kung madalas na babanggitin parang nakakairita? haha.

Pano ba ihandle yung ganitong culture ng mga pinoy na "UTANG NA LOOB"?

Kapag ako tumutulong ako, di ko iniisip na utang na loob mo yan sakin dapat ganito/ganyan ka palagi sakin. Basta masaya ako makatulong ganun. Pero may mga tao talaga na EWAN. wag na lang sila tumulong kumbaga kung mambabaoy lang sila.
 
Hanggat maaari, iwasan ang paghingi ng pabor sa mga kamag-anak. Kung hindi maiiwasan, dapat ready ka na mabayaran sila "at EQUAL" amount. Iba iba kasi mga ugali ng tao kaya mahirap maalis yan. Minsan, masyado rin kasi tayong mapagbigay kaya pinagbibigyan na lang natin. Pwede ka naman tumanggi sa mga sanasabi nila, pero dapat i-ready mo sarili mo kasi marami ka talagang maririnig na hindi maganda.
 
Tama bro, mas gugustuhin ko na ako yung hinihingan ng pabor basta kaya ko, kesa ako ang hihingi ng pabor. Tama din na mas madami pang nasasabing di maganda ang mga kamag anak mo kesa sa mga hindi mo kamag anak.

kaya minsan parang mas másáráp yung nakabukod kayo kesa sama sama.

Compute kano nagastos at yun ang bayaran.
di lang din basta pera yun kasi andun pa din yung effort ba kaya parang di nauubos yung utang na loob.
 
mga pinoy kasi puro depend sa ibang tao, hindi nagpa-practice ng independence kaya bumuo sila ng culture na "utang na loob" nang sa ganoon magiging non-stop na ang dependencies kasi obliged na tumulong yung kabila

kaya kung may gusto kang abutin wag na wag kang magpatulong kasi in the end makakamit mo pa rin iyan without their help, masosolo mo pa pinag hirapan mo
 
Last edited:
Kaya ako lods never humingi ng tulong sa mga kamag anak. Mas okay pa mangutang sa bank pag gipit. Tsaka wag rin mahiyang tumanggi pag hindi talaga makatulong lalo na financially. Kahit ano naman gawin may masasabi talaga ang mga kamag anak kaya hayaan mo sila bumula ang bibig kung may masabi. Always unahin ang family at sarili bago ang kamag anak, hindi mo sila obligasyon.
 
SAlamat po sa payo :)
 
Learn to say no lods.
mahirap gawin and cgurado magagalit sayo tawagin ka walang utang na loob.
but in the end, ikaw ang makakaluwag.

may mga tao na tumutulong sa kapwa without any expectations in return, meron din naman iba tutulungan ka tapos papakinabangan ang sense of obligation mo.
 
Ang utang na loob hindi kailangan barayan yan pero tumulong ka pag kailangan at kung hindi sa taong tumulong sau dun ka tumulong sa relatives nya o kpatid nya pra ma appreciate nya ng maayos. sa librehan nmn , normal na yan pero unahan mo na na nagamit mo na sa mga utang mo and xmpre expected mo na yan na dapat k manlibre o may nkaset aside na budget pra jan (dipende s approach mo) . Or mainam kung may 10% ka binibigay s tithes mo sa simbahan :)
 
Back
Top