What's new

Closed Uso ang ubo at sipon

Status
Not open for further replies.
kaya nga eh.masyado akong napaparanoid.
Basahin mo na lang to

Kung ikaw ay bibili sa botika, marapat lamang na iyong malaman ang tatlong uri ng gamot laban sa ubo:

  1. Expectorant
    Ang expectorant ay isang uri ng gamot na kumukontra sa ubo. Tinutulungan nitong ilabas ang plema na bumabara sa iyong lalamunan na siya ring nagdudulot ng iyong ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda sa mga ubong may halak, o iyong pumuputok. Ang kilalang halimbawa ng gamot nito ay ang guaifenesin, na siyang makikita sa dalawang produktong ito: ang Robitussin Chest Congestion at Mucinex.

  2. Mucolytic
    Ang uri ng gamot na ito ay tumutulong sa paglalabas ng plema. Pinalalambot nito ang makapal at malagkit na plema na syang humaharang sa daluyan ng hangin, upang ito’y mas madaling ilabas at tuluyang mawala ang ubo. Karaniwang mabibili ito sa anyo ng mga gamot na Mucosolvan (Ambroxol) at Solmux (Carbocistine).

  3. Antitussive
    Ang antitussive ay isang uri ng gamot na pumipigil sa ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda kung ang ubo’y nakakasagabal sa pagtulog o nagiging dahilan ng pagiging hindi komportable ng isang tao sa araw-araw niyang gawain. Ito rin ay madalas na ihinahalo sa expectorant para sa mas epektibong lunas. Ang karaniwang halimbawa ng antitussive drug ay dextromethorphan, at ang kilalang tatak nito ay Vicks 44 Cough and Cold at Robitussin Cough.
 
cge po salamat.i copy ko nalang sa notes ko para mabasa ko.salamat po.
 
Try mo ambroxol

Ambroxol is a mucolytic agent which reduces the thickness of the sputum. It is used to treat conditions with abnormal mucus secretion, allowing the patient to breathe freely and deeply.Jan
haha lahat ng thread nandun katlaga ahaha
 
kaya nga eh.masyado akong napaparanoid.

Eto pa

  1. Luya
    Ang luya ay may volatile oils na nakagiginhawa ng lalamunan. Para mabawasan ang ubo, maaaring maglaga ng luya at inumin ito. Ang maanghang na lasa ng pinakuluang luya ay nakatutulong sa pagpapalambot ng matigas na plema sa daluyan ng paghinga, na kung patuloy na iinumin ay maaaring makatanggal ng ubo. Maaari rin itong ihalo sa herbabuwena (peppermint) para tuluyang mawala ang ubo.

    Ang kailangan lamang ay:
    • 3 kutsarang tinadtad na luya
    • 1 kutsarang tuyong herbabuwena
    • 4 na tasang tubig
    • 1 tasang pulot
    Instruksiyon:
    Tadtarin ang luya at ihalo ang herbabuwena sa apat na tasang tubig. Pakuluan sa katamtamang temperatura at hayaang kumulo hanggang sa mangalahati ang tubig at saka salain. Hayaang lumamig ito ng kaunti bago ihalo sa isang tasang pulot hanggang sa tuluyang matunaw. Ilagay sa bote at kumuha ng isang kutsara bawat oras hanggang sa tuluyang mawala ang ubo. Ilagay sa ref. Maaring itago ito hanggang sa ikatlong linggo mula sa kanyang pagawa.

  2. Pulot
    Ayon sa pagsusuri na isinagawa sa Penn State College of Medicine, ang pulot, o honey, ay natagpuang mas mabisa sa paglulunas ng ubo kumpara sa mga over-the-counter (OTC) na gamot. Ito ay napatunayang mabisang pampakalma, na mayaman sa lapot at tigas na maaaring makatulong sa paggamot ng ubo. Meron din itong antibacterial properties na mula sa mga enzyme na dala ng mga pukyutan sa tuwing sila ay umaani ng pulot na nakababawas sa tagal ng iyong ubo.

    Ang kailangan lamang ay:
    • 1 kutsarang sariwang pulot
    Instruksiyon:
    Kumuha ng isang kutsarang pulot at inumin ng isa o dalawang beses sa isang araw kung kinakailangan. Mas mabuti kung ito ay iinumin agad bago matulog, kung ang ubo’y nakasasagabal sa iyong pagtulog. Para sa mga bata, importanteng isaayos ang dosis ng pag-inom mula isang kutsarita o di kaya isang kutsara.

    PAALALA: Bagamat epektibo ito sa nakararami, bata man o matanda, hindi ito inirerekomenda sa mga batang may edad dalawa pababa sapagkat ito ay maaaring magdulot ng botulism o pagkaparalisa ng kalamnan.

  3. Lagundi
    Ang lagundi ay isa sa mga pinakakilalang halamang gamot na nakalulunas ng ubo bukod sa oregano. Ito ay nakatutulong sa pagpapalambot ng matigas at malagkit na plema na syang bumabara sa daluyan ng hangin. Ito ay nakatutulong din sa pagbibigay ginhawa sa maraming sakit bukod sa ubo, gaya ng sipon, hika, sore throat, rayuma, pananakit ng katawan, at pagtatae (o LBM). Sa katunayan ay maaari rin itong bilhin sa anyong kapsula o likido na ibinebenta sa mga botika. Ngunit kung may tanim sa bahay ay mangyaring sundin lamang ito:

    Ang kailangan lamang ay:
    Kumuha ng mga dahon ng lagundi at tadtarin hanggang sa makabuo ng kalahating tasa. Pagkatapos ay pakuluan ito sa dalawang tasang tubig ng kahit sampung minuto. At para sa mas mabisang paggamot, uminom ng kalahating tasa tatlong beses sa isang araw.

  4. Oregano
    Tulad ng lagundi, ang oregano ay isa sa mga kilalang halamang gamot na nakalulunas sa karaniwang uri ng ubo. Kilala rin ang taglay nitong amoy na matatatagpuan sa mga bakuran. Kadalasan ay ang dahon nito ang madalas na ginagamit sa paggamot ng sakit. Maaaring dikdikin, ilaga, inumin, o ipantapal sa parte na apektadong bahagi ng katawan, halimbawa na lamang ay kung You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. o di kaya’y may kagat ng insekto. Bukod dito ay maaari rin itong gamitin sa paso, hika, kabag, sore throat, pigsa, pananakit ng tenga, at syempre, ubo. Para sa ubo, mangyari lamang na sundin ang mga nakasaad.

    Ang kailangan lamang ay:
    Kumuha ng 15 na dahon ng oregano o mas marami pa hanggang sa mapuno ang isang tasa. Mabuti ring piliin ang mga dahon at iwasan ang mga may sira ng insekto. Matapos ito ay hugasan ang mga napiling dahon. Pakuluan sa tatlong tasang tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Hayaang humupa ang init ng kaunti hanggang sa maaari na itong inumin. Mabisang inumin ito ng tatlong beses sa isang araw: umaga, tanghali, at gabi. Kung hindi komportable sa pait ng oregano, maaaring haluan din ito ng kalamansi, asukal, o honey.

  5. Kalamansi
    Napatunayan na ng kalamansi ang gamit nito sa paglulunas ng mga karaniwang sakit gaya ng ubo at sipon dahil sa likas itong mayaman sa vitamin C. Madalas ay ginagawa itong juice kung saan ay kinukuha ang katas nito at ihinahalo sa maligamgam na tubig. Ngunit para sa mas epektibong paggamit ng kalamansi, alamin kung anong uri ng ubo ang nararamdaman at sundin ito.
    • Para sa tuyo at makapit na ubo:Kumuha ng 10 bunga ng kalamansi na hindi masyadong malaki o maliit. Hiwain ito sa gitna at salain habang pinipiga ang katas sa isang baso. Magdagdag ng tubig at mainam na tantiyahin ang temperatura upang maging maligamgam. Matapos ito ay maghalo ng dalawang kutsarang asukal na pula o di kaya’y pulot kung mayroon. Haluin ng mabuti at inumin. Ulitin ito ng tatlong beses sa isang araw o pagkatapos ng apat na oras kung kinakailangan.
    • Para sa malabnaw at sobra-sobrang plema: Kagaya ng nasa itaas, kumuha ng 10 bunga ng kalamansi. Hiwain ito sa gitna at pigain. Salain upang maihiwalay ang mga buto mula sa katas. Magdagdag ng maligamgam na tubig hanggang sa mapuno ang baso. Magdagdag ng isang kutsarang asin at tantyahin ang timplang naaayon sa iyong panlasa. Haluin at inumin ng paunti-unti hanggang sa ito’y maubos. Gawin ito tatlong beses sa isang araw.
  6. Tubig at Asin
    Para sa makating ubo, ang kadalasang remedyo ay tubig at asin. Tinutulungan nitong palambutin ang plema upang madaling mailabas mula sa daluyan ng paghinga.

    Ang kailangan lamang ay:
    • 1/4 hanggang 1/2 na kutsaritang asin
    • 1 basong tubig
    Instruksiyon
    Kumuha ng 1/4 o 1/2 kutsaritang asin at ihalo sa isang basong tubig. Haluin ng mabuti hanggang sa ang asin ay tuluyang matunaw. Imumog ito hanggang sa maalwan ang pangangati ng lalamunan.

    PAALALA: Mas mainam na huwag itong ipagawa sa mga batang nasa edad anim pababa sapagkat malaki ang tiyansang malunok o mainom nito ang gamot.

  7. Usok
    Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang usok na mula sa mainit na tubig o steam kung tawagin sa Ingles ay mabisa para sa ubo. Tinutulungan nitong mapabilis ang pagginhawa ng lalamunan sa pamamagitan ng pagpapalambot ng plema upang madaling mailabas. Bukod pa rito ay mabisa rin ang usok para sa sipon at mainam na pampaginhawa sa taong may hika. Upang mas maging mabisa, maaari ring haluan ng langis ang remedyong ito. Sundin lamang ang sumusunod na direksyon.

    Ang kailangan lamang ay:
    • 3 patak ng tea tree oil
    • 1 hanggang 2 patak ng eucalyptus oil
    • 1 mangkok ng tubig
    • 1 malambot at malinis na tuwalya
    Instruksiyon
    Lagyan ng tamang dami ng tubig ang pakukuluan hanggang sa makakalahati ito sa mangkok. Ibuhos ang tubig dito at hayaang lumamig ng kaunti sa loob ng 30 hanggang 60 segundo. Idagdag ang mga langis at mabilisang haluin ito hanggang sa sumingaw. Lumapit sa mangkok ng may tamang distansya sapagkat maaari pa ring makapaso ang usok ng pinakuluang tubig. Gamitin ang tuwalya upang matakpan ang ulo na parang kulandong habang pinasisingaw ang init mula sa pinakuluan at saka langhapin. Maaaring gawin ito sa loob ng lima hanggang sampung minuto ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
 
nakuha ko na po.,antitussive pala tawag dito.kailangan lang pala vicks o rubitusin.salamat ng marami.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top