What's new

Closed Usapang filipino (pananaliksik)

Status
Not open for further replies.

PHC - Jheyms

Honorary Poster
Joined
Aug 23, 2017
Posts
481
Reaction
50
Points
194
maari po ba humingi ideya sainnyo mga ka phc ayoko bumase lamang sa aking sariling kaalaman kaya't sana matulungan niyo ako meron akong limang suliranin dito na ang bawat suliranin ay dapat kong bigyan ng solusyon.

SULIRANIN
1. Ilan sa mga kabataan ay masyadong nagpapadala sa kuryosidad at emosyon .

* Tama nga ang kasabihan na "curiosity kills you" kaya napapahamak ang mga kabataan ngayon nagpapadala sa kuryosidad na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis o iba pang bagay tulad ng paggamit ng droga .

2. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay lalong nahuhumaling sa modernong teknolohiya .

* Sa modernong panahon , lahat ng bagay ay madaling makukuha ng kabataan . Dahil dito masyadong umaasa sa teknolohiya ang mga ito , halimbawa nito ay ang pagresearch ng mga projects sa school.Kadalasan , nagiging sanhi rin ito kung bakit lumalaking tamad ang mga kabataan .

3. Ilan sa mga kabataan ay hindi na marunong makinig sa payo ng mga magulang .

* Ang mga magulang ang itinuturing na gabay nating mga kabataan . Dahil sa masyado ng mapagmataas ang ilan sa mga kabataan , hindi na nila pinapakinggan ang sinasabi ng kanilang magulang. Dahil sa akala nila alam na nila ang lahat ng bagay sa mundo .

4. Ilan sa mga kabataan ay madaling nadadala sa depression dahil sa mga pinagdaraanan nila sa buhay .

* Ang depression ay naituturing na nakababahala na nangyayari sa panahon ngayon. Dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ng isang tao , nagiging dahilan ito upang wakasan ang kanilang buhay . Tinatayang mas malaki ang populasyon ng kabataan na dumaranas ng depression , dahil sa hindi nila kayang kontrolin ang kanilang emosyon .

5. Ilan sa mga kabataan ay natututong mag rebelde .

* Pamilya ang nagsisilbing pundasyon ng paghubog sa pagkatao ng isang bata, Dahil sa maraming problemang kinahaharap ng pamilya , ang ilan sa mga ito ay napagdedesisyunang maghiwalay na lamang ang mag asawa dahil dito , ilan sa kabataan Ay nawawala sa tamang landas at napapariwara dahil walang maayos na pamilya ang sumusuporta .

sana po may makatulong
respect maraming salamat
 
Puro sa kabataan paps? base sa tingin ko generally nman yung problema na yan. Yung sa modern technology. Nagiging advance na kasi tayo. improving and improving :) baka nga sa susunod pa na mga taon isang salita mo lang nakalatag na lahat sa harap mo. Yung advantage neto, tulad ng Globe Switch Bug (At wala ng paliwanag pa) haha. and yung disadvantage? right. yung pagiging tamad o pala-asa nalang. Siguro yung answer ko dun. Respect nalang sa sarili, know the limitation. Salamat sa info mo paps
 
salamat po sa ideya nagkakalap lang po ako ng marami pang impormasyon salamat po
 
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay lalong nahuhumaling sa modernong teknolohiya .
Answer
Meron pong good side ang technology napapabilis neto ang socialize ng mga kabataan like pakikipagusap sa mga friends nila abroad or kahit saan at tsaka nakakatulong din ang technology upang mas mapabilis ang pag hahanap ng information
Di naman masama ang technology basta di ka mag papaka adik sa pag gamet
 
Ilan sa mga kabataan ay madaling nadadala sa depression dahil sa mga pinagdaraanan nila sa buhay .
Answer
Dapat po kausapin ng magulang yung mga anak nila dahil ang isang depress na tao need neto ng masasandalan dahil sobra sila nalulungkot need talaga ng gabay upang di sila mauwe sa sweeside
 
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay lalong nahuhumaling sa modernong teknolohiya .
Answer
Meron pong good side ang technology napapabilis neto ang socialize ng mga kabataan like pakikipagusap sa mga friends nila abroad or kahit saan at tsaka nakakatulong din ang technology upang mas mapabilis ang pag hahanap ng information
Di naman masama ang technology basta di ka mag papaka adik sa pag gamet

salamat po sa ideya sir salamat po
 
Ilan sa mga kabataan ay hindi na marunong makinig sa payo ng mga magulang .

Answer

May dahilan bakit di sila nakikinig siguro dapat maintindihan din ng magulang yun kasi naranasan ko na rin to eh di ako madalas makinig sa magulang ko eh kasi lage ako pinaasa eh kaya siguro di na ako umasa masydo eto ay experience ko lang
Siguro talaga dapat magusap sila para maayos yung ganyang problema makipag usap
 
Ilan sa mga kabataan ay masyadong nagpapadala sa kuryosidad at emosyon .
Answer
Walang masama sa pagiging curios ng isang bata basta ba nandiyan ang magulang upang ipaliwanag yung isang bagay na hinde alam ng isang bata

We keep moving forward, opening new doors, and doing new things, because we're curious and curiosity keeps leading us down new paths
 
1. Ilan sa mga kabataan ay masyadong nagpapadala sa kuryosidad at emosyon .

Kung nacucurious sila aa isang bagay, maganda sigurong itanong muna sa mga nakakaalam kaysa subukan nila agad ng hindi nila alam ang epekto. Buksan ang mata sa bawat nakikita sa paligid nang hindi maging innosente at sumubok sa bagay na walang kasiguraduhan.
 
2. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay lalong nahuhumaling sa modernong teknolohiya .

Gamitin ang teknolohiya upang maituro ang lahat sa mga kabataan. Hal. Ilagay ang mga sanhi ay bunga ng mga bagay-bagay sa social media kung saan madaling mapansin ng kabataan. Gamitan ng teknolohiyang kinababaliwan ng mga kabataan ang mga asignatura ng madali nila itong maintindihan
 
3. Ilan sa mga kabataan ay hindi na marunong makinig sa payo ng mga magulang .

Kung sakaling ayaw nilang pakinggan ang magulang, maaaring gamitin ng magulang/kausapin ang taong pinakikinggan nito nang sa gayon ay maunawaan ng anak ang sitwasyon
 
4. Ilan sa mga kabataan ay madaling nadadala sa depression dahil sa mga pinagdaraanan nila sa buhay .

Bantayan ang anak sa kanyang ginagawa. Mas mainam kung gawin mo itong kabarkada mo, nang madaling makuha ang loob at maiiwas sa emosyong maaari nilang makuha sa paligid.
 
5. Ilan sa mga kabataan ay natututong mag rebelde .

Simple, pakinggan mo muna, ilagay ang sarili sa kanyang sitwasyon. Pag usapan ng maayos, ipaunawa; at huwag muna daanin sa pagtatalo. Ito ang kadalasang dahilan ng pagrerebelde ng isang bata
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top