Ganito pala talaga ang buhay hindi mo basta basta makukuha yung gusto mo, ang pangarap ko talaga eh maging isang hamak na Professional graphic Artist/Designer. Pero ang mga trabaho na napasukan ko eh ang layo sa gusto ko, simula sa admin to safety officer. Kaya minsan nag seself study na lang ako sa Office at lumilikha ako nang mga iba't imahe nang upang sa ganon ay hindi mawala ang mga dati kong nalalaman at upang mahasa pa ito nang husto. Sa lahat po nang may trabaho dito, natupad o nasa linya po ba nang kaalaman niyo ang pinagta-trabahuhan niyo? O nakapag trabaho din po kayo nang hindi angkop(sabihin na po naten na hindi kagustuhan niyo)sa kaalaman niyo pero sa bandang huli e tumugma din? Dami pa po sana akong katanungan lalong lalo na po sa mga taong Natupad ang mga minimithi nilang mga pangarap. Bigyan niyo po sana ako ng tips sa buhay naten. Salamat.