Hindi ako palapanood ng TV masyado kaya wala itong epekto sa'kin.
Meron pa naman silang tsansa para umapela at 3 branches naman ang government - sa korte suprema (Judiciary) na lang. No choice talaga, pero malabo at matagal na proseso yan.
Kung sa SC ay di pa sila makalusot, wala na yung tsansa nilang mag-broadcast sa TV.
Sa ngayon, no franchise means forced to close talaga at sorry na lang sa mga empleyado dyan. Mag-downscale yan sooner or later.
Inabutan ka ba naman ng delay, naabutan din ng expired license, di makakuha ng provisional permit to operate while still in the process of getting a francise (which is actually îllégâl w/ an expired license), napatungan pa ng additional violation charges...yari ka talaga kapag binatas ka. Yung citizenship ni Lopez at yung biased reporting lang ang di ko masang-ayunan. Itsa-pwera mo pa yan mabigat pa rin yung mga violations nila for denial of franchise renewal. Their downfall was done using "rule of law", whether it was influenced by a higher authority or not. Kumbaga ay hinalukay lahat ng sulok para hanapan ka ng kamalian.
Tandaan rin ninyo, yung francise lang ang nawala to use the government broadcast frequency for free tv, hindi yung ABS CBN. Meron naman silang live streaming online at ibang social media platforms. Kaya hindi na yung dati. Pwede naman silang mag-broadcast in other ways kumbaga.