I just really hope dun sa mga student-activists to stop involving themselves sa terrorismo, napakababa ng awareness ng mga pilipino tungkol sa mga isyung terrorismo sa bansa natin. I, too, experience the terrifying effects of terrorism. Nag grade 1 at grade 2 ako sa hometown ng mama ko sa Buenavista, Agusan Del Norte. Yung baranggay talaga namin sobrang napakalayo sa syudad at ilang bukid lang lalakarin may mga kampo na ng mga rebelde (NPA) na kaming makikita. Yung kapitbahay namin was a member of NPA, yung pinsan ng mama ko is an NPA also, at marami pang ibang ka-nayon namin sa baranggay.
May isang araw nga, na may biglaan nalang kaming narinig na sunod-sunod na pagsabog sa di-kalayoan sa bahay namin. hahahhahahaha. Naalala ko, hindi kami pinalabas ng Lolo't-Lola ko sa bahay, they instructed us na never lumbas ng bahay para hindi raw mapagkamalan na kakampi ng Sundalo.
May mga araw nga rin na, na dumadaan sila sa bakuran namin papunta sa kampo nila sa bukid. Sabi ng Lolo ko, hindi ka raw nila gagalawin kapag hindi ka kakampi ng sundalo. Pero if ever malaman nila na nagbigay ka sa sundalo ng kahit anong detalye sa kampo nila, tiyak may mangyayari sayo.