Yan po ay si monkey virus. ang behavior po ng monkey virus ay hindi kayang alisin ng hard reset at kahit anu pa pong mga anti virus, wag din po kayong maniniwala sa ngsasabing maaalis daw yan sa kingroot or sa root explorer. Hindi po totoo yun. Cell phone technician po ako kaya sana ay maniwala po kayo. Wag nyo po sanang tangakain pang alisin yan sa root explorer or kingroot kapag may nagsabi po sa inyo. uulitin ko po, hindi po totoo na natatangal sa kingroot or root explorer ang monkey virus. Bakit? Kasi po si monkey virus ay kumakalat sa entire system hangang sa mga hidden files. Ang tanong, mabubura ba ng root explorer o kingroot ang mga hidden files at ang buong system na infected ni monkey virus? Yan po ang hindi alam ng mga gumagawa ng tutorial sa ÿôutubê na maaalis daw ng root explorer yang si monkey virus. Kalokohan lang po yun. Isa lang po ang ginagamit naming pangtangal sa monkey virus, dahil nga po nasa entire system sya, reprogram lang po ang pangtangal jan wala ng iba. Pag reprogram po kasi ay sigurado kang walang matitirang virus at panibagong program na po ang nakainstall sa Android mo. Reprogram po ang pangtangal jan.