Matagal na po akong hindi naniniwala sa APN na nagpapabilis ng internet! Ang pagpapalit ng APN settings sa device ay hindi nakaka pag increase ng internet speed ng bawat Telco. Para maintindihan ninyo, ang bawat APN na naka attached sa settings ng Device ay pinahihintulutan lang po nito na maka connect sa internet connection at provided yan ng bawat Cellular Network natin. Ang APN ay pinahihintulutan po ang bawat mobile phone natin na maestablish ang bawat connection! Ang VPN at Proxy naman ay ginagamit lang yan para sa Seguridad online. Walang kinalaman mga yan sa speed koneksyon. 2023 na jusko! Pinag aawayan ninyo mga walang kwentang bagay, na mismong Telco ang dapat at may kakayahang pabilisin ang internet speed sa Pilipinas!