What's new

Unang Veto ni BBM

Hindi pinirmahan ni BBM ang House Bill 7575 na magtatatag ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.

Eto yung paligid ng ginagawang malaking airport ng San Miguel sa Bulacan.

Nasa sulat na naka-address sa Senado ang paliwanag niya kung bakit kailangang i-veto ang bill.

FB_IMG_1656739618466.jpg


Babalik ulit ang bill sa Kongreso kung saan pagbobotohan ng mga congressman at senador kung babaliktarin nila o hindi ang veto ng Pangulo.

Paglilinaw: Matutuloy pa rin ang paggawa ng New Manila International Airport. Wala lang mga posibleng special tax exemptions ang mga negosyo na nakapaligid doon na kasamang nakasaad sa House Bill.
 

Attachments

Back
Top