Meron na ba sa inyo na xperience ng ganito guys nakokontrol ko ang panaginip ko. gabi-gabi bawat panaginip ko. Katulad kagabi natulog ako tapos na nanaginip ako ng dragon sabi ko hindi totoo ang dragon sa panaginip ko, tapos ang gagawin ko ipipikit ang mata ko sa panaginip nararamdaman ko na yung katawan ko natutulog siguro mga segundo lang yun kasi pag tumagal nagigising ako. Tapos ang gagawin ko lilipad mag water bend tapos kokontrolin ko yung hangin at gagawa ng mga spirit ball kagaya kay san gokou pero pinaka paborito ko talaga ang lumipad. Tapos meron pa pala guys nakikita ko yung sarili ko minsan natutulog tinititigan ko ang sarili ko ang creepy nangyayari lang to kapag natulog akong nakatihaya yung relax, tapos yung dalwang kamay ko nasa ****** ko o sa tiyan. Meron bang kagaya ko dito?