What's new

Closed Tunay na relihiyon at tradisyon.

Status
Not open for further replies.
Wow lhyrnaj. Natuwa ako sa mga comments mo. Now i know. Pinag compared ko ang trinity at mga sinabi mo base on bible. Mas combinsido ako sayo. Nag search ako about sa dalawa sa Wikipedia maraming nilabas ang wiki na baho ng trinity. Abour sa sinabi mo naman andaming patunay na nilabas ang wiki na ka tas about sa yhwh na unang nilabas pala yan sa ming james ang pangalan pero nakaka lungkot lang kac pinagbawalan noon kaya tinanggal. Pero nag search ako kung anong bible pa ang gumagamit ngtrue name of god ngayun. Ang lumabs jw or jehovahs witness. So nag search ako about sa kanila .ay lumabas ang maga pangit na sinasabi ngmga iba. Peo may mga maganda. So research ko ulit then gang tinignan ko ang mga turo nila paniniwala at mga sinusunod at binase ko sa nga sinabi mi na totoong pagsamba. Alam neo ba ang resulta?
 
Wow lhyrnaj. Natuwa ako sa mga comments mo. Now i know. Pinag compared ko ang trinity at mga sinabi mo base on bible. Mas combinsido ako sayo. Nag search ako about sa dalawa sa Wikipedia maraming nilabas ang wiki na baho ng trinity. Abour sa sinabi mo naman andaming patunay na nilabas ang wiki na ka tas about sa yhwh na unang nilabas pala yan sa ming james ang pangalan pero nakaka lungkot lang kac pinagbawalan noon kaya tinanggal. Pero nag search ako kung anong bible pa ang gumagamit ngtrue name of god ngayun. Ang lumabs jw or jehovahs witness. So nag search ako about sa kanila .ay lumabas ang maga pangit na sinasabi ngmga iba. Peo may mga maganda. So research ko ulit then gang tinignan ko ang mga turo nila paniniwala at mga sinusunod at binase ko sa nga sinabi mi na totoong pagsamba. Alam neo ba ang resulta?
basahin mo po ang nangangatweran mula sa kasulatan page 191..malalaman nyo po na ang name na Jehova ay imbento lang ng tao. mismo pong aklat yan ng mga saksi ni jehova na mo mababasa yan. dagdag mo po iyan sa eresearch mo
 
Haha tama ka inimbento ng mga tao ang vowels nea kasi d naman mabigkas ang YHWH na mga nakasulat sa deadseascroll, so pano bigkasin ang yhwh ngayun kung had ndi trinanslate ang yaweh yehowa javeh to jehovah. Kaya mas maganda atang term yung translate keysa imbento po.
 
Haha tama ka inimbento ng mga tao ang vowels nea kasi d naman mabigkas ang YHWH na mga nakasulat sa deadseascroll, so pano bigkasin ang yhwh ngayun kung had ndi trinanslate ang yaweh yehowa javeh to jehovah. Kaya mas maganda atang term yung translate keysa imbento po.
aminado rin po pala kayo na dinagdagan ng mga taong iyan ang name ng Dios samadaling salita po imbentong dios yan. halembawa po kayo name nyo Judge kapag po nasa daan kyo tinawag kayong judy lilingon po ba kayo? eh ngayon yahweh ka ng yahwe jehova ka ng jehova eh hindi naman pala yan ang dios eh imbento lang yan eh
 
Dba sabi ni jesus na manalangin tayo sa pangalan ng ama. Eh pano ka po namanalangin? Ang sabi ko yhwh ang tama pong pangalan ng diyos ang dinagdag lang po aiy vowels. Noong una kac wala pang vowels na ginagamit pero ngayung meron na nilagyan na. Hindi naman pwedeng jdg lang ang pangalan ko ngayonnkac may vowels naman na tayo. Tya dba bawat tao may pangalan. Kung mag aaply ka ng trabaho isusulat mo ba na tao ang pangalan mo?
 
yan ang problema ng kakristianohan.ultimo pangalan ng dios hindi alam..
pangalan palang ngtatalo talo na kong ano ang totoo.pansinin mo rin pati mga ibang pangalan sa biblia pinapalitan.mg research ka po ng mg research. huwag kalang mg pukos sa kristian try mo lumabas tiyak makikita mo ang katotohanan.
 
Ok, paano mo ba babasahin ang salitang Myth sa salitang english? How much sure na tama yung nasa isip mo ang pagbigkas nito? Dba nalaman mo lang sa pagbigkas nila, Hindi naman siguro na ang pagbabasa nila ay letters por letters? Haha nkakatawa, sa katunayan nga, paano naging Yahweh o Jehovah ang YHWH , ganito yun..
Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan NitoPAANO isinalin sa iyong kopya ng Bibliya ang Awit 83:18? Ganito ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa talatang ito: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Ganito rin ang pagkakasalin ng iba pang salin ng Bibliya. Gayunman, maraming salin ang hindi gumagamit ng pangalang Jehova, anupat pinapalitan ito ng mga titulong gaya ng “Panginoon” o “Walang-Hanggan.” Ano ba ang dapat gamitin sa talatang ito? Isang titulo o ang pangalang Jehova?
 
Tinutukoy ng talatang ito ang isang pangalan. Sa orihinal na Hebreo na ginamit sa pagsulat ng kalakhang bahagi ng Bibliya, isang natatanging personal na pangalan ang lumilitaw rito. Ang baybay nito sa mga letrang Hebreo ay יהוה (YHWH). Sa Tagalog, ang karaniwang salin sa pangalang iyan ay “Jehova.” Ang pangalan bang iyan ay lumilitaw lamang sa iisang talata sa Bibliya? Hindi. Lumilitaw ito sa orihinal na teksto ng Hebreong Kasulatan nang halos 7,000 ulit!Gaano ba kahalaga ang pangalan ng Diyos? Isaalang-alang ang modelong panalangin na ibinigay ni Jesu-Kristo. Ganito ang pasimula nito: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9) Nang maglaon, nanalangin si Jesus sa Diyos: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Bilang tugon, nagsalita ang Diyos mula sa langit, na sinasabi: “Kapuwa ko ito niluwalhati at luluwalhatiing muli.” (Juan 12:28) Maliwanag, napakahalaga ng pangalan ng Diyos. Kung gayon, bakit hindi ito ginamit ng ilang tagapagsalin sa kanilang mga salin ng Bibliya at pinalitan pa ito ng mga titulo?
 
Waring may dalawang pangunahing dahilan. Una, marami ang nagsasabi na ang pangalang iyan ay hindi dapat gamitin dahil hindi na alam sa ngayon ang orihinal na pagbigkas dito. Ang sinaunang Hebreo ay isinusulat nang walang mga patinig. Kung gayon, walang sinuman sa ngayon ang tiyak na makapagsasabi kung paano eksaktong binibigkas ng mga tao noong panahon ng Bibliya ang YHWH. Gayunman, dapat ba itong makahadlang sa atin sa paggamit sa pangalan ng Diyos? Noong panahon ng Bibliya, ang pangalang Jesus ay maaaring binibigkas na Yeshua o marahil ay Yehoshua—walang sinuman ang nakatitiyak. Subalit ang mga tao sa buong daigdig sa ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng pangalang Jesus, anupat binibigkas ito sa paraang karaniwan sa kanilang wika. Hindi sila nag-aatubiling gamitin ang pangalang iyan dahil lamang sa hindi nila alam kung paano ito binibigkas noong unang siglo. Sa katulad na paraan, kung maglalakbay ka sa banyagang lupain, malamang na mapapansin mong iba ang pagbigkas nila sa iyo mismong pangalan sa ibang wika. Kaya naman, ang pagiging di-tiyak sa sinaunang pagbigkas sa pangalan ng Diyos ay hindi dahilan upang hindi ito gamitin.
 
Ang ikalawang dahilan na madalas na ibinibigay kung bakit inaalis ang pangalan ng Diyos sa Bibliya ay nagsasangkot ng isang matagal nang tradisyon ng mga Judio. Naniniwala ang marami sa kanila na ang pangalan ng Diyos ay hindi dapat bigkasin kailanman. Maliwanag na ang paniniwalang ito ay salig sa maling pagkakapit ng isang kautusan sa Bibliya na nagsasabi: “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan, sapagkat hindi hahayaan ni Jehova na di-naparurusahan ang gumagamit ng kaniyang pangalan sa walang-kabuluhang paraan.”—Exodo 20:7.Ipinagbabawal ng kautusang ito ang maling paggamit sa pangalan ng Diyos. Ngunit ipinagbabawal ba nito ang magalang na paggamit sa kaniyang pangalan? Hindi naman. Ang lahat ng mga manunulat ng Bibliyang Hebreo (ang “Lumang Tipan”) ay tapat na mga lalaki na namuhay ayon sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa sinaunang mga Israelita. Gayunman, madalas nilang gamitin ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, inilakip nila ito sa maraming salmo na inaawit nang malakas ng mga pulutong ng mga mananamba. Tinagubilinan pa nga ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga mananamba na tumawag sa kaniyang pangalan, at sumunod naman ang tapat na mga indibiduwal. (Joel 2:32; Gawa 2:21) Kaya naman, hindi nag-aatubili ang mga Kristiyano sa ngayon na gamitin ang pangalan ng Diyos sa magalang na paraan, gaya ng ginawa mismo ni Jesus - ( Juan 17:26 )
 
Malaking pagkakamali ang nagawa ng mga tagapagsalin ng Bibliya nang palitan nila ng mga titulo ang pangalan ng Diyos. Ginawa nilang waring malayo at walang personalidad ang Diyos, samantalang hinihimok ng Bibliya ang mga tao na linangin ang “matalik na kaugnayan kay Jehova.” (Awit 25:14) Isipin mo ang isang matalik na kaibigan. Talaga kayang magiging malapít ka sa iyong kaibigan kung hindi mo man lamang nalalaman ang pangalan niya? Sa katulad na paraan, paano talaga mápapalapít sa Diyos ang mga tao kung hindi nila nalalaman ang pangalan ng Diyos na Jehova? Karagdagan pa, kung hindi gagamitin ng mga tao ang pangalan ng Diyos, hindi rin nila malalaman ang kamangha-manghang kahulugan nito. Ano ba ang kahulugan ng banal na pangalan?Ipinaliwanag mismo ng Diyos ang kahulugan ng kaniyang pangalan sa tapat na lingkod niyang si Moises. Nang magtanong si Moises tungkol sa pangalan ng Diyos, sumagot si Jehova: “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Ganito ang pagkakasabi ng salin ni Rotherham: “Ako ay Magiging anuman na kalugdan ko.” Kaya si Jehova ay maaaring maging anuman na kailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin.
 
Ipagpalagay na kaya mong maging anuman na nais mong maging. Ano ang gagawin mo para sa iyong mga kaibigan? Kung nagkasakit nang malubha ang isa sa kanila, puwede kang maging isang dalubhasang doktor at pagalingin siya. Kung bumagsak naman ang kabuhayan ng isa, maaari kang maging isang mayamang pilantropo at saklolohan siya. Gayunman, ang totoo ay limitado ka sa kung ano ang maaari kang maging. Ganiyan tayong lahat. Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya, mamamangha kang makita kung paanong si Jehova ay nagiging anuman na kinakailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin. At nalulugod siyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan alang-alang sa mga umiibig sa kaniya. (2 Cronica 16:9) Ang magagandang aspektong ito ng personalidad ni Jehova ay hindi nakikita ng mga hindi nakababatid sa kaniyang pangalan.Maliwanag, ang pangalang Jehova ay dapat gamitin sa Bibliya. Ang pagkabatid sa kahulugan nito at ang malayang paggamit nito sa ating pagsamba ay mabibisang pantulong upang mápalapít tayo sa ating makalangit na Ama, si Jehova..

Yan lang. Kung may kinukwestyon mo parin to ts #Ang_angas_mo, d kita mapipilit sa yong opinion. Basta yan ang pagkaintindi ko at worth it para sa akin.. salamat sa pagbabahagi ng mga opinions niyo mga Bro. Wag lang tayo titigil sa pag basa ng bibliya , wag natin isipin ang opinion ng iba kundi hanapin natin sa sarili Nating paraan, kung Tumpak ba ang katwiran niya sa bibliya hindi lang na susunod at susunod na parang buntot ng iba.. yan lang..
 
mawalang galang lang ho Lyhrnaj hindi ko ho opinion yan. mismo pong mga saksi ni jehova umamin na ang pangalang jehova ay imbento lang so paano ko po naging opinion yan.kong yoong mismong domi dios kay jehova inamin nila na imbento lang yan?

isa pa ho kong kayo ay mga saksi ni jehova. nasaksihan mo ba mismo si jehova? o itoy itinawag lang inyo sa inyong samahan? at ang katotohanan ay hindi nyo talaga nasaksihan si jehova?
 
Haha gets ko na may pagka tugma nga mga sinasabi ng wiki.haha yung kakaibang sulat na yun mr. Ang angas mo. Yun yung original form o pagkakasulat na hinahanap mo dba? Cge gamitin mo nalang yun total alam mo naman cguro basahin yun dba? Haha tyaka ayaw mo ang pagkaka translate ay este imbento ng kakaibang sulat na yon.. Total mas maalam ka sa mga nag translate bakit d mo kaya i try i translate yung mga sinaunang scrolls? Baka maraming bumasa sa bagong salin ng biblya mo.hagahhaaha
 
Haha gets ko na may pagka tugma nga mga sinasabi ng wiki.haha yung kakaibang sulat na yun mr. Ang angas mo. Yun yung original form o pagkakasulat na hinahanap mo dba? Cge gamitin mo nalang yun total alam mo naman cguro basahin yun dba? Haha tyaka ayaw mo ang pagkaka translate ay este imbento ng kakaibang sulat na yon.. Total mas maalam ka sa mga nag translate bakit d mo kaya i try i translate yung mga sinaunang scrolls? Baka maraming bumasa sa bagong salin ng biblya mo.hagahhaaha
boss maging ikaw aminado imbento nga ang name na yan na Jehova. bat mo pa pilit pinagpipilitan:)
sa NBI nga pagkumuha ka ng NBI clearance at may isang letrang mali hindi na ikaw un eh
sa Dios pa kaya ng imbento ka na ng name tapos sasabihin mo ito ang tunay na name ng Dios eh imbento lang yan eh.commonsense lang ho
 
Last edited by a moderator:
haha join us..ngrerecruit ka pla.....ehh isa lg nmn ang gropu nyo sa mga maraming gropu na ngsasabi na kau ang nsa katotohanan at tama...hays
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 185
    Replies
  • 6K
    Views
  • 23
    Participants
Last reply from:
supersandra20

Online statistics

Members online
1,534
Guests online
3,680
Total visitors
5,214
Back
Top