What's new

Closed Tulog

Status
Not open for further replies.

Professor Berlin

Eternal Poster
Joined
Aug 1, 2017
Posts
885
Reaction
161
Points
411
Age
25
Warning: Avoid sms type text, all capital letters, jejemon style posts are considered as spam
GUYS ILANG ARAW NAKO D NATUTULOG.. NATUTULOG AKO PERO DALAWANG ORAS LNG D AKO DINADALAW NG ANTOK D NAMN AKO NAGKAKAPE NA..ANO KAYA MAGANDANG GAWIN PARA BUMALIK SA DATI YUNG TAMANG ORAS NG PAGTULOG KO
 
Ilang taon ko nading problema 'to. Halos lahat ng advice dito ginawa ko na, pero wa effect padin sakin. nyahaha

Malay mo effective sa'yo. madami nang prev. threads dito about jan, Gamit kalang ng Search bar . hihi

Btw. Bawal pala all caps dito baka maraid ka. hakhak
 
Try niyo ito mga sir baka sakali maging effective po..

Heto ang mga tips para sa mga hirap makatulog:

Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng alas 9 ng gabi.

Huwag mag-siesta. Kapag natulog ka sa hapon, hindi ka na aantukin sa gabi.

Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag pagod ang ating katawan, mas madali makatulog sa gabi.

Huwag uminom ng kape o iced tea sa hapon o gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

Makinig ng konting musika. Mag-relax. Puwede rin magpamasahe at maligo nang maligamgam na tubig.

Huwag gamitin ang alak na pampatulog. Ang problema sa alak ay mapapaaga rin ang gising mo sa umaga. At saka may hang-over ka pa.

May mga vitamins at supplements na puwede niyong subukan. Uminom ng Vitamin B complex. Nakapagpapagana ito sa pagkain at may tulong din sa pagtulog.

Subukan ang Melatonin Supplements. Ayon kay Dr. Rebecca Castillo, ang melatonin ay nakatutulong sa pagtulog at nagpapalakas na ating immune system.

Kapag hindi epektibo ang Vitamin B complex o Melatonin para sa iyo, puwede magpareseta ng sleeping *****. Ngunit dapat ay paminsan-minsan lang ang pag-inom ng sleeping ***** dahil nakakasanay ito.

Kapag hindi talaga makatulog, humiga na lang sa kama. Kahit gising ka ay okay lang dahil nakakapahinga naman ang iyong katawan. Kapag humiga ka ng 2 oras, para ka na rin nakatulog ng 1 oras.

Ayon kay Pastor Norman Vincent Peale, kapag hindi siya makatulog ay pinagdarasal niya ang lahat ng kanyang kaibigan. Nagpapasalamat din siya sa mga biyayang natanggap sa buhay. Puwede natin siyang tularan.

At siyempre, huwag kalimutan magdasal sa Diyos. Ipasa n’yo ang lahat ng problema sa Kanya. Ang Diyos na ang bahala rito. Sa ganitong paraan, magiging mahimbing ang iyong pagtulog. Good luck po! 😊
 
una, bawal all caps hehehe

kung nagamit ka ng cellphone sa gabi, bawas bawasan mo.
kasi kapag madilim, na-tri-trigger yung utak at akala ng utak ay maliwanag pa kaya hindi ka aantukin. :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top