[XX='arsenal1205, c: 1323426, m: 1107779'][/XX] Kami din nung 6 years old pa lang ako, nung nangungupahan pa lang kami, but back then hindi ako gaano mahilig manood ng TV.. until I was 8, nung nagkaroon na kami ng permanent home at hindi na ulit kami nakaranas ng cable, dahil nung nagpunta yung parents ko sa opisina ng cable company, sabi daw nila hindi pwede pakabitan yung bahay namin sa sobrang layo ng pagitan ng mga bahay sa village namin, kahit yung mga nag-aalok ng îllégâl cable dati hindi kaya pakabitan yung bahay namin lol..
2012 naman na-tempt ako na magpakabit ng Cignal (lagi kasi pino-proprote ni Kyah Wel sa programa niya dati yung Cignal nung nasa TV5 pa siya), kaso sa dami ng hinihinging requirements (2 valid IDs etc.) hindi ko na tinuloy (college student pa lang ako nun kaya imposible yung 2 valid IDs na hinihingi nila).. Nung 2018, naging posible na pwede pakabitan ng cable yung bahay namin (dahil fiber na ang gamit instead of coaxial) but that time nakabili na ako ng EasyTV the same year (yung gamit ko na ISDB-T set-top box until now even nag-shutdown yung service nila nung 2019)
This year balak ko na ulit sana pakabitan ng cable yung bahay namin, 699 per month lang pero 118 channels by the way, compared to Cignal na aabot ng 1000+ yung monthly nila pag 100+ channels na rin, but after reading some bad reviews ng local cable company namin on their Facebook page, medyo nag-doubt ako na magpakabit, kaya nag-try ako ng IPTV instead, dahil meron na kaming Converge nung last year pa.. ayun nga, gaya ng sinabi ko dati I tried JoyTV pero trial lang..
Dito sa PHcorner active na ako dito nung 2016 nung naghahanap ako ng libreng internet dati para sa phone ko (Psiphon, butas sim etc.) then I thought to myself "kung merong libreng internet, meron din kayang libreng cable?" kaya nitong February this year lang nung nag-search ako dito ng IPTV, na-discover ko yung Filproducts pati playlist ni sir hi2u.. hehehe